| FRIENDSHIP |
CHAOS' P. O. V
NASA kwarto na kami matapos naming mapagtagumpayan ang misyon. Kasama ko sina Deth, Storm, at Wolf at pinag-iisipan ang mga nangyari kaninang madaling-araw hanggang sa bigla na lang nagsalita si Storm.
"Kumusta ang pag-iimbestiga sa katauhan ni Luna, Chaos?" Tanong nito kaya ibinaba ko ang hawak kong files sa mesa na naglalaman ng kaunting impormasyon tungkol sa pamilya ni Luna.
Nakuha ko ito sa contact na binigay sa akin ni Deth. Ito raw ay pinsan ng mommy niya na nangako sa kaniyang ibibigay ang lahat ng tulong na makakaya nito. Tanging tito lang ang rinig kong tawag niya rito. Hindi niya naman daw ito hinihingian ng tulong lalo na kung may kinalaman sa ama niya dahil ayaw niya itong mapahamak. Dito lang talaga.
"Si Luna ay anak nina Kenjie Louie Velasquez at Samantha Velasquez." Panimula ko. Kinuha naman ni Wolf ang folder saka pinukpok sa braso ko. "Wala kaming pake sa mga magu-"
"Naalala ko na narinig ko na ang mga pangalan na 'yan minsan sa bibig ni nanay dati," sabi ni Storm na ikinatahimik na lang bigla ni Wolf hanggang sa bigla nalang siyang pumitik at nanlaki ang mga matang tumingin sa amin na parang may naalala.
"Same? I don't remember the exact scenarios nung bata pa ako but yeah, I think I heard those names before with some random people lang. Familiar lang sa pandinig ko but I just can't remember kung ano ang tungkol sa kanila." Kumurap-kurap siya at hinawakan ang baba niya na animo'y nag-iisip pa.
"Namatay ang pamilya ni Luna dahil sa dalawang riders na nakasunod sa kanila at may mga angkas daw ito. Sina Luna at ang nakababatang kapatid lang nito ang nabuhay. By the way, itong mga infos ay nakalkal ng tito ni Deth nang pasukin niya ang data base ng presinto. Ayon do'n, nakatakas daw ang mga killers." Pagkwento ko pa. "So ito na nga... ang mga magulang ni Luna ay usap-usapang namumuno ng lahat ng gang dito sa Pilipinas pero hindi ito napatunayan. Siguro dahil marami silang backup. Ang mga kaso ay may kinalaman sa mga import at export ng illegal drugs sa ibang bansa, at massacre na nagaganap sa ilang mga probinsya." Huminga ako nang mahaba. "Hanggang dito lang ang mababalita ko dahil negative talaga sa pagkalkal sa mga info about her family. Mukhang protektado. Mahirap ma-penetrate."
Kumunot ang noo ni Wolf at bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso. "So, are you telling us na ang pumatay sa pamilya ni Luna ay may koneksyon sa pagiging gang leaders ng parents niya?"
"Probably. That's what I'm thinking." Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. "May mga naiisip pa ako at ang masasabi ko lang ay magulo ang pamilya ni Luna at magulo rin ang buhay niya."
"Posibleng 'yung nakamaskara kahapon na kasama ni Luna ay kasamahan niya sa gang na kinabibilangan niya. Maybe just checking on her. Tapos 'yung mga invaders, mga kalaban ng parents niya at gusto siyang saktan, kunin, o patayin. Either of those, she's still in danger." Hula ni Storm.
"Are we still going through the plan, Deth?" Wala sa sariling tanong ni Storm. He's talking about using Luna. I know Storm. Among all of us, he is the one who has a good heart. Nagi-guilty din siya sa plano ni Deth kay Luna.
"Yeah, mas lalong kailangan nating mapalapit sa kaniya. She's the only way how to kill Blue," sabi ni Deth. Kumunot ang noo ko nang may maramdaman akong mali sa kaniya.
Is this guy lying?
I have known him for years. I can tell how he reacts in every situation. Now, wala akong makitang satisfaction sa mga mata niya. What was written on his face was... worry.
Siguradong kapag nalaman ni Luna ang plano namin, magagalit siya at kamumuhian niya kami. Hindi niya dapat malaman na ginagamit lang namin siya. Papatayin namin si Blue at wala siyang malalaman sa kahit ano sa mga plano namin. 'Yun na lang ang tanging paraan na naiisip ko para hindi siya magalit sa amin.
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Teen FictionBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...