Chapter 30

381 7 0
                                    


Cedric Cabresa

"Tol, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Lance.

"Wala. Si Ate kasi, hindi pa nahahanap" pabagsak akong umob-ob sa lamesa ko.

Tapos na yung klase namin ngayon at yung diwa ko, nandun sa bahay. Iniisip ko si Ate kung nasan na siya? Nag-aalala na ako sa kanya. Si Kuya naman, hindi pa din nakakauwi galing ng opisina nang umalis ako.

Kay Third ako mas naaawa. Hindi pa kasi siya lumalabas ng kwarto niya simula nang malaman niyang nawawala ang Mommy niya.

"Ced, sasama kami sayo mamaya ag-uwi. Bibisitahin namin si Third" sabi ni Kristen.

Napaisip ako. Pwede kaya silang sumama sa bahay? Alam ko namang mahigpit ngayon doon. Kung dati doble lang yung security, ngayon triniple na ni Kuya.

"Tatawag muna ako" sabi ko. Alam kasi nilang hindi samin yung bahay.

"Cedric" napalingon ako kay Shaun. Siya kasi yung inutusan ni Kuya na magbantay sakin.

"Pwede ko ba silang isama? Wala akong number ni Kuya" tumango lang siya bago mag-dial.

"Ang yaman niyo naman, tol! Kaingit ka! Biruin mo may driver ka na ngayon. Sabihin mo kay Ate Yuri pakasalan na niya" biro nitong si Ryan.

"Tumigil ka nga, Ryan!" hinampas siya ni Kristen sa braso ng pagkalakas-lakas.

Natawa kami sa reaksyon ni Ryan. Nasira din kasi yung mukha niya. Knowing Kristen, siguradong masakit talaga yun.

"Aalis na ba tayo?" tanong ni Shaun nang makabalik na siya.

"Tara na!" sigaw ni Ryan.

Buti nalang at malaki-laking sasakyan ang dala ni Shaun ngayon at nagkasya kami. May kasama pa kasi kaming isa pang tauhan ni Kuya.

...

"Ang yayaman siguro ng mga tao dito" manghang sabi ni Kristen.

Nakatingin silang tatlo sa labas at punagmamasdan lahat ng bahay na madadaanan namin. Kung alam lang nila. Ang village nato ay exclusive lang sa myembro ng mafia na pinamumunuan ni Kuya.

"Lance, bakit hindi ganto sa inyo?" umiling si Lance sa tanong ni Ryan.

Napa-iling nalang ako sa mga kaibigan ko. Wala na silang pag-asa. Ngayon lang ba sila nakakita ng village? Napansin kong sumilip sa rearview mirror si Shaun na may mapaglarong ngiti. Umiling lang din ako sa kanya.

Nakarating na kami sa bahay at mas lalong nalaglag yung panga nina Kristen at Ryan, habang natulala naman si Lance. Gusto ko sanang matawa kung hindi lang dahil sa pink na kotseng nakaparada sa harap ng bahay. Kanino to?

"Nandito si Miss Irish. Pinsan ni Sir" napansin ata ako ni Shaun kaya nagsalita siya. Tumango nalang ako at sabay-sabay kaming pumasok sa loob.

"God! Thank goodness you're here! Wait- who are you?" isang babae ang bumungad samin sa loob.

Kagaya ni Kuya Kurt ay iba din ang kulay ng mata niya, pero may nangibabaw ang kulay gray. Mahaba ang burgundry niyang buhok at kayumangi ang kulay. Mukha nga siyang pinsan ni Kuya Kurt.

"Sir Cedric, tumawag po yung school na pinag-enrollan ni Miss kay Young Sir" lumapit si Nelly at nang makita niya si Irish ay bigla siyang napahinto.

"Miss Irish" magalang niyang turan.


Kurt Nottinghamshire

"Still nothing, Sir" sabi sakin ni Rix.

Say You Love Me (A Leo Mafia Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon