Chapter 6 Mr. Mareklamo

31 2 0
                                    

Chapter 6

Mr. Mareklamo

MJ POV

After the incident between me ang Flynn di na kami nagkita. Ok lang yun nag-sorry na ako. Chossy siya ah. Nasa boutique shop ko ngayon at hinahanda ko yung suit na ipinagawa nila Rico at Flynn.Ngayon kasi yung fitting para sa mga suitpara kung may mali maayos ko pa. May biglang pumasok sa loob ng shop at si Nicole yun.

"Piggy kukunin ko sana yung suit na ipinagawa ni Rico at Flynn." sabi niya.

"Bakit saan ba sila ngayon?" tanong ko.

"Nasa studio alam mo naman mga boys. May band session kasi sila para sa bagong album nila" ah busy nga.

"Eh paano yung fitting ng mga suit na gagamitin nila."

"Ito nga kaya nga nandito ako kukunin ko ngayon para dalhin sa kanila." ganun naman pala.

"Sige samahan na rin kita para malaman ko kong ano yung iibahin sa mga suits tapos dalhan na rin natin sila ng meryenda" nakangiti si Nicole. "Nicole anong meron?"

"Di ka ba busy?"

"Di naman kasi tapos ko na lahat ng mga damit na pina-order, tapos maluwag naman schedule ko ngayon kasi wala naman masyadong event ngayon buwan kaya ok lang." paliwanag ko sa kanya.

"Hayys himala may time ka ngayon hahaha." baliw.

Umalis na kami ng boutique at yung sasakyan ni Nicole yung gamit naming. Siya na rin ang nag-drive. Pero bago kami dumaan sa studio dumaan muna kami sa isang coffee shop para bumili ng meryenda nila. Malapit lang naman yung coffee shop sa studio. Ewan ko pero kinakahan pa rin ako. Baka kasi galit pa rin siya sa akin. Ayaw ko feeling na may nagagalit sa akin. Hindi ako mapapakali.

"Hi kamusta nagdala kami ng meryenda" bati ni Nicole sa mga tao sa loob ng studio. Ganito pala yung studio. Ang daming tao nahihiya tuloy ako. Pero lang po lalaki ang nadito sa loob nakaka-concious lang naman di ako sanay.

Isa sa mga dahilan ko kung bakit hindi ako magkaroon ng boyfriend. Nahihiya akong makipag-usap sa lalaki. Maliban na lang kapag na sa mood ako makipag-usap di ako nahihiya at kung nagmamaldita ako.

"Hi Nicole bakit ka naman napasugod dito?" tanong nung isang lalaki.

"May isusukat kasi sila damit para sa awards night" sabi ni Nicole. Hindi pa ata nila napapansin na nasalikod ako ni Nicole. Matangkad kasi si Nicole kaya matatakpan talaga ako. Hahaha.

"May kasama ka pa lang magandang dilag dito Nicole. Hi ako nga pala si Jerry" inabot niya yung kamay niya para makipag-shake hands. Pero di ko inabot but instead ng bow na lang ako ng pagbati. Isa pang gawain ko kapag may nakikipagkilala at gusto ko makipag-shake hands sa akin hindi ako nakikipag-shake hands. Maliban na lang kung tungkol sa negosyo yung makikipagkilala sa akin.

"Nice meeting you Sir" sabay smile sa kanya para naman si siya mapahiya masyado.

Siniko ako ni Nicole. Tinignan ko siya tapos Bakit-ano-na-nanaman-Look. Nagsmile lang siya sa akin halatag fake. Ano bang ginawa ko?

"Be nice nga Piggy. Wag mong dalhin yung pagka-maldita mo sa mga lalaki ngayon" pa bulong lang niya sinabi.

"Sorry naman. Sige na nga" sabi ko nalang.

Lumapit si Nicole sa asawa niya na katabi ni Flynn. Tumingin ako sa kanya at tumingin siya sa akin nginitian ko lang sya pero na snob lang ako. Galit pa rin ata. Tumingin ako sa kanan lahat ng lalaki ng nasa loob ng kuwarto nakatingin sa akin.

Theory: Bakit pa rin siya SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon