Three

43 4 0
                                    


Last Practical

+++++

Nagdaan ang mga araw, sa wakas ay ito na ang huling pagsusulit nila. Sa ngayon nasa pinakagarahe sila ng HQ. Lahat silang isang daan na natira ay sasabak sa pagsusulit. Kailangan tumagal sila ng isang linggo sa labas na kung saan gubat na ang bubungad sa kanila. Sa gubat ay mas maraming mga maythcreates ang nakatambay dahil kadalasan ang mga mythcreates ay may lahing iba't ibang klase ng aswang na nakikita sa kagubatan.

"Kailangan makuha niyo ang mga red flags na nakatusok sa kasunod na bundok na may layong 50 kilometro. Tatagal ang pagsusulit sa loob ng isang linggo. Kayo na ang gagawa ng paraan kung paano bubuhayin ang mga sarili ninyo. Ang hindi sumunod sa patakaran ng pagsusulit ay idinideklarang bagsak."

Matapos ang pagbibigay instruksyon, nagsimula na ang pagsusulit nila. Nang mabukas na ang pinakatarangkahan ng lugar ay saka na nagsitakbuhan sa iba't ibang direksyon ang mga nagsasanay. Ang nanatili sa diretsong daan ay sina Mendoza at Winston. Napatingin si Winston sa kasama.

"You're not going somewhere?"

"Parehas lang naman tayo ng pupuntahan kaya samahan na kita." sabi ni Mendoza.

"Really?"

"Tsaka gusto rin kita bantayan kaya makakasama mo ko."

"I can take of myself."

"I know, I just wanted to make sure. Ayoko na maulit pa ang pagkakamali ko."

Hindi na nakasagot si Winston dahil naalala niya ang nangyari sa grupo nila sa Ayala. Marami ang namatay sa grupo nila. Alam niya ang pakiramdam ng lalaki dahil ang katwiran nito, ito ang mas nakakatanda pero hindi naging sapat ang ginawa ng lalaki para mapabuti ang lahat.

Tuloy-tuloy sila sa pagtakbo at maya-maya lang ay biglang bumagsak ang malakas na ulan. Kasabay niyon ay lalong dumilim ang paligid dahil masukal ang gubat. Kokonting liwanag lang ang tumatagos sa mga naglalakihang puno sa gubat kaya halos wala nang makita sa lugar.

Kahit ganun, nalalaman nila ang mga zombies na nadadaanan o nakaharang sa daraanan nila.

"Mga mythcreates." sabi ni Mendoza.

Inihanda ng dalawa ang sarili para sa pagprotekta sa kanila. May limang zombie ang aatake sa kanila.

Mabilis na inilabas ni Winston ang talim niya at naunang tumakbo kay Mendoza para maunang umatake. Agad na iniwasiwas ng binata ang talim sa zombie na biglang iniharang ang kamay para masalag pero nahiwa rin iyon. Kasabay nun ay binaril ni Mendoza nang tatlong beses ang zombie na aatake kay Winston.

Magkasabay na napatay ng dalawang lalaki ang dalawang zombie. Nagsilbing back-up si Mendoza sa likuran ni Winston habang umaatake ang binata. Mabilis nila natalo ang mga zombie kaya agad na sila umalis ng lugar.

At habang tinatahak nila ang daan, nakakarinig na sila ng mga daing, sigaw at hiyaw ng mga tao sa paligid.

"Sana ayos lang sina Mike." sabi na lang ni Mendoza. Hindi na lang nagsalita si Winston.

Samantala sa loob ng HQ sa monitor room para sa pagsusulit, kasalukuyang nanonood si Berta at inimbitahan pa niya ang mga kaibigan na sina Diane at si Santi na nakiepal lang talaga.

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon