Chapter 34

346 7 0
                                    


Reive Guillermo

"Tita Rieve, what is marriage?" napalingon ako kay Third nang bigla niya yung itanong out of the blue.

Nasa biyahe kami ngayon papunta sa mall. Sir Kurt instructed me to accompany Third to buy his school supplies. Magsisimula nang pumasok ng Grade Two si Third this coming school opening.

"Marriage is a bond between two people who loves each other dearly. Katulad ni Tito Gabriel and Tita Elizabeth mo" explain ko habang nakatingin sa kanya.

Hindi man lang siya lumingon sa pwesto ko. Diretso lang ang tingin na as if malalim ang iniisip.

"When will you get married?" nagulantang naman daw ako sa sinabi niya.

After Sir Kurt hired a speech tutor naging maayos na yung pananalita ni Third. Nagsimula na din siyang maging active sa academics kaya nga lumaktaw siya ng isang grade. Third was a smart kid siguro nakuha niya yun kay Miss Yuri.

"Soon, siguro. Depende. Bakit mo ba natanong?" hindi pa din siya lumilingon.

"Kailan ikakasal si Daddy?" monotonous niyang tanong sakin pabalik.

I froze instantly. Sa loob ng dalawang taong nawawala si Miss Yuri ay naging neutral lang si Third. Hindi niya nababanggit yung Mommy niya pero alam naming lahat na palagi niya itong hinahanap.

"Bakit mo natanong, Third? Gusto mo na bang ikasal si Daddy mo?" si Shaun, na nasa driver seat, na ang sumagot.

"My surname is still Cabresa. Surname ni Mommy yun, kailan un mapapalitan ng kay Daddy?" matalinong bata si Third, sobra.

"You want me to change your surname?" tanong KO.

Kung yun lang din naman ang gusto niya, we can work on that. Matagal na ding gustong mangyari ni Sir yun.

"No" naging tahimik na yung buong byahe after nun.

Hindi man sabihin ni Third alam kong iba ang gusto niyang ipahiwatig sa sinabi niya. He wants his Mommy back. But I don't think it'll happen soon.

Nakarating kami sa Mall after 10 minutes. Agad kaming bumaba kasama si Shaun at isang body guard. Gabriel insists on bringing him despite having Shaun around. Mas mabuti na daw na handa. Dumiretso na kami agad sa National Bookstore.

"Yeah. Kakarating lang namin. How was everything going on there?" napalingon ako kay Shaun nang magsalita siya, may nakalagay na cellphone sa tenga niya.

He mouthed Nelly nang makita niyang yung mukha kong nagtatanong. Napangiti naman ako. I didn't know that those two will end up together. I guess two years are long enough and everything can change.

"Hmm... Have my gun in the holster and a swiss knife... Yeah... Bye. I love you" binaba na niya yung tawag habang kami naman ni Third ay tumitingin sa mga notebook.

"May napili ka na sa kanila Third?" tanong ni Shaun.

May hawak akong isang Spider-Man na writing notebook at isang plain black na writing notebook din. Pero si Third iba ang hawak. Isang Cattleya binder. O... kay, ibang klase.

"Can I have this?" nagkatinginan kami ni Shaun. Anong gagawin ko?

"Pero hindi yan ang requirements mo, Young Sir" paliwanag ko.

"It's not for school. This is mine. Bibilhin ko yung plain na notebook para sa school" pareho nalang kaming napatango ni Shaun.

Wala na kaming magagawa, bigla nalang kasi siyang umalis at kumuha ng mga lapis. Isa pa, hindi naman masyadong mahingi si Third kaya bakit hindi nalang pagbigyan?

Say You Love Me (A Leo Mafia Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon