I saw my man crying and it's the most painful state of him that I've ever seen. Ngunit wala na 'atang mas sasakit pa nang banggitin niya ang mga katagang tuluyang nagpadurog sa puso ko.
"I'm breaking up with you."
Kumawala ako ng isang ngiti dahilan para mas lalo itong lumuha. Pareho kaming nasasaktan, ang pinagkaiba nga lang, sa akin ay tinitiis ko.
"A-Ano bang drama 'yan? Halika na, kumain na tayo." I approached him holding the cake I bought. "Happy 5th Anniversary, baby."
"Xylee, l-listen to me." I shook my head, no.
I signalled the whole place. Talagang pinaghandaan ko ang araw na 'to para sa kanya. I decorated the whole place with balloons and rose petals. "Alvin, don't you like my surprise—"
"Let's end this."
"Why?" My voice turns out to be a whisper. Tila hindi matatapos ang usapang 'to ng hindi ako umiiyak.
He choke a faint sob. "I c-cheated."
My heart sank at hindi ko na mapigilan pa ang umiyak. Bakit ngayon pa?
Kasabay nang paglipad ng palad ko sa'king bibig ay ang pangangatog ng tuhod ko. Kinuha niya ang kamay ko at parang bata r'on na umiyak. 'Yung sakit na nararamdaman niya ay wala pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
My man f*ck*ng cheated on me, sino'ng 'di masasaktan d'on?
"Xylee, I'm s-sorry.. I'm s-so sorry, baby." Alvin's a crying mess. Napahikbi lang ako habang nakatitig sa kanya.
Hindi ko alam kung g'ano kami katagal sa gan'ong estado, I just found myself in between his arms at tahimik na lumuluha. I even asked for him to stay a little longer before he completely leave my life.
"K-Kuwentuhan mo naman ako, oh." Hindi ko alam kung ano'ng sumagi sa isipan ko nang sabihin ko 'yon. Siguro para saktan 'yung sarili ko sa maaari kong malaman. "Gusto kong m-malaman 'yung tungkol sa inyo—"
He cut me off while another set of tears started to form in his eyes. "B-Baby, no." Alvin stared at me, pleading.
Natatakot siguro na mas masaktan ako lalo, pero buo na ang desisyon ko. I want to know why Alvin cheated for another woman.
I bit my lip in order to suppress my tears. I played with his fingers to assure him that it's okay. "Please?"
Alvin sighed. Alam kong hindi niya 'ko magagawang tanggihan. "E-Ellas's my classmate. We're not close, but the first time we talk to each other, d'on na nagsimula ang lahat. Araw-araw, hatid sundo ko siya. I never miss a day accompanying her all the way home."
Hindi mawala-wala ang paningin ko sa kanya. Despite of his swollen eyes, I can still see the love in it. Siguro sobrang mahal niya 'yon na tipong nakalimutan niya 'ko.
Ni-hindi man lang niya sinabi na may girlfriend na siya.
"Ella was there for me." He paused. "S-Siya 'yung nand'yan n'ong mga panahong hindi ko maintindihan 'yung sarili ko. Siya 'yung pumili sa'kin t'wing inaayawan na 'ko ng mundo. 'Yung nanatili n-n'ong iwan na 'ko ng lahat."
Isiniksik niya ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg at balikat ko. Later on, naramdaman kong unti-unti itong nababasa. Umiiyak na naman siya. Hindi ko rin mapigilan at naiyak na rin ako.
Nas'an ako n'ong mga panahong 'yon?
Kaya pala nagloko, eh. Kasi nakahanap siya ng ibang babaeng pumuna sa pagkukulang ko, umako sa obligasyon na dapat ako ang gumagawa. He was investing everything to me and it's my fault I didn't give the same amount in return.
"T-Then, I courted her the way she wished to be courted. Just like—" pinutol ko ito.
"Just like how you got m-me." Pumiyok ako. "H-Harana, poems and even handwritten letters, r-right?"
"R-Right." Naramdaman ko ang pagtango nito. "3 months later, I r-received her sweetest yes."
Tama nga sila. A cheater can hide even the slightest bit of evidence and still make you believe they love you. And I guess, that's what Alvin did.
"W-When was that?" I asked.
It took time before he replied, "T-Today."
Wow, what a surprise. F*ck.. Nagawa niyang ipagpalit ang ilang taon naming pagsasama over a girl na kakikilala niya lang.
"Kung p'ano ko siya p-pinahalagahan noon, gan'on pa rin hanggang ngayon na sinagot na niya 'ko. Ayaw ko siyang mawala sa'kin, eh. Gusto kong iparamdam sa kanya n-na kahit akin na siya, walang mababago sa pakitutungo ko."
I sob.
'Bakit hindi ka naging gan'yan sa'kin? Hindi ba 'ko naging mahalaga sa'yo? O hindi mo talaga 'ko minahal?'
"Kahit sinagot na niya 'ko, nililigawan ko pa rin siya. I still show how much I love her even after I had her." I shut my eyes para pigilan ang hikbi ko. Hinimas niya ang buhok ko na mas lalong dumagdag sa sakit na nararamdaman ko. "S-She never demand anything from me to more than I can give dahil ayaw niya 'kong mawala. K-Kaya mahal na mahal ko 'yun. Kasi k-kung ano lang 'yung kaya kong ibigay, sapat na para sa kanya."
He cheated not to hurt me, but to be loved the way he also deserve without demand.
I smiled bitterly bago humiwalay sa yakap niya. Hindi ko na kayang makinig at baka tuluyan na 'kong mawala sa sarili. "Wow, h-haha. Ang cute naman ng love story niyo."
"X-Xylee, baby." Hindi ko magawang tingnan ang mugto niyang mga mata. Baka mas lalo lang ako na magbreak down.
"M-Mahal mo siguro 'yun, 'no?" His silence was enough to answer my question. Napahilamos ako ng mukha at pinunasan ang luhang kumawala. "Alvin, sa lahat ng minahal ko ikaw 'yung sumobra, pero para sa kanya, sobra ka pa sa sapat. At 'yun siguro ang bagay na h-hindi ko nakita na nakita niya. A-And maybe that's the reason why you cheated, haha."
Alvin shook his head and cried even harder. Oh, my man. I still love you after what you've done.
Hinawakan niya ang parehong kamao ko at inihampas sa dibdib niya. "Saktan mo 'ko, Xylee. Saktan mo 'ko 'gaya nang pananakit ko sa'yo. Magalit ka sa'kin.. m-magalit ka."
Mas lalo akong napaiyak sa inaakto niya at napailing. "No, A-Alvin. Ayoko kasi masaya ako para s-sa'yo, para sa i-inyo." Hinawakan ko ang kamay niya. "P-P'wede akong magalit, p-pero mas pinili kong intindihin ka. Kasi, Alvin, s-sobrang mahal kita e'."
He cupped my face and made me rest my forehead on his. "I'm s-so sorry."
"Sa sobrang mahal, pinapalaya na kita." Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Xylee.." He cried.
I held his face between my hands. "Mahal mo siya, 'di ba?"
"O-Oo, mahal na mahal." There, I completely lost myself.
I laughed, a pained one. "A-Alvin, the girl out there was meant to be the love of your life, your best friend, your soulmate, the one you can tell your dreams to." I wiped his tears. "'Wag mong gagawin sa kanya ang ginawa mo sa'kin, h-ha? Kasi, Alvin, n-nakalimutan mong mahal mo 'ko."
Muling dumaloy ang mga luha ko nang magring ang phone niya. Napatingin siya rito bago pinatay.
"It's her, isn't it?" Tumango ito. "Go, be with her. Tuparin mo sa kanya 'yung pangako mo sa'kin na habang-buhay."
Nangako ka kasi kaya umasa 'ko.
"I guess, this is g-goodbye." I squeezed his hand. Sh*t, I expect that he'll stay with me. But, no. Hindi na pala ako ang gusto niyang makasama.
"B-Bye." Napapikit ako nang bumitaw na siya sa pagkakahawak. Hindi pa man siya nakalalayo nang tawagin ko ito. "Alvin."
He looked back. "Y-Yeah?"
"I love you," I sincerely said. "Hindi na 'ko susugal sa iba, kasi hihintayin kita 'pag sinaktan ka niya."
And with that, I left with a heavy heart.
Reality slapped me with the truth that I am not living in a fiction story where a cheater changes for his lover.
But I am living in a world where a cheater's lover is tend to be broken.
![](https://img.wattpad.com/cover/233903273-288-k592381.jpg)
BINABASA MO ANG
Knock, knock! Get the door, it's trauma!
Short StoryA compilation of one shot tragic stories.