Chapter 23

378 5 0
                                    


Yuri Cabresa

"Baby boy kain ka na" nilapag ko yung hawak kong tray sa side table ng kwarto ni Third.

Tatlong araw na nang magising siya. Natatakot ako kasi naging mailap siya sa mga tao. Sinubukan ko siyang isama sa trabaho dahil ayaw niya akong paalisin pero ang naging ending ay hindi rin ako nakapagtrabaho.

Naging cautious siya sa mga taong makakaharap niya. Kung hindi magtatago ay hindi iimik. Pina-appoint din namin siya kahapon sa doctor. Ang sabi nila ay okay lang siya. Kailangan lang niya ng time to adjust.

"Mommy" lumingon sakin si Third kaya napahinto din ako sa ginagawa ko.

"Atan ti Daddy?" lumapit ako sa tabi niya saka hinawi ang mga buhok niyang humarang sa mukha niya.

"Nasa work si Daddy, baby boy eh. Mamaya darating na din siya" ayaw kong paasahin ang anak ko pero wala akong magawa.

Simula nang makita ko yung banta ay parang may mga matang nakamasid na samin. Hindi siya sa mga tao ni Kurt, alam ko. Dahil kung saan ako magpunta ay parang may nakatanaw sakin. Kahit sa loob ng hotel.

...

"Ate, sigurado ka ba dito sa ginagawa natin? Baka pwede pa tayong matulungan ni Kuya Kurt" tanong sakin ni Cedric habang inaayos ko yung gamit ni Third.

Kung ako lang ay wala akong pakialam sa bantang yun. Alam ko namang kaya akong protektahan ni Kurt. Pero iba kasi kung kasama na ang anak at kapatid ko. Hindi ko kayang isugal ang buhay nila.

"Kailangan, Ced. Dalhin mo na to. Magkita tayo doon" binigay ko sa kanya yung isang bag na may lamang damit naming dalawa.

Hindi magiging madali yung pag-alis namin dito lalo na ngayon na tinaasan ni Kurt yung security. Walang maghihinala kung magkahiwalay kaming aalis ni Cedric. Bahala na mamaya kung pumalpak.

Pag pumalpak itong plano. Mapipilitan akong sabihin kay Kurt yung banta. Pero kapag hindi. Wala na akong magagawa kundi ang tuluyang umalis sa buhay nila.

Kung tutuusin naman ay hindi kami dapat nandito. Isa lang akong empleyado ni Kurt at hindi naman din siya totoong ama ni Third kaya walang dahilan para mag-stay.

...

"Miss nakahanda na po yung sasakyan" tumango ako kay Edmund.

"Halika na baby boy" ngumiti sakin si Third pero hindi umabot sa mata niya di tulad ng dati.

Napagpasyahan kong igala si Third para maiba naman ang nakikita niya. Yun ang alam nila.

Nakarating kami sa park. Walang masyadong nag-iingay sa buong byahe namin. Kinakabahan ako. Alam kong mataas ang risk nang pagtakas namin pero wala nang atrasan to.

Pagdating namin sa park ay tinignan ko yung buong paligid. May nararamdaman akong nakamasid. Naglanding yung mata ko sa isang itim na sasakyan. Nakatingin yung driver sakin at naglabas ng baril.

Bigla akong napalingon. Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi nga ako nagkamali. Minamanmanan nila ako.

"Mommy, wee wee ato!" nilingon ko si Third.

"Tara anak. Tara" tumango-tango oa ako.

Sana hindi nila mapansin na may mali. Madali kaming pumunta sa banyo. Hindi ko rin maiwasang hindi lumingon-lingon. Tinitignan ko yung mga tauhan ni Kurt na kasama namin at yung kotseng itim. Tumitingin din ako ng mga posibleng daanan para makatakas.

"Mommy, otay ka lang?" napansin ata ni Third ang pagiging balisa ko.

"Okay lang si Mommy, baby boy. Dito tayo dumaan" sorry anak pero kailangan ko tong gawin.

Dumaan kami sa kabilang pinto ng banyo. Lalabas ito sa kabilang side ng park. Dito malayo sa mata ng mga tao ni Kurt. Nang makalabas na kami ay lumingon ako sa pwesto nila Edmund.

Nandun pa din sila at walang malay sa nangyayari. Wala na din yung kotseng itim kanina. Nasan na yun?

Halos mapatili ako nang makita ko yung kotseng itim malapit samin. Napatingin ako sa driver. Hawak niya pa rin yung baril niya. Tumango lang siya sakin at nagkaintindihan na kami.

Pumara ako ng taxi at pumunta na kung nasan si Cedric. Paulit-ulit akong humihingi ng pasensya kay Kurt sa isip ko. Sa lahat ng tulong na nagawa niya ito ang ginanti ko.

Saka ko nalang siya kakausapin at personal na hihingi ng tawad. Sana hindi ako mapaalis sa trabaho nang dahil sa ginawa ko.

Kurt Nottinghamshire

"Sir, nawawala po sila Miss Yuri at Third" napatayo ako bigla nang buksan ni Gabriel yung pinto at sabihin yung balita na parang bombang bigla nalang sumabog.

"What? What happened?" napatayo ako.

"Nasa park sila nang mangyari yun. Yuri excused herself to the toilet along with Third. Hindi na sila nakabalik pa. Almost 15 minutes naghintay sila Edmund before sila kumilos. Wala sila sa toilet at wala ring nakapansin sa kanila" Gabriel explains habang nilalakad namin ang hallway papunta sa Security room.

"Trace Yuri" utos ko kay Rix.

I ran my hands through my hair. I can't believe the're missing. Tinaasan ko na yung security pero na-kidnap pa din sila. Whoever did this, I'm going to slit their throat.

"Sir, nakita na namin" nilapitan ko si Rix and there nakita ko sila Yuri.

They are walking towards an apartment building. I furrowed my eyebrows. Anong ginagawa nila diyan? Nasa tapat din ng building si Cedric na may dalang mga bag. What's happening?

"Sir, magpapadala na ba ako ng tao?" Gabriel asks me.

"No. We need to investigate first. Yuri seems off since after Third's abduction. Something's... wrong" bumalik sa isip ko yung pagso-zone out ni Yuri.

I remember startling her by simply saying hi or asking questions when we go to sleep. Hindi rin nakalagpas sakin na halos mag-stay si Yuri sa kwarto ni Third.

...

"Sir, nadala po ni Miss yung kalahati ng mga damit niya pero naiwan po yung mahahalagang documents nila" Nelly reported as soon as I reached the house.

I calm my nerves. As much as I want to run and get Yuri and Third, I can't. I need to be rational and think through things. She can't just walk away without some reason.

I know Yuri, she tends to overthink things and make some stupid and rough decisions. Lalo na kung naiipit siya or may kinalaman kay Third.

"Thank you, Nelly. Rieve, call Alex and tell them to keep an eye on Yuri" I took two steps at a time in the stairs.

I can't wait to know what's happening. Baka may naiwang clue si Yuri. Maybe there is something that can help us.

Una kong pinasok yung room namin. Realizing that I won't see anything wrong in there, I decides to check Third's bedroom.

The room looks normal but without Third's presence the place feel strange.

Anonymous

"Are you sure about this?" I looked at my brother.

"Yeah" yun lang yung sagot niya.

Janella rolls her eyes. Kung makaasta itong babaeng to akala mo hindi siya katulad nitong kapatid ko.

"Make sure that this girl doesn't get in my way. Hindi ako magdadalawang isip na patayin siya" I turned to the screen.

Matagal nang under surveillance ang babae ni Kurt. With the help of Janella and my brother I can smell my victory. Konti na lang. Kunting-konti nalang.

************************************

Say You Love Me (A Leo Mafia Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon