| SMILE |
LUNA'S P. O. V
NASA bahay na ako ni Alexus kasama si Ced. Alas tres palang ng madaling araw, umalis na ako sa school. Yes, oo, ganun ako ka-excited. Nabigla pa nga si Alexus sa biglaan kong pagdating. Nagawa pa akong tutukan ng baril kaya eto siya ngayon, dinadaldalan ako na parang tatay sa anak.
Bahagyang yumuko si Alexus saka hinawakan ang ulo ni Ced at ginulo ang buhok nito. "Ced, p'wede bang bumalik ka muna sa kwarto mo?"
Parang gusto kong yakapin nang mahigpit si Ced para hindi lumayo sa tabi ko dahil paniguradong sesermunan lang ako ni Alexus pag-alis nito.
Tumango si Ced saka ako hinalikan sa pisngi. "I'll sleep na ulit, Ate. Tabihan mo na lang po ako after niyong mag-usap ni Kuya Alexus."
Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya saka hinalikan ang noo niya. "Sleep tight, baby."
Ngumiti siya saka tumayo at umakyat sa kwarto niya.
Ewan ko ba kung good thing na napakamasunurin ni Ced o hindi, e.
"P'wede mo naman akong tawagan, hindi ba? Ang dilim pa tapos pupunta ka rito mag-isa? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado?"
See? Nagsisimula na siya magritwal kasi wala na si Ced. Para siyang si Daddy na panay ang ratatatat about my safety, eh buong-buo naman ako palagi 'pag nauwi.
Naiinis na nagkamot ako ng ulo ko. "Hinatid naman ako ni Deth. Eh kasi naman. Ilang araw akong hindi nakatawag sa inyo ni Ced. Nami-miss ko na si Ced tapos pinigilan ko sarili kong tawagan kayo dahil gusto ko kayong sorpresahin at mukhang nangyari nga, kaya nga lang may kasamang baril sa pagsalubong sa akin."
Pabagsak siyang naupo sa sofa saka marahas na bumuntong-hininga. "You know I have gun and how protective I am yet you climbed at the balcony?"
Tanging anino ko lang ang nakita niya sa labas ng balcony ng kwarto ni Ced kaya hindi niya ako nakilala at natutukan ako.
"No'ng mga nakaraang araw, may nasunod sa akin lalo na kapag kasama ko si Ced," seryosong sabi niya kaya napakunot ang noo kong nilingon siya. "Nasunod?"
Isinandal niya ang ulo niya sa sofa saka ako nilingon. "Yes, may kinalaman ito sa mga magulang mo, Luna."
Nanlaki ang mga mata ko at puno ng kuryosidad na naupo sa tabi niya. "May nalalaman ka tungkol sa kanila, Alexus? Ano? Tungkol na ba sa mga pumatay sa kanila? Sino?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Base lang sa mga nakalap kong impormasyon."
Hindi na ako muling kumibo dahil sa biglang pagreplay sa utak ko ng mga sinabi ni Knoxx sa akin. Nahalata niya yata na ang pagiging tahimik ko kaya nilingon niya ako saka marahas na bumuntong-hininga. "Ang mga magulang mo ay ang leader ng Sky Arc Gang noon. Sila ang namumuno sa lahat ng gangs. Sila ang namamahala ng lahat ng transaksyon mapa-legal man o illegal. Hin-"
"Teka! Teka!" Awat ko sa kaniya. "So, tama si Knoxx?"
Umayos siya ng upo saka ako hinarap. "Knoxx?"
"Yung transferee sa section namin. Kinausap niya ako nung unang araw niya pa lang. Kinuwento niya sa akin lahat ng sinasabi mo ngayon. Nung una hindi ako naniniwala pero nasundan pa 'yon, nalaman kong marami siyang alam, hindi lang tungkol sa pamilya ko maging tungkol sa akin at pagiging kabilang ko sa gang kaya... unti-unti niya na akong napapaniwala pero may parte pa rin sa akin na nire-reject ang mga sinabi niya."
"Sinaktan ka ba niya? May napapansin ka bang mali sa kinikilos niya?" Sunod-sunod niyang tanong kaya napaisip din ako. "Nung una, panay dikit niya sa akin. Parang ang landi pa nga pero nung tumagal, lagi siyang nawawala. Minsan lang siyang magpakita o kumibo pero these past few days, medyo nakakasama na namin siya at nakikisaya."
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Novela JuvenilBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...