| OPERATION |
LUNA'S P. O. V
Habang nagtagal ako sa garahe, na parang kwarto na rin dahil sa mga gamit na hindi naman dapat sa garahe, bumibigat ang pakiramdam ko. May mga nakikita akong gamit na palagay ko ay mga gamit niya lalo na ang uniform niya na nakasampay. Nakaupo ako sa kahoy na mesa niya habang siya naman ay nakaupo sa kama niya at kanina niya pa ako pinapatay sa mga titig niya. Buti na lang walang kutsilyo rito o ano na p'wedeng ibato niya sa'kin.
"What are you doing here, huh? I told you that I don't need your help." Sa wakas nagsalita na rin. Siya lang naman hinihintay ko para makapagsalita na rin ako. Hindi ko kasi alam kung paano magsisimula.
Siya na nga ang dinadalaw, e.
"Ano'ng nangyari? Bakit ka pinapalayas? Mabuti at pinabalik ka nila? Kaya lang..." Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng garahe.
Tunog tsismosa yata pagkakatanong ko.
"Look at you. Hear yourself, Luna. You are butting in to my life."
Ipinikit ko ang mga mata ko saka marahas na bumuntong-hininga bago muling ibalik ang tingin sa kaniya. "Look, I just want to know your situation dahil hindi ako makakatulog hangga't nanghuhula ako sa kalagayan mo. Nothing more, nothing less. Tutulong lang ako kapag nanghingi ka ng tulong."
Naalala ko ang sinabi ni Deth. May punto naman siya. Nagpunta lang talaga ako rito para i-check ang kalagayan niya.
Pinagkrus niya ang braso niya saka nagpakawala ng mabigat at marahas na buntong-hininga. Nakatingin siya sa akin na parang kinikilatis niya ang mukha ko. "Fine. Since I know you very well na hobby mong makisawsaw sa buhay namin at paniguradong hindi mo ako titigilan, I will tell you but don't let others know about this. Tanging sina Eunice, Zai, and Deth lang ang mga may alam na ng sitwasyon ko rito, the rest is hindi na. Kailan lang naman lumala ang sitwasyon ko rito to the point na sobra akong nasaktan at nagworry na si Zai."
"Nasaktan? Saan?"
Napangiwi siya at umirap saka sakupin niya ang buhok niya at ilagay sa likod niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bahagyang hilain niya ang kwelyo niya at makita ang malaking paso sa balikat niya. "Naano 'yan?"
"Nalaglag ni tita ang kutsara niya tapos inutusan niya akong kunin. Nang kunin ko na ang kutsara, matapunan ako ng mainit na sabaw. Malakas ang pakiramdam kong sinadya," sabi niya saka ibinalik ang buhok sa pagkakatabon sa sugat niya.
"Bakit ganiyan sila sa'yo?" iritadong tanong ko.
"I'm the only grand daughter of Lola. My mom passed away last year due to heart illness." Nagbaba siya ng tingin sa magkasiklop niyang mga kamay at nilalarong daliri. "Pinag-iinitan nila ako dahil sa akin pinamana ni Lola ang kalahati ng ari-arian ng pamilya namin, kasama na ang bahay na 'to. Ang kalahati ay sa tatlong mga anak niya, kina tita. They believe na it's unfair for them na mga anak."
Kumunot ang noo ko. "Kung ganiyan, you have the power over them para palayasin sila rito. Bakit ikaw ang pinalalayas? Ikaw ang may karapatan dito sa bahay—"
"Lola's still alive, Luna. Sabi ni Lola, makukuha lang namin 'yun kapag nawala na siya pero ang desisyon niya ay as is na at wala na siyang planing ipabago ito sa abogado niya. Ang dahilan ni lola kung bakit hindi niya pa ibinibigay ang mga ipinamana niya kina tita dahil ang gusto niyang mangyari ay manatili muna rito sina tita habang buhay pa siya. Kumbaga ginagamit niyang dahilan ang pamana niya para makasama ang mga anak niya. Gusto niya rin kasing makabawi sa mga 'to matapos ng mahaba-habang panahon na hindi sila nagkita at tanging pagtawag lang sa phone o pagtext ang nagiging communication nila tapos saglit lang daw 'yun."
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Teen FictionBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...