| ANG ALAMAT NG HALAMANG TANGA |
LUNA'S P. O. V
Ang bumungad sa araw ko ay ang himalang nangyayari dahil walang mga gunggong na maingay at nagtatalo sa GC.
SEKSYONG MADILIM
Ako: Himala at walang maingay, ha. 🤔
Harley Eunice Valdez: I think they're all asleep.
Adelaide Stella Dizon: No, they're all together at school.
Ako: Huh? Ano'ng ginagawa nila roon?
Adelaide Stella Dizon: Nagtext si Mr. Sarmiento kay Deth na pinapupunta siya roon at magsama ng kahit ilan sa mga gunggong para maglinis. May event kasi ngayon at bukas sa school.
Harley Eunice Valdez: That almost bald guy. 😐
Ako: Sumama ba ang lahat ng mga gunggong?
Adelaide Stella Dizon: Sabi sa akin ni Zai pumili lang si Deth pero nainggit ang iba at ang iba naman ay nahila lang.
Harley Eunice Valdez: They're out of their mind. Deth let them?
Adelaide Stella Dizon: Yes, wala na siyang nagawa kasi nando'n na ang lahat. Actually, papunta na ako roon dahil gusto kong makita kung linis ba ang ginagawa nila or World War III. Paano ba naman kasi mga walang paramdam pati na rin si Zairus.Harley Eunice Valdez: Sama!
Ako: Ako rin.
Adelaide Stella Dizon: Sige kita tayo sa gate. 12 pm sharp.
Ako: Nga pala 'yung mga nasa probinsya, nahila rin?
Adelaide Stella Dizon: Oo, bumyahe sila. Akala kasi nila utos ng Panot dahil mali ang nasagap nilang balita kay Zai.
Napailing-iling na lang ako. Mga siraulo talaga.Agad akong naligo saka nagbihis. Nang matapos ako mag-asikaso, pinuntahan ko na sina Kuya Kaiser at Ced na naglalaro ng snake and ladder sa sala.
"Kuya, pupunta lang ako sa school." Paalam ko.
Inilapag niya ang dice saka nginitian si Ced. "Mag-uusap lang kami saglit ni Ate Luna mo, ha? Balik ako kaagad."
Tumango naman si Ced. Tiningnan ako ni Kuya saka siya naglakad papunta sa kusina. Sinundan ko naman siya at nadatnang nagsasalin na ng tubig sa baso.
"Papayagan kita pero ihahatid kita. Hindi sana kita papayagan pero naalala ko ang sinabi mong three days kaya pagbibigyan kita. Be happy and enjoy being with them, Luna. Sorry for dragging you in this mess."
Tipid akong ngumiti saka hinawakan ang kamay niya. "Kuya don't be sorry. It's a family's mess and that includes me."
I don't want to make things more difficult for him. God let us be with him, hindi ko sasayangin ang pagkakataong 'to. Lahat ng sa tingin niyang makakabuti para sa amin, susundin ko.
Tumango siya saka marahas na bumuntong-hininga. "Pagising na lang natin si Lucas kay Ced. Hindi pumasok ang gago dahil may sakit siya."
Kumunot ang noo ko. "Eh bakit siya ang pag-iiwanan natin kay Ced, kuya?"
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Teen FictionBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...