Chapter 6

841 12 0
                                    


Yuri Cabresa

"Kumalma ka nga Yuri at ako ang nahihilo sayo" saway sakin ni Mama.

"Eh hindi ko maiwasan. Nasan nga pala si Cedric, Ma?" kahapon ko pa hindi nakikita yun. Palagi nalang wala.

"Ewan ko ba sa batang yun. Nagtext na medyo matatagalan daw siya" tumango-tango nalang ako saka tumingin sa pinto ng operation room.

"Nandito na pala siya. San ka ba galing bata ka?" napalingon ako at nakita ko si Cedric na pawis na pawis.

Magsasalita pa sana ako pero naputol nang lumabas si Doc at Kurt. I should learn how to call him by his name.

"Kumusta ang anak ko?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Calm down, Yuri" lumapit sakin si Kurt habang tinatanggal yung lab gown na suot niya.

"Your son was now safe. Kailangan lang niya ng pahinga, once he wakes up at okay na katawan niya pwede na siyang lumabas. You can now see him sa room niya" I feel relief flow through my body.

"Thank you po Doc" in-excuse na niya yung sarili niya.

"I must say Third is tough kid. Muntik na siyang bumigay but then he didn't" napatitig ako kay Kurt. Ano daw, muntik nang bumigay si Third?

"Ano?" hindi ako makapaniwala.

"There. There. He "almost". Okay na siya Yuri. Nothing to worry about" he pat my shoulder.

Sabay-sabay na din kaming pumunta sa kwarto ni Third. Natutulog siya at maraming tube na nakakabit sa kanya. Naawa ako sa anak ko pero alam ko it's for the best. In no time magaling na siya.

...

"Anak, nasan si Kurt? Kakain na" pati si Mama hindi pinalampas ni Kurt sa first name basis niya.

"Hindi ko po alam. Wala ba sa labas?" kanina lang nandito yun ah?

Napalingon kami ng may kumatok sa pinto. Kusa na siyang bumukas at niluwa si Gabriel kasama si Ms. Santos.

"Good afternoon Mrs. Cabresa, Yuri" bati niya samin habang formal na nakatayo si Gabriel sa tabi.

"Ano pong ginagawa niyo dito Miss?" nakapagtataka lang na hindi sila nag-aaway ngayon.

"Binibisita lang kita. Ewan ko dito kay Stone-face kung bakit siya nandito" binabawi ko na yung sinabi kong hindi sila nag-aaway.

"I had a name, Elizabeth and it's Gabriel. Ms. Cabresa, I'm here to inform you that you can take the leave for the day. Mr. Nottinghamshire was running some errands as of the moment but he'll be back" dire-diretso niyang sabi na ginantihan ni Miss ng pagme-make face.

To think na ang isang napaka-gandang babae, 27 years old manager ng Herrenvolk Palace is acting like a child. Mas lalo siyang nainis ng hindi siya tinapunan ng tingin ni Gabriel. Konti nalang iisipin kong crush nito ni Miss si Gabriel eh.

"Ah... magtatagal ba kayo dito Miss?" wala pa naman kaming pangmeryenda.

"Naku hindi ah! Aalis na din ako. Sinilip ko lang si Third" sabi niya saka dali-daling nagpaalam samin.

"Ikaw Gabriel? Gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya habang nakatayo parin sa gilid.

"No Miss. I'm staying outside" saka siya lumabas. Tumingin sakin si Mama, I shrug.

Kurt Nottinghamshire

"Sir, hawak nila ang laptop mo" sabi sakin Security Manager ko.

Hindi talaga ako tinatantanan ng Hawk hangang hindi nila nakukuha ang gusto nila. Pwes nagkakamali sila ng kinalaban. Hindi pa ba sila nadadala? Tss! Idiots!

"Go back to your job, Mr. Masson. I will handle it" I should fire him for being so reckless pero may iba akong plano sa kanya.

"Track Mr. Masson's account and get Benj here" utos ko sa secretary ko.

"Right away, Sir" saka siya lumabas.

Napasok nila ang office ko ng walang hadlang. My secretary was a trained spy but then again she's still a girl at nagawang patulugin. The only thing na makikita sa office is my laptop at kinuha nila.

"Sir, pinatawag niyo raw po ako?" I pulled out of my thoughts.

"Yes. Activate the timer. It's time to show those fuckers what we are capable of" utos ko sa kanya.

"Yes, Sir" magalang niyang sagot saka umalis.

"Sir, you have a meeting starts at 30 minutes" sabi sakin ng secretary ko sa intercom.

I browse through the folder on my desk to study the project and sign. Malaki-laking project din to and I don't want my money to be wasted.

...

"Good evening, Sir. Ms. Cabresa and Third are sleeping. Mrs. Cabresa was home as well as her son" Gabriel reported as I reached Third's room.

"Pwede ka nang umuwi, Gabriel. Let Nelly know to prepare for your dinner" sa bahay ko umuuwi si Gabriel. He's not just my bodyguard after all.

"It's okay, Kurt. Mrs. Cabresa prepared a food at hindi ako nakatanggi nang bantaan ako ni Yuri" he's a great friend too.

"Okay. Drive carefully" Gabriel was the typical body guard kung titignan, he was an ex-army for over 7 years bago siya nagtrabaho sakin.

Pumasok ako sa loob to see Yuri sleeping next to Third. I watched Yuri's sleeping form for a moment. She was so serene and beautiful. Gago lang talaga nang boyfriend niya at iniwan siya.

Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya siya nagising. She look at me with those sexy sleepy eyes. Damn Kurt! Stop it!

"Kanina ka pa ba? Kumain ka na?" she rose up kaya pinigilan ko.

"No ngayon lang at yes kumain na ako. Matulog ka na ulit" I make myself comfortable in the couch. I think kailangan ko munang magtiis dito.

"Sure ka ba? Gabi na. Dumaan ka pa dito" stubborn woman, sabi nang matulog na. Sa tingin ko alam ko na kung bakit hindi nakatanggi si Gabriel sa kanya.

"Yuri, I told you to continue your sleep" kasya naman ata ako dito, sana lang kayanin niya ako.

"Nawala na ang antok ko" she whisper.

"Sorry" okay my fault.

Inayos ko yung upo ko sa couch bago tanggalin yung sapatos ko habang nanunuod lang sakin si Yuri. Through my peripheral vision, I can see that she's curious.

"Uhm... Kurt, anong ginagawa mo?" hindi na siya nakatiis.

It's good to hear na tinatawag niya ako by my name. After ng ilang suyuan at nasanay na din. It's just that my name sounds good coming from her sexy lips. Fuck! Everything about her is sexy.

"Matutulog? What do you think? I'm way too tired to go home" I can't think of any more valid reason. Hindi naman niya alam kung saan ang bahay ko.

"I mean, bakit diyan ka matutulog?" she even point the couch.

"Why? Gusto mo bang tumabi sayo? Sorry babe pero hindi tayo kasya diyan. Good night, Babe" I wink at her saka humiga. Shit! I forgot the pillows and blanket. Aish! I'm too tired. Bahala na nga.

Yuri Cabresa

"Pasaway naman. Masyado ba siyang pagod para kalimutan yung unan pati kumot?" kinuha ko yung excess pillow at blanket sa may cabinet dito.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan ko siyang nilagyan ng unan. Gumalaw siya ng konti pero hindi naman nagising. Dahan-dahan ko din siyang kinumutan.

Tining ko muna siya. Kamukha nga talaga siya ni Third. Mula sa mahaba ning pilikmata, matangos niyang ilong hangang sa labi niyang akala mo laging naka-lipstick na pink.

"Good night, Kurt" inaantok na ako at may pasok pa bukas.

"Hmm..." napalingon ako nang umungol siya. That make me smile before I fall into slumber.

************************************

Say You Love Me (A Leo Mafia Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon