| CARED FOR LUNA |
LUNA'S P. O. V
NAGISING ako nang may nakakabit na naman sa kamay ko at may kirot sa tagiliran ko. Great!
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Alexus na nakaupo sa sofa. Agad naman siyang tumayo nang magtama ang mga mata namin at lumapit sa akin.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko saka hinawakan ang tagiliran ko. Napakagat ako ng labi ko nang kumirot ito.
"Nawalan ka ng malay matapos bumukas ang sugat mo."
Marahas akong bumuntong-hininga at napahilot sa sintido ko. "Nasaan si Cedric?"
"Nasa kwarto na. Nagpapahinga dahil napagod sa kakaiyak."
Napatigil ako sa sinabi niya saka pumikit. "Umiyak na naman siya?"
"Luna naman. Sa bawat gagawin mo, isipin mo naman ang mararamdaman ni Cedric," sabi niya na parang nanenermon kaya iminulat ko ang mga mata ko at hindi ko na napigilan ang pagtakas ng mga luha ko. "Naging makasarili na naman ba ako, Alexus?"
Bahagya siyang yumuko at niyakap ang ulo ko. "Shhhh.... No, you're not. Hindi ka lang talaga nag-iisip nang tama."
"Sorry, Alexus." bulong ko. Umayos siya ng tayo at hinawakan ang ulo ko. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Ayos lang. Next time, magsabi ka naman para matulungan kita. Bakit ka pa ba kasi bumalik doon?"
"Kasi hindi ako p'wedeng umabsent. 'Yun ang nasa kasunduan na pinirmahan ko para mabawasan ng tatlong oras ang pasok ko at makapagtrabaho ako."
"Lumipat ka nalang kaya ng paaralan, Luna? Ako na ang bahala." Suhestyon niya kaya mabilis akong umiling.
"No. Nakakahiya na sa'yo at saka may form akong pinirmahan nung tinanggap ako ng West Star na hindi ako p'wedeng umalis hanggang hindi ako nakaka-graduate. Itong rule na ito ay para lang sa mga estudyante ng dark section na kinabibilangan ko."
"P'wede ko naman kausa-"
"No, Alexus. Tama na ang mga naitulong mo sa amin. Sobra sobra na." Putol ko sa iba niya pang sasabihin.
Pagkasabi ko no'n, umalis na siya. Ramdam kong hindi niya nagustuhan ang sagot ko.
ALEXUS' P. O. V
Naiinis ako sa katigasan ng ulong meron si Luna. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang katigasan ng ulo niya.
Nag-ingay ang phone ko kaya agad ko itong sinagot na hindi tinitingan ang caller ID.
[Ano'ng nangyari kay Luna, Alexus?! Sinasabi ko sa'yo! Pag may nangyari sa kaniyang masama, ibabaon kita sa lupa!] Marahas siyang bumuntong-hininga. [Sana hindi ko nalang inalala ang sinabi ni Daddy! Putangina, kaya ko naman, eh!]
Mukhang alam ko na kung saan niya nakuha ang katigasan ng ulo niya.
"Manahimik ka! Sa'yo nagmana ng katigasan ng ulo si Luna!"
Mahina siyang natawa. Saglit na nawalan ng imik sa kabilang linya bago siya ulit nagsalita. [Huwag mo akong sigawan, Alexus! Baka nakakalimutan mo!]
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Teen FictionBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...