Chapter 24

386 6 0
                                    


Yuri Cabresa 

One week. Isang linggo nang lumipas ng umalis kami sa mansyon ni Kurt. Sa loob ng isang linggong yun ay wala ni anino ni Kurt ang nagpakita sakin.

Hindi ko alam kung madi-disappoint ako o matutuwa. Dissapointed akong hindi siya nagpapakita, ibig sabihin hindi niya ako hinahanap. Good thing about it hindi ako mahihirapang magpaliwanag.

Bakit nga ba kasi ako umaasa? Si Kurt yun. Hindi ako hahanapin nun. Hindi ako mahal nun. Ano ba!

"Yuri, may pinabibigay" tinulak ako nang mahina ni Jaimie sa balikat.

Tinignan ko yung hawak ni Ellaine na bouquet at inaamoy habang nagde-day dream. Pang-pito na siya ngayong araw nato. Iniisip kong galing kay Zac na naman to.

"Konti nalang puno na yung vase ng hotel" hirit ni Jasmine.

Lahat kasi ng natatanggap kong bulaklak ay nilalagay ko sa vase nitong hotel. Wala naman akong paglalagyan sa bahay at isa pa, mas maganda nang may gamit yung mga vase.

"Baby boy, okay ka lang diyan?" hinarap ko si Third na busy sa pagsusulat sa isang tabi.

Dahil wala kaming mapag-iwanan ni Cedric kay Third at hindi ko rin siya basta maiwan ay sinasama ko siya dito. Hindi naman siya nagkukulit. Wala na nga yung makulit na si Third.

"Otay lang ato Mommy" yun lang yung sinabi niya.

Malungkot ko siyang tingnan. Napansin niya siguro kaya binigyan niya ako ng malawak niyang ngiti na labas yung mga ngipin niya.

"Ang cute mo naman talagang bata ka. Pwede bang akin ka na?" singit ng kararating palang na si Miss Santos.

"Huggard ka Miss?" puna ni Ellaine matapos ilagay sa vase yung bulaklak.

Naka-focus yung tingin namin kay Miss na magulo yung buhok at puno ng pawis. Kanina ko pa siya hindi nakikita simula pag-pasok kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya.

"Nakita ko kasi yang kasama si Mr. Mathews kanina. Busy sila" binigyan ni Jaimie ng pabirong kindat si Miss na ikinasama ng mukha niya.

Hindi ko napansing pumunta dito si Gabriel. Hindi niya ako dinaanan? Baka busy lang talaga siya.

"Naku! Tigilan mo ako Jaimie ha" nag-asaran lang kami dun bago bumalik sa kanya-kanyang mga trabaho.

...

"Hi, Miss" napalingon kaming tatlo sabay-sabay sa nagsalita. Nag-aayos na kami ni Jaimie para kumain sa labas. Parehas kasi kami ngayon ng breaktime.

"Zac!" kumpirma ko.

"Hi Yuri! Hi girls" napasin kong umismid si Ellaine bago tumalikod.

"Hi Zac" pilit ngiting sabi ni Jaimie.

Anong nangyari dito sa dalawang to? Parang nung kailan lang, kung maka-bugaw sakin kay Zac wagas. Ang bilis naman ata mag-iba ng ihip ng hangin.

"Can I take you out?" tanong ni Zac na hindi napansin yung ginawa ng dalawa.

Kung napansin man siguro niya ay hindi na niya pinansin.

"Sige. Palabas na din naman kami" tinawag ko si Third na sumama pero tumakbo lang siya kay Ellaine at Jaimie.

"Ah... Yuri, sige na. Kami nang bahala dito sa anak mo" tinignan ko sila at saka yung anak ko.

Nagtatago siya sa likod ng mga hita ni Jaimie at mahigpit na kumakapit doon. Nakatingin lang siya samin. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Say You Love Me (A Leo Mafia Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon