Chapter 22

368 3 0
                                    


Kurt Nottinghamshire

I was cut short reading a contract when my phone rings. I checked the caller ID. It's Yuri. Walang dalawang isip kong sinagot agad yung tawag.

"Yung anak ko. Nasan si Third? Baby boy ko" narinig ko si Yuri sa background.

"Hello Kuya? Kuya umuwi ka muna. Nagwawala si Ate. Hindi namin makita si Third" I stood bago patayin yung tawag.

I ran towards the elevator. Hindi ko na pinansin yung mga empleyado kong nagtatakang tumingin sakin. Dali-dali kong tinakbo yung parking lot. Hinayaan ko ding sumunod sakin yung ilang tauhang nakabantay sa labas.

My heart was beating fast as I turn my wheel to my destination. Hindi maalis sa utak ko yung iyak ni Yuri. I can't believe Third went missing. I assigned Gabriel at my house kapag nasa trabaho ako.

Nakarating din ako sa village ng wala sa oras. My house was full of people even police. Bumaba ako ng sasakyan at tinakbo din yung loob.

Yuri was sulking in the couch while leaning into Cedric's arm. Some police officer was talking to them.

"What happened?" I approach Yuri.

Tumayo si Cedric para bigyan ako ng space. I put my arms around Yuri's waist as she snuggle closer to me. I can hear her faint sobs and the rise and fall of her chest.

"Kanina pag-uwi ko wala na siya. Ang sabi ni Nelly hindi naman daw siya bumaba" kwento niya.

I wipe the tears that escaped her eyes using my thumb. I hate seeing her this fragile and weak. I'm also worried of where could Third be. Baka kung napaano na siya.

"Wala ring Third ang lumabas ng village, Sir. Hinalughog na namin ang lugar pero wala pa rin. Even the police searched the whole place" Gabriel gave me a knowing look.

I nod my head. No need to worry na may makikitang iba ang mga pulis. Every house in this village was connected to a underground basement. Kung nasan din naka-connect ang Panorama 360.

"Babalitaan nalang po namin kayo kapag may natanggap kaming lead" tumayo na yung kaharap naming police at umalis.

"Kurt, yung anak ko. Nasan ang anak ko?" I hugged Yuri and pat her back.

"Sshh... mahahanap din natin siya, okay? Kumikilos na yung mga tao ko" I whisper as soft as possible.

I hold her tight afraid that she might break. She's been through a lot. From Tita Adeline's death and now Third's missing. I hate the fact that I can't do anything para mawala yung sakit.

"Ate uminom ka muna" inabutan siya ng baso ng tubig ni Cedric which she gladly take.

Yuri Cabresa

Yakap-yakap ko yung pantulog ni Third dito sa kwarto niya. Nag-decide akong dito muna habang naghihintay ng progress sa paghahanap nila sa anak ko.

"Ate?" nilingon ko si Cedric sa pintuan.

"Ced. Si Third. Si baby boy ko" lumapit siya sakin.

"Alam ko, Ate. Mahahanap din natin siya" ginantihan niya ako ng yakap.

Nanatili lang kaming magkayap doon. Hawak-hawak ko lang si Cedric na parang siya nalang ang pinagkukuhanan ko ng lakas. Kahit anong gawin ko hindi ko matigil yung mga luha ko.

Hindi ko matanggap na yung baby kong dinala ko sa sinapupunan ko ng nine months. Yung anak kong pinalaki ko ng 3 years bigla na lang mawawala. Hindi ko kaya.

Nalagpasan nga niya yung sakit niya ngayon naman ito? Maki-kidnap siya? Isang saglit lang mawawala na siya?

"Paano kapag napahamak siya? Ced, paano kapag may nangyari sa kanyang masama? Paano kapag nahuli tayo?" sunod-sunod kong sabi kay Cedric.

"Ate, kumalma ka lang" mahina niyang inalog yung braso ko pero hindi pa din ako tumigil.

"Paano kapag sinaktan nila ang baby boy ko? Cedric hindi ko kaya. Wala naman tayong pera. Bakit nila kukunin sakin yung baby boy ko?" sunod-sunod na namang tumulo yung luha ko.

"Miss, nakita na si Third" biglang bumukas yung pinto at bumungad si Shaun.

Napatayo kaming dalawa ni Cedric at tumakbo sa baba. Nakita naming naghahanda sila Kurt at Edmund. Nilingon ako ni Kurt nang marinig niya yung yapak ng paa namin.

"Nasan na?" hinawakan ako ni Kurt sa balikat bago ako sagutin.

"Nakita na namin kung nasan siya. We're going there but we are taking precautions. Hindi alam ng mga pulis to. Now, I'll ask you, are you coming?" tumitig siya sa mata ko.

Hindi ako makasagot maliban sa isang tango. Nawala na yung kaba at takot ko kanina nang dahil sa mata niya. Isang titig lang niya at napapakalma na niya ako.

...

Nakarating kami sa isang abandunadong building sa may Tagaytay. Malayo siya sa highway at mukhang galing pa sa sunog ang lumang building na to.

"Secure the perimeter" utos ni Kurt sa mga kasama naming tauhan niya.

Nagsimula na silang kumilos. Ilang mga riffles at baril ang hawak nila. Ang sabi ni Kurt sakin ay aantayin muna namin ang signal nila bago kami pumasok.

"Sir, clear" narinig kong sabi ni Alex sa gilid.

Tumango si Kurt bago hawakan yung kamay ko. May bullet proof vest silang pinasuot kanina bago kami umalis.

Pinasok namin yung loob ng building. Unang pumasok yung mga tauhan niya sunod kami at sa likod namin ay ilan pang tauhan niya. Dahil nga sa luma at sunog-sunog na yung ibang parte ng building medyo nahirapan kaming makapasok.

Sa loob nakita namin yung anak kong nakagapos sa upuan, may busal ang bibig at walang malay. Dali-dali akong tumakbo kung nasan siya.

"Anak. Baby boy? Gising anak. Nandito na si Mommy" sinusubukan ko siyang gisingin pero wala siyang reaponse.

"Third" mahina ring tinapik ni Kurt yung pisnge niya bago hawakan sa pulsuhan.

"He's still breathing" may kinuha si Kurt sa tagiliran niyang pocket knife at saka kinagalan si Third.

...

"Baby boy, gising ka na. Nag-aalala na si Mommy sayo" nandito na kami sa kwarto ni Third.

Yakap-yakap ko siya habang wala pa rin siyang malay. Nagulat ako kanina nang biglang tawagan ni Kurt si Rix. Ang sabi nilang dalawa ni Alex ay may ininjection daw na sedative kay Third kaya wala siyang malay.

Ang sabi pa nila na magigising din ang anak ko maya-maya lang din. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang may mga doctoral degree pala silang dalawa sa medicine. Akala ko computers lang ang alam nilang kalikutin.

Tinignan ko si Third. Hindi ko pa pala siya napapalitan ng damit. Ngayong nandito na siya ay nawala na yung takot at kabang nararamdaman ko kanina. Nung nakita ko siyang nakaupo at walang malay doon akala ko wala na siya.

Tumayo ako para kuhaan siya ng panibagong damit. Nang makakuha ako ng sando at boxers niya ay binalikan ko siya. Sinimulan kong tanggalin yung polo shirt niya bago ko tanggalin yung pants niya.

Nakabihis na at maayos na si Third nang iwan ko siya. Pumunta ako sa gilid kung nasan yung bin ng labahan. Katulad ng dati kong ginagawa, kinapa ko yung sulok sulok ng damit at pants niya.

Napakunot ako ng noo nang may makapa ako sa bulsa niya. Isang papel na nakatupi.

"Ano to?" binuksan ko yung papel at nagulat ako sa nakita ko.

"First warning. Hindi lang yan ang pwedeng mangyari sa anak mo kapag hindi ka umalis sa lugar na kinalalagyan mo ngayon. Siguro naman sapat na ang isang araw para mag-isip."

Nabitawan ko yung mga damit na hawak ko. Nanginginig kamay na binasa ko ulit yung sulat. Hindi. Hindi ako makapaniwala.

Tinignan ko si Third. Bumalik sa isip ko yung mga senaryong naiisip ko kanina. Hindi ko kaya yun. Natatakot ako. Sasabihin ko ba kay Kurt?

Alam ko. Alam kong sila rin yung mga taong pumatay kay Mama. Ngayon kinidnap nila yung anak ko alam kong kaya nilang gawin yung mga banta nila.

Naguunahan na naman sa pagpatak yung mga luha ko ng yakapin ko ulit si Third. Anong gagawin ko?

************************************ 

Say You Love Me (A Leo Mafia Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon