Four

46 4 0
                                    


Official Slayers

+++++

Lumipas ang mga araw, walang ginawa ang iba kundi protektahan ang sarili laban sa mga mythcreates. Lumagpas sa kanilang expectation ang dami ng mga mythcreates sa gubat lalo na ang bilang ng mga hindi ordinaryong mythcreates kaya nahirapan ang lahat sa pagkuha ng flag sa kabilang bundok at makabalik sa HQ.

Lumipas ang isang linggo, bumalik sa HQ ang iilang slayers na nakasama nila. Hinang hina sina Winston at Mendoza na naglalakad papasok ng HQ. Dala-dala nila ang flag na kinuha nila sa kabilang bundok at kakatapos lang nila lumaban sa tatlong manananggal na mas malaki pa kaysa sa mga nakita nila nung nasa lungsod pa sila.

Pagkarating sa HQ ay napasandal na lang si Winston sa pader at napadausdos paupo sa pagod. Napahawak naman si Mendoza sa pader katabi ni Winston.

Napatingin sila sa mga tao na nasa loob ng HQ. Medyo nagulat sila nang makitang konting konti lang ang mga nakasama nila sa training na nasa HQ. Hinanap ni Mendoza ang dalawang nakasama nilang dina Mike at Jacob pero hindi niya makita ito. Kinabahan siya dahil gabi na nang makarating sila.

"Assemble everyone!"

Napatingin ang lahat sa lalaking nasa sentro ng lugar. Malaking lalaki ito at hindi sila nagkakamali, nakasuot ito ng uniform ng isang slayer pero ang uniform nito ay para sa mga High-class slayers. May kasama itong babae na nakauniform din parehas sa lalaki. Kumpara sa lalaki, ang babae ay mukhang kaaya-aya at madaling lapitan. Mukha lang din itong kalmado at hindi masungit.

Napatingin sina Winston at Mendoza sa paligid. Napakakonti na lang ang mga slayer na nakasama nila na nandito sa HQ. Nalungkot naman si Mendoza nang hindi na makita sina Mike at Jacob. Natahimik na lang si Winston nang makita ang reaksyon ni Mendoza, alam niya rin kasi na wala sa lugar na yun sina Mike at Jacob.

Ibig sabihin lang nun ay hindi na nakaabot ang dalawa nang buhay sa HQ.

"Paglilinaw. Ang bilang lahat ng tao na nakarating sa headquarters ay mga nasa tatlumput-isa."

Napasinghap ang iba nang malaman ang bilang nila. Nasa daan pa kasi ang bilang nila nung nagsisimula pa lang sila sa pagsusulit pero ngayon ay konti na lang.

"Ayon sa rules ng pagsusulit, kung sinuman ang makakuha ng flag sa kabilang bundok at makarating sa headquarters matapos ang isang linggo, eksakto, iyon ang mga nakapasa at magiging opisyal na slayer ng Modern Slayer Corporation." sabi ng babae.

"Ang lahat ng bilang ng mga tao dito ay nasa tatlumput-isa. Ang opisyal na bilang ng mga nakapasa sa pagsusulit ay mga nasa labing lima."

Napasinghap ang lahat nang marinig ang bilang ng mga nakapasa sa test.

"Teka sandali bakit ganun!? Nakarating naman kaming lahat dito!? Diba ayun naman ang rules!?" sabi ng isang lalaki.

"Ikaw—"

Pinigilan ng babae ang lalaki sa pagsasalita. Ito ang humarap at sumagot sa lalaki.

"Ayon sa rules na sinabi ko kanina, kung sinuman ang makakuha ng flag sa bundok at makarating sa headquarters matapos ang isang linggo. EKSAKTO. Ang opisyal na nakapasa sa pagsusulit. Narinig mo? Naintindihan mo? Nasundan mo ba?"

Nanginig naman ang lalaki dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi ng babae.

"H-hindi maaari."

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon