Chapter 3 Busy Busy-han

27 2 0
                                    

Chapter 3

Busy bisihan

MJ POV

Nasa shop ako ngayon nagtatahi ng mga damit na susuotin ng isang artista sa kanyang kaarawan. Ako na mismo ang ng lagay ng mga kaartihan sa gown. Wala kasi akong magawa. Busy din kasi yung iba kung mga trabahador. Sila na kasi ang pinasikaso ko sa iba pang tatahiin. Pre-order kasi yung iba. Isang buwan matapos yung kasal nila Nicole balik na ako sa dati. Workholic na kasi ako ewan ko ba.

Wala na akong balita sa barkada matapos yung kasal ni Nicole masyado na kasi akong busy.

" Ma'am may bisita po kayo. Nandyan po si Maa'am Nicole" tinigil ko muna yung ginagawa ko at pumunta sa waiting area. Nakita ko na ulit si Nicole, mas lalo siyang gumanda. Ganyan talaga kapag kinasal gumaganda haha.

"Nicole I miss you" sabay hug ng mahigpit.

"Miss you rin Piggy. Ay oo nga pala kasama namin ngayon si Flynn" napatigin ako sa gawing kanan. Di ko napansin na kasama nga nila yung kaibigan ni Rico. Ngumiti na lang ako. Si Mister Makulit.

"Bakit naman kayo napapunta dito, May ipapagawa ka bang gown or dress" ayan lang naman ang alam ko na dahilan para pumunta yan dito. O kaya minsan may sasabihin na pabor. Sa dalawa yung pangalawa ata. Sana wag yung i-date ko yung kaibigan ni Rico ayaw ko talaga.

"Kasi si Flynn magpapagawa ng suit para sa isang event. Ang sabi ko naman wag na siya bumili magpagawa na lang siya sayo. Sa totoo lang pati si Rico ko magpapagawa kaya nandito kami" sabi ni Nicole.

"Ah ganun. O siya sige. April" tawag ko sa assistant ko. "April kunan mo naman sila ng sukat puwede ba tapos ibigay mo yung catalog para makapili sila ng design"

"Ok po Ma'am"

"Nicx sorry di ko kayo maasekaso kasi may ginagawa kasi ako eh. Si April na ang bahala sa inyo" sabi ko sa kanila.

"Ano ba yan ikaw na Piggy."

"Nicx di puwede"

"Sige ganya ka naman eh. Sige lang unahin mo na yun" napaparinig talaga siya. Ganyan si Nicole mahilig mangkonsensya. Nakapasok na ako sa working room ko. 'Nako Nicole di kita matiis' sabi ko sa sarili ko. Lumabas ulit ako. Nakita kong hinahanda pa lang ni April yung mga gagamitin.

"April ako na lang diyan. Tapusin mo na lang yung ginagawa ko sa loob" sabay kuha ko ng tape measure kay April.

Inuna ko munang sukatan si Rico. Mabilis lang naman yung pagsusukat. Madali lang kasing sukatan si Rico. Tyaka ako rin kasi yung gumawa ng suit niya nang ikasal siya kay Nicole. Matapos kong sukatan si Rico si Flynn naman. Kakaiba siya ngayon. Kanina ko pa kasi napapansin na nakatingin lang siya sa akin.

"Your turn" sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa akin. Hindi pa rin niya tinatanggal yung mga mata niya sa akin. Nakakailang na ahh.

Lumapit na rin ako sa kanya. Inuna kong sukatan yung nasa harap syempre. Tapos yung kuwelyo na. Napansin ko masyado ata akong malapit niya. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin pala siya sa akin. Medyo lumayo na ako sa kanya. Nakakailang lalo. Natapos ko na rin siyang sukatan sa wakas. Habang sinusukatan ko siya tahimik lang siya, nakakapanibago. Di ako sanay na tahimik siya. Madaldal yun eh.

"Meron ba kayong particular na design na gusto niyong ipagawa? Ikaw Rico may gusto ka bang ipagawa na design?" ko sa kay Rico.

"Bakit ako lang tinatanong mo? Tanungin mo rin si Flynn baka may gusto siyang ipagawa. Ok na ako doon sa ginawa mo dati nung kasal namin. Paki-iba na lang yung kulay" bagay talaga silang mag-asawa parehong mapang-asar. Alam ko ginagawa nila eh. Kita ba nilang ilang nga ako sa tao.

Theory: Bakit pa rin siya SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon