Again, refrain yourself po from mentioning other stories dito o names na galing sa ibang story. I would appreciate it so much if you do so.
| Tragedy |
LUNA'S P. O. V
Pakiramdam ko naubos na ang lahat sa akin at tanging ang kapatid kong si Ced na lang ang natira sa akin. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy dahil pinanghihinaan na ako ng loob.
Matibay ang katawan ko sa pagtanggap ng palo ng tubo, kutsilyo, gunting, suntok, sipa, tadyak, at kung ano ano pa.
Pero ang maubos ang mga tao sa paligid ko? Duda na ako kung kakayanin ko pa.
Dalawang linggo na ang nakakalipas bago mabaril sina Mommy, Daddy, Kuya Jasper, Ced, at Ate Rhaine dahil sa mga lalaking nakamaskara na sakay ng dalawang motor. Lahat sila namatay at ang nakakaloko, ako lang ang natira at si Baby Ced! Hawak ko kasi si Ced noon at nang matapatan ng mga lalaki ang bintana namin, niyakap kaming dalawa ni Baby Cedric ni Ate at Kuya kaya sila ang nabaril. Nailibing na sila nung nakaraang linggo pero ang sakit, parang sariwa pa rin ang lahat.
Flashback...
GUMISING ako mula sa pagkakaratay sa hospital dahil sa pagkakasaksak sa akin ng isa sa mga nakaharap kong killers. Ang balitang nakarating sa akin ay patay na sina Mommy, Daddy, Kuya, at Ate na nakaburol na.
Hindi ko sa kanila sinabing nagawa kong manlaban... na nagawa kong maitumba ang mga lalaking pumatay sa pamilya ko. Dahil alam ko na magdudulot lang ito ng maraming katanungan sa kanila.
Pero ang ipinagtataka ko, hindi nila ako tinanong kung sinong nagpatumba sa mga lalaking 'yon. Ito ang ayaw kong maitanong nila sa akin, pero hindi ko inaasahang hindi talaga nila itatanong.
Hanggang sa sabihin nila sa akin na gagawin nila ang lahat para mahanap ang dalawang rider at mga angkas nito... na itinumba ko.
Kitang-kita ko pa nga ang dugong umaagos sa mga katawan nila. Kaya paanong naging malinis ang pinangyarihan ng laban namin?
Ang sagot? Hindi ko alam.
Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit pa ako binuhay gayong naubos ang pamilya ko. Ano pang silbi ko kung parang patay na ang puso ko?!
Si Lola naman ay inatake sa puso nang mabalitaan niya ang nangyari sa amin. Bunsong anak ni Lola si Mama kaya gumuho rin ang mundo niya nang malaman na namatay si Mama kasama na si Papa at ang mga kapatid ko.
End of the flashback...
"Ms. Luna Amora Velasquez."
Ang ganda ng pangalan ko. Kamusta na kaya ang mga taong nagpangalan sa akin nito?
Flashback....
"Matino ako, Dad," walang emosyong sabi ko saka pabagsak na naupo at ipinatong ang mga paa ko sa mesa. Panay kasi ang pilit nito sa akin na magulo, sakit sa ulo, basugulera at tambay ako sa kanto.
'Di naman kanto 'yon, playground kaya 'yon. Imbento talaga 'tong Daddy ko minsan kaya napapatulog sa sala palagi ni Mommy, eh.
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Teen FictionBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...