Ten

34 5 2
                                    


Dream

Spg 'to ah...

+++++

Nagulat ang lahat nang makitang hinawakan ni Luna ang mukha ng bata. Naging alerto naman sina Winston at Mendoza. Oo nga't may improvement na ang mga kinikilos ni Luna pero hindi ibig sabihin nun ay nabalik na nang tuluyan sa dati ang dalaga.

Nag-aalala sila na baka biglang mangsakmal ito ng tao.

Pero taliwas naman iyon sa inaasahan nila. Marahang hinimas ni Luna ang pisngi hanggang ulo ang bata. Parang batang pinupuri ang paghaplos ni Luna sa bata at mukhang wala pa naman ginagawang kakaibang masama ang dalaga kaya napalagay na sila.

Natawa nang bahagya si Mendoza. Hindi pa rin makapaniwala na parang ang bilis at malalaki na ang improvements ni Luna.

"Can't believe that she's improving this rapidly." Sabi na lang ni Winston.

" Yeah. But happy naman ako. Hay... " Sabi na lang ni Mendoza habang nakatingin kay Luna na hinihimas lang ang ulo ng bata.

"Oo nga pala, I notice na parang ok ok naman nako. So baka bukas o makalawa, pupunta na tayo ng headquarters. Tumawag kasi si Diane." Singit bigla ni Mendoza.

"Anong sabi niya?"

"It's all about mythcreates. May new discovery daw sila. And they need some reports sa development ni Luna."

Napatango na lang si Winston habang nakatingin kay Luna.

"How about you? Ok ka na rin ba?"

"Yes."

Ito ang napansin ng dalawa sa katawan nila. Nang maensayo sila as a slayer, napansin nila ang physical improvement ng katawan nila. Maliban sa nailalabas nilang kakaibang energy, mabilis ding maka-recover ang katawan nila kung ikukumpara sa ordinaryong tao kaya naman ang pagpapahinga nila sa evacuation center ngayon ay mapapabilis.

Mukhang mas okay kay Mendoza ang development sa kanila kahit pa naging slayer na sila. Mahirap ang mga pagsasanay na pinagdaanan nila pero worth it naman ang naging resulta.

Kailangan na kailangan pa naman nila yung improvements dahil kakaiba ang nakakalaban nila sa bawat misyon.

"I hope, mabalik na rin sa dati si Luna oara kahit papano makausap natin siya nang maayos na. Hay miss ko na ang batang yun hahahaha!" Sabi na lang ni Mendoza.

" Babalik din siya don't worry. And that's for sure." Sabi na lang ni Winston.

*****

Kinabukasan, maagang nagising si Winston dahil sa pagkauhaw. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama upang kumuha ng tubig. Buti na lang at may mini ref sa kwarto kung nasan sila kaya makakakuha agad siya ng tubig.

Natigilan siya nang makaupo na siya sa kama. Nakita niya si Luna sa tapat ng mini ref may kinukuha na kung ano. Maya-maya, nakita niyang may tinungga ang babae.

Sa hindi malaman na dahilan, may kung anong naramdaman si Winston habang nakatingin kay Luna na umiinom sa botelya. Napalunok siya ng laway. Maliban sa may bumabagabag sa kaniya kung paanong nakakainom si Luna na parang nasa matino na itong pag-iisip, nalulukuban ng maruming senaryo ang utak niya. Senaryo na kung saan siya at si Luna lamang ang nakikita niya dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon