MJ POV
Nasa bahay lang ako ngayon. Ayaw ko pumunta sa shop ngayon. Ewan ko hindi ko lang feel ngayon ang umalis ng bahay lalo na dahil sa nagyari kagabi. Kasama ko ngayon yung dalawa kong pamangkin. Si RJ at si Blue. Grade 6 na si RJ at si Blue naman baby pa. Anak sila ng nga kapatid ko. Walang mapag-iwanan kaya na sa akin sila ngayon.
"Wala kang work tita?" tanong ni RJ. Dalaga na talaga siya. Rowena Jane talaga pangalan niya naging RJ lang para mas madali.
"Wala" wala sabay abot sa kanya ng breakfast na niluto ko.
"Tita tumawag si ate April kanina hinahanap ka"
"Bakit naman daw?" tanong ko.
"Wala lang nagtatanong kung papasok ka daw ngayon sa shop tun lang naman tita"
"Ahh. Pupunta ako ng mall ngyon gusto ko mag-shopping. Gusto mo sumama? Wala ka namang pasok ngayon eh"
"Talaga tita. Sige gusto ko yan. Tita bili mo ako ng damit tapos bagong shoes." sabi niya.
"Ok. Sige bibili kita."
Nasa mall na kami ngayon. Medyo matagal na rin bago ulit na ulit ang ganito. Masyado na akong naging busy sa trabaho at hindi na ako nakakapag-bonding sa mga pamangkin ko. Namimili ako ngayon ng damit na bibilhin ngayon ng mapansin ko kung sino yung nasa fiting room. Si Flynn kasama si Rico at Nicole. Agad akong nagtago sa mga damit na nasa harap ko. Dapat akong makaalis sa shop ngayon bago pa nila ako mahanap. Agad kong hinanap si RJ pero hindi ko siya mahanap. Wala na akong choice text ko na lang siya at aalis na ako. Ayaw kong makita nila ako.Nasa labas na akong ng shop at nakalayo na rin. Hinihingal ako. Ewan ko na kung bakit kabado akong makita nila ako. Habang busy ako kakapindot ng phone may biglang nagtakip ng mata ko. Kahit hindi ko itanong alam ko na kung sino.
"Nicole" agad namang niyang tinanggal ni Nicoleyung kamay niya sa mukha ko.
"Alam na alam ahhh. Di man lang naghula" sabi niya.
"Nicole yan eh" sabi ko. Tumingin ako sa gilid niya at nandoon si Rico at Flynn. "Nakit nga pala kayo nandito?" tanong ko.
"Wala kasing magawa aa bahay kaya nandito ako. Dinaanan ko na sila para samahan akong maglunch" sagot niya.
"Ahhhh" yun lang ang nasabi ko. "Sige una na ako" tatalikod an sana ako pero pinigilan ako ni Nicole.
"Aalis ka na. Parang kagabi lang nilayasan mo kami. Tapos ngayon aalisan mo ako. Hindi puwede. Sasama ka sa amin"Parang may magagawa naman ako. Si Nicole kapag nakapagdisesyon nyan yun na yun at wala ka ng magagawa kung di pumayag sa gusto niya. Tinawagan ko na lang si RJ para sumunod sa resto. Pero sa totoo lang naiilang ako ngayon na kaharap si Flynn. Matapoa yung nagyari kagabi hindi ko na siya matignan sa mata. Naiwan kami sa table ni Flynn. Ewan ko kung nasaan na sila Rico at Nicole. Hindi pa kasi sila bumabalik at si RJ di pa dumadating. Walang kumikibo sa aming dalawa. Biglang tumunog yung phone ko may text message ako at agad ko namanng binasa.
Nicole: ( Kami na maghahatid kay RJ sa condo niyo. Goodluck sa date mo.)
Napangangan ako sa binasa ko. Nicole talaga. Mga plano ng babae na ito agad agad.
"Hindi na babalik si Riconat Nicole" sabi ko sabay tayo.
"Alam ko" alam niya?
"Alam mo?"
"Oo alam ko" so kasabwat siya. Tumalikod na ako sa kanya. Peeo bigla niyang kinuha yung isang kamay ko at nilagyan niya ng pusas at yung isa sa kamay niya. "Hindi kana makakawala"
"Tanggalin mo nga yan baka isipin nila na takas tayo sa preso"
"Bakit naman nila maiisip yun. Sa gandang mong yan at gwapo kong ito maiisip nila yun. Malabo."Agad siyang tumayo at dahil nakapusas ako sa kanya sumusunod lang ako sa kanya. Lumabas kami ng resto. Sa totoo lang masakit na yung kamay ko. Ayaw ko na kinakaladkad niya ako kung saan man niya gustong pumunta.
"Flynn tanggalin mo na kasi tong pusas. Gusto ko ng umuwi" sabi ko sa kanya.
"Hindi puwede." sabay pa cute niya sa akin.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko.
"Basta" nanghihilain nanaman niya ako pinilit ko siyang hilain pabalik. Pero agad kong pinagsisihan yun kasi ang sakit sa kamay. Napangiwi ako sa sakit. Agad niyang kihuha yung kamay ko para tiganan. "Ang tigas kasi ng ulo mo. Ayan tuloy." hindi na ako nakapagsalita. "Aalisin ko yung pusas pero promise di ka tatakas" tumango na lang ako tanda ng pagsang-ayon.
BINABASA MO ANG
Theory: Bakit pa rin siya Single
RomanceMary Jane Son Alipan o mas kilala bilang Miss A. Sikat, Mayaman at Maganda. kahit nasakanya na ang lahat pero maliban sa isa. OFFICIAL SINGLE siya. Dumating na sa point na hindi na siya naghanap ng lalaki na bubuo sa pagkatao niya. Pero one day ay...