"Kailus?" I knocked on my boyfriend's unit. Unexpectedly, umawang ang pinto matapos kong kumatok ng dalawang beses.
Hmm, strange. Hindi gawain ni Kailus ang magiwan ng bukas na pinto.
When I didn't get a response, pumasok na 'ko sa loob. "Kailus, are you here?" I immediately shut the door and went inside. Walang tao.
Pumunta 'ko sa harap ng k'warto nito bago kumatok. Pinihit ko ang seradora nang walang tumugon ngunit hindi ito mabuksan. Mukhang nakalock. Luckily, may spare key ako.
Sa oras na mabuksan ko ang pinto ay napasimangot ako sa sobrang kalat.
I sighed. inumpisahan kong ligpitin ang mga gamit nitong nakahambalang sa sahig. I was busy sweeping the floor nang mahagip ko ang maliit na kahon sa side table ng kama niya. Out of curiosity, kinuha ko ito at pinagmasdan ng mabuti.
Wait. . . Is this what I am thinking?
Lumipad ang palad ko sa'king bibig nang mabuksan ko ito.
Oh, God. It is.
A ring!
"Jhillian?" Lumuwa ang mata ko nang madinig ang boses ni Kailus. Agaran kong ibinalik ang box at nagpanggap na nagwawalis. "Ikaw ba 'yan?"
"Yes, babe," tugon ko.
Pumasok naman ito sa kwarto habang hawak ang sintido. "Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit hindi mo muna 'ko tinext na pupunta ka?"
I gulped. "K-Kailangan pa ba 'yon-"
He cut me off. "Malamang, kailangan. Hindi por que girlfriend kita ay basta-basta kana lang pupunta rito."
Nilagpasan niya 'ko at may kinuha. Hindi ko man ito lingonin ay alam kong 'yung singsing 'yon.
"May nakita ka ba?" Napaigda ako sa tanong niya.
"W-Wala."
I was dumbfounded. Parang dati lang, hinahayaan niya pa 'kong pumunta rito sa condo niya kahit hindi ako magpaalam. Ano'ng nangyari ngayon?
"Kailus! Babe!" Kumaway ako sa labas ng classroom niya.
"Wooh! Ang sweet naman ng girlfriend mo, p're!" Kantyaw ng mga katropa nito.
My smile quickly fades nang makita ang pagkunot ng noo niya. Lumapit siya sa direksyon ko at lumabas ng pinto.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" pabulong na sigaw niya.
Inangat ko 'yung dala kong pack lunch. "Para rito. Dinalhan kita ng pagkain in case na magutom ka. Alam mo naman na ayaw kitang nalilipasan ng gutom-"
"Sa'yo na 'yan," matigas niyang saad.
"H-Ha?"
"Ang sabi ko, sa'yo na 'yan. P'wede naman akong bumili sa canteen. Kahit ano, basta sa 'yo na 'yan at umuwi kana." Naiwan akong nanlulumo matapos niya 'kong talikuran.
Imbes na sumunod ay nagmatigas ako. Matagal akong naghintay sa waiting shed ng paaralan para lang sabay kaming umuwi. Inabot na 'ko ng gabi ngunit wala pa rin siya.
Mula sa 'di kalayuan ay nakita ko ang pigyura niyang palapit. Lumawak ang ngiti sa'king labi at tumayo. "Babe-"
Napatigil ako nang makitang may babaeng tumakbo palapit sa kanya. Niyakap siya nito at dinampian ng halik ang labi. Parang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko sa'king nakita. Ni-hindi man lang lumayo si Kailus. Instead, he even wrapped his arms around her waist at sabay na umalis.
-
"Babe, wake uuup!" I bop his nose before shaking him. Nako, may research defense pa siya ngayon at hindi dapat siya malate. "Babe!"
BINABASA MO ANG
Knock, knock! Get the door, it's trauma!
Short StoryA compilation of one shot tragic stories.