| Leo Zennor Trinidad |
LUNA'S P. O. V
Dahil sa laptop ni Tev, madali kong nagawa ang presentation namin. Ipinasa sa akin nina Deth, Leo, at Chaos ang mga keypoints na dapat ilagay sa PPT sa utos ni Deth kaya hindi ko na kinailangang basahin pati ang part nila.
Nagbago rin ang isip ni Sir sa schedule ng pagpasa. Imbis na bukas pa ipapasa ang presentation, ngayon niya na ito ipinapasa. Nag-alala ako hindi para sa presentation namin dahil tapos na kami kung hindi sa iba kong kaklase na mukhang walang pake. Mabuti na lang at natapos ko agad ang presentation namin. Thanks to Steven's laptop.
"You surpassed my expectation, Ms. Velasquez. Are you the leader?" tanong ni Sir saka niya inabot sa akin ang laptop na tinanggap ko naman. "Mayroon bang gano'n, Sir?"
Mahina siyang natawa at kinuha ang record book niya. "I'll give your group twenty-five. Twenty-five is a perfect score for the PPT. Ang seventy five naman ay manggagaling sa report niyo kung magugustuhan ko."
"Thank you, Sir!" nakangiting sabi ko saka pinatay ang laptop at umalis.
"Luna! How was it?!" sigaw ni Steven na papalapit sa akin. "Anong grade na'tin?"
"Twenty-five over one hundred. Twenty-five is a perfect score pagdating sa PPT. Ang seventy-five ay manggagaling sa performance na'tin." Paliwanag ko.
"That's good then." Ngumiti siya. "Kain na tayo?"
"Anong pagkain? Hindi na. Magtutubig na lang ako."
Kumunot ang noo niya kasabay ng paghaba ng nguso nito. "Napapansin ko sayo na panay tubig ka lang tuwing recess. Wala ka bang pera?"
"Meron naman pero nagtitipid ako," mabilis kong sagot.
"Then, I'll order something to eat," sabi niya saka hinugot ang phone sa bulsa at may tinawagan. "Yes-No, just two boxes of pizza and three milktea," sabi niya sa kausap saka pinatay ang tawag.
Iba talaga pag mayaman. Curious tuloy ako kung bakit napadpad dito si Tev. Mababa kaya ang grades niya? Imposible naman kasing may bad records ito dahil ang utak niya ay pambata.
Sa ilang araw naming laging magkasama ni Tev, gumaan ang loob ko sa kaniya. Nakikita ko sa kaniya si Ced kahit magkalayo sila ng edad dahil parehas silang malambing.
"Sa rooftop tayo kain." Suhestyon niya.
"Bawal tayo ro'n," may diin kong sabi.
"Madadaanan lang naman natin 'yon. Hindi naman tayo papasok o sa ibang room. Dadaan lang tayo," sabi niya na may punto naman kaya pumayag na ako. First time ko rin makaakyat doon kung sakali.
WALA pang sampung minuto, dumating na ang order ni Tev. Kinuha ko ang hawak ni Kuya na dalawa box na pizza at tatlong milktea.
Napakamot ng ulo si Tev nang makita ang pinagpapawisan na delivery rider.
"I forgot na hindi mo pala p'wedeng gamitin ang elevator dahil dark student ako. Ito na lang one thousand para sa tip. Thank you," nahihiyang sabi niya saka inabot ang one thousand kay Kuya.
Iniilingan ito ni kuya hanggang sa ipilit na ito ni Tev na ipahawak sa kaniya. "Take it."
Ngumiti si Kuya na puno ng pasasalamat ang mga mata. "Thank you rin, Sir. Pang kain din ng mga anak ko ito."
Ngumiti si Tev at muling binuksan ang wallet niya. Kumuha siya ng limang libo sa wallet saka inabot kay Kuya dahilan para manlaki ang mga mata namin ni Kuya.
"S-Sir, sobra na ho iyan."
"Hindi po para sa inyo ito," sabi ni Tev. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Kuya.
BINABASA MO ANG
DARK SECTION [COMPLETED]
Teen FictionBOOK 1. Start of the journey. [STATUS: COMPLETED] Luna Amora Velasquez, a daughter who promised her late parents that she would do better in her school. She decided to quit from being a member of the second to the strongest gang to focus on her litt...