Chapter 3

1K 53 54
                                    

Pagkatapos maihatid ni Ahab ang Senyorita Davin sa labas ng pinto, sa halip na bumalik sa kaniyang clinic ay pinili niyang magtungo na lang muna sa kusina. Kailangan niyang magkape. Umatake na naman ang kaniyang migraine, dahil sa sandamakmak na trabaho na kailangan niyang pagtuonan ng pansin, dagdagan pa ang biglaang pagbisita sa kaniya ng naturang Senyorita.

Nakilala ni Ahab ang Senyorita Davin, nang minsan ay isinama siya ng kaniyang ama, upang tingnan ang mga kabayo sa rancho ng mga Agustin. Ang babae ay unica ija ng mayamang negosyante na si Don Isidore, na siya ring matalik na kaibigan at kasosyo ni Don Inno Aragon.

Hindi niya inaasahan ang pagpunta ng babae sa mansiyon ng araw na iyon. Basta na lang itong sumulpot sa kaniyang clinic, dahilan para maantala ang maraming trabaho na kailangan niyang atupagin.

Ang totoo niyan ay hindi niya gusto ang presensiya ng naturang dalaga. Naasiwa siya rito, sapagkat sa tuwing kausap niya ang Senyorita, lagi na lang nauuwi ang usapan tungkol sa personal niyang buhay. Seriously, he could not remember a single time where he didn't get sexualized by the lady. Hindi niya nagugustuhan iyon, ngunit wala naman siyang ibang magawa, kundi ang pakisamahan ng maayos ang dalaga, lalo pa at anak ito ng mayamang Don na matalik ring kaibigan ng kaniyang ama.

His eyes wandered to the clock, that was hanging on one of the walls of the kitchen, wondering kung ilang oras ba ang nasayang niya sa araw na iyon kasama ang Senyorita. Wala sa sariling napailing-iling na lang ang binata, saka muling ininom ang bagong timpla na kape, sabay abot sa newspaper na naiwan niya kanina na nakapatong pa rin sa ibabaw ng mesa.

"The Richest Man in the Philippines." Basa niya sa pamagat ng artikulo kung saan nakafeature sa pahinang iyon ang hindi pamilyar na lalaking nagngangalang Don Vito Monteverde.

Seriously? Sa daming makabuluhang bagay na kailangan ibalita, hindi niya maintindihan kung ano ang sense sa pagfeature ng naturang Don. Hindi niya ito kilala, dahil kahit gaano pa man ka tinitingala ang isang tao, he chose to mind his own business.

"Ghaaad! Ang sarap niya, 'di ba?!" patiling bulalas ng kaniyang secretary, na biglang sumulpot sa kaniyang likuran. Muntik nang mabuga ni Ahab ang iniinom na kape, dahil sa pagkagulat.

"At kailan ka pa nagkaroon ng interest sa bagay na 'yan? Do you know him?" tanong ng dalaga, ngunit ang tingin ay naroon sa larawan ng lalaking naroon sa naturang newspaper na hawak ni Ahab.

"Sino?" ang nalilito at iritadong tanong ni Ahab sa babae. Muling ipinatong ng binata ang mug sa mesa, saka hinarap ang babae at binato ng masamang tingin.

"Iyang lalaking tinititigan mo, Senyorito, ay isa sa mga pinakamayamang Don dito lalawigan natin. Siya si Don Vito Monteverde! Sa lawak ng lupain ng mga Monteverde, halos sakop niya lahat ng sangkapat na parte ng lalawigang ito. Isa siyang milyonaryo, ngunit nakapagtataka gayong hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababalitaang may-asawa na siya," mahabang wika ng babae. Bakas ang excitement sa nagniningning nitong mga mata, tila walang pakialam sa masamang timplang naroon sa mukha ng Senyoritong tila wala namang pakialam sa mahabang sinabi.

Ano naman kasi ang pakialam niya sa antas ng buhay mayroon ang lalaking binibida ng kaniyang sekretarya?

Umupo ang babae paharap sa mesang inuupoan ni Ahab. Ipinatong nito ang mga braso sa mesa, before resting her chin on her palm. "Kung ako lang, mas pipiliin kong magpaanak sa gwapong haciendero na 'yan, kahit hindi na niya ako papanagutan. Basta ba't magkaroon lang ako ng anak na may lahing Don Vito Monteverde! Sino ba naman kasing hangal na babae ang hindi naghahangad malahian ng dominanteng genes ng Don Vito na iyan!"

Agad napaarko ang mga kilay ni Ahab dahil sa sinasabi ni Emily. "Jesus, Emily! He is way too old for you!" may bahid ng pagka-digusto at exaggerated na komento ng binata, dahilan para makita niya kung paano malukot ang mukha ng kaharap.

KIDNAPPING THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon