| TRESPASSED |
LUNA'S P. O. V
HINDI ko na nahintay makabalik si Deth at nauna na akong umuwi dahil sinundo ako ni Kuya. May pupuntahan din kasi ito. Gusto niya muna akong maihatid papauwi bago siya magpunta dun sa pupuntahan niyang mahalaga raw.
"Saan ka pupunta, kuya?" Usisa ko habang nakatingin sa kaniya na naka-focus lang sa daan. "I will tell you something important tomorrow. I hope that you understand everything."
Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yang sinasabi mo, Kuya? Nung nakaraan pa kita gustong tanungin sa mga tono ng pananalita mo."
"I'll explain to you tomorrow night. I will have to do something important right now pati na rin bukas ng umaga."
"Okay," tamad kong sagot. Inihilig ko ang ulo ko sa bintana saka tumulala lang sa labas.
"Did you notice anything strange around your school."
Nilingon ko siya pero hindi ko inalis ang pagkakadikit ng ulo ko sa bintana. "Wala naman, Kuya."
"Magaling ang RSG sa pagtatago kaya nga may shadow sa pangalan ng gang nila. P'wedeng nasa likod mo lang sila nang hindi mo napapansin."
Napabuntong-hininga na lang ako nang marinig na naman ang RSG na 'yan.
"Tomorrow is the last day, right?"
"Yes," nanghihina kong sagot.
Nilingon niya ako na may pag-aalala sa mga mata. "I know you're not okay. If you can't, talk to me. I'll think another way."
"Kaya ko, Kuya. Alam kong nag-isip ka ng ibang paraan bago ka humantong sa ganitong desisyon. Kakayanin ko." Hindi p'wedeng pati problema ko, problemahin ni Kuya. Masyado na siyang maraming dinadala. Kailangan ko siyang tulungan.
Ibinalik niya na ang tingin niya sa daan. "Sure?"
"Yes."
NASA hapag na kami pero wala pa ring Kuya Jasper na dumarating. Pinauna ko na ngang kumain si Ced at pinatulog dahil sa tagal niya. Ayaw kong magduda si Ced at magtanong-tanong.
"Na-contact mo na si Kuya Jasper, Alexus?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi ko magalaw ang pagkain ko sa sobrang pag-aalala.
"Hindi pa rin..." Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Hindi niya binibitawan ang phone niya mula kanina.
Alas dyis na pero wala pa rin siyang paramdam. Text o tawag, wala. Hindi naman daw ganito si Kuya kay Alexus.
"Kinakabahan ako."
"Kaya niya ang sarili niya, Lu." Pagpapakalma sa akin ni Lucas. "Imposibleng mamatay 'yun. Baliw 'yun pero malakas na leade-"
"Lucas," may diing tawag ni Alexus kaya kunot-nuong napalingon ako sa kaniya. Lalo itong Kumunot nang makita ko ang matalim na tingin nito kay Lucas. "Lead? Leader? Leader ng?"
"We are not in the position para magsabi, Luna. Just wait for him and let him explain himself to you." Paliwanag ni Alexus dahilan para matahimik ako at isa-isa silang pinasadahan ng tingin.
Napatingin naman kaming lahat kay Lucas nang bigla na lang itong pumalakpak. "Leader ng wonderpets! Wonderpets, Luna!"
I sense something wrong in the air. They are not in their usual self.
"Kumain na lang tayo. Baka may tinatapos lang na trabaho si Jasper." Pagbabago ng topic ni Raiven saka nilagyan ng karne ang plato ko.
"Alam mo ba kung saan siya tumutuloy? Minsan ko na siyang natanong pero hindi niya naman ako sinagot." Tanong ko kay Alexus dahil hindi niya pa sa akin nakwe-kwento kung saan siya tumutuloy nung nagtatago siya sa amin ni Ced.
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Teen FictionBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...