|SCHOOL EVENT PART 2|
LUNA'S P. O. V
Napaatras ako kasabay ng pagturo ko sa sarili ko. "Wow ha! Paano namang naging ako e, ikaw nga 'tong pumigil para kunin ko 'yung hiniram na pan-"
Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit mo kukunin 'yun e, pinunasan niya na 'yun ng pawis niya."
Oo nga 'no? Pero teka naman! P'wede namang labhan 'yun, ah? I can do laundry na!
"P'wede ko namang labhan 'yun, ah!" Depensa ko.
"May sira talaga."
Nagsalubong ang kilay ko. "Sino'ng may sira?"
"Tara na nga." Walang ano't ano at hinila niya na naman ako.
"Saan tayo pupunta? Kakanta pa sina Zai!" Pagpapaalala ko sa kaniya habang patuloy siya sa paghila sa akin. Pinagtitinginan na tuloy kami. Tapos ito namang mga babae kung makairap, sarap pagdudukutin 'yung mga mata, e.
"Hayaan mo na sila. Maipapanalo nila 'yun."
"May laro pa kayo." Dahilan ko pa. Gusto ko ng bitawan niya ako! Pucha! May nararamdaman akong kung ano sa tiyan ko! Baka natatae na ako!
"Tayo. Kasama ka dahil wala ka pang ginagawa."
"Tumulong kaya ako sa pag-aayos ng booth kanina!" Depensa ko. Bakit? Totoo naman, ah! Bago kami magpunta ng gymnasium, ako ang nagfinalize nung itsura ng booth namin. Ayoko na kasing sumali sa palaro.
"Basta sasali ka sa laro mamaya," may diin niyang sabi. Hindi na lang ako umimik pa hanggang makarating kami sa linya ng mga booths.
Lumapit kami sa isang booth. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tinatanggal niya ang headband sa nakadisplay na head mannequin. Bago pa man din ako makapagtanong kung anong ginagawa niya, nilapitan na kami ng babaeng nasa loob ng booth.
"Deth?" Tawag nito. Nakuha niya naman ang atensyon ni Deth pero huli na ang lahat para maawat niya ito dahil tuluyan na nitong nakuha ang headband.
Ang headband ay plastic lang naman tapos sa magkabilaang gilid nito may dalawang sunflower na may LED light na nakapalibot dito. Unique ang design ito kumpara sa iba. Medyo mataas ang mga ito at naaalog dahil sa spring. Dito pala nabili nung mga estudyanteng nadadaanan namin kanina na nakasuot din ng ganitong klaseng headband pero nakapagtatakang nag-iisa lang itong sunflower. Puro kasi hearts tapos may mga kamay pa na kapag ginalaw-galaw ito ng nakasuot, magka-clap ito. Aliw talaga.
Bahagyang itinaas ni Deth ang hawak niyang headband. "Can I have this?"
"Y-yeah, sure," sagot ng babae. Wala naman siyang magagawa kung hindi pumayag na lang. Ito namang gago, nagtanong kung kailan nakuha niya na!
"Thanks. I'll give you the payment later 'pag nag-ikot kami ng mga officers," sabi nito sa babae saka humarap sa akin. Kumunot ang noo ko nang isuot niya ito sa ulo ko. "There."
"What is this for?"
"Don't remove that and that's an order. That's for you dahil makulit ka masyado tsaka baka mahirapan akong hanapin ka dahil madali lang matabunan." Napalingon siya sa paligid. "Mamaya crowded na rito."
"Deth!" Sigaw ko. Hindi naman ako sobrang liit! Napatingin naman siya sa akin. "At maingay."
Ikinuyom ko ang mga kamay ko bilang pagpipigil ng galit ko pero naglaho ito nang may makita ako.
"Hoy! Pagkain!" Sigaw ko saka ko siya hinila.
Ang unique ng booth dahil may ihawan ito! Nakakatuwa lang na first time ko lang makakita ng booth na nag-iihaw! Akala ko maarte lahat ng mga estudyante rito, hindi naman pala.
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Teen FictionBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...