Chapter 4

1.1K 45 38
                                    

Malalim na ang gabi, ngunit kahit anong gawing pagpipilit na ipikit ang mga mata, hindi pa rin magawang matulog ni Ahab. Naubos na rin niya ang tinimplang gatas, gayon pa man, hind pa rin siya dinalaw ng antok. Marahas siyang napabangon mula sa kamang hinihigaan saka lumabas ng kwarto at nagtungo sa verranda ng kaniyang silid.

Ano bang magagawa ko, kung hindi naman talaga align ang problema niya sa expertise ko bilang veterenarian? Wala sa sariling reklamo ng binata sa loob ng kaniyang isipan. Hanggang sa sandaling iyon, hindi pa rin mawala sa kaniyang utak kung paano siya tila gustong sakalin ng Don nang sabihin niya ritong hindi siya nito matutulungan.

Ahab Aragon did not want to get involve in his problem, lalo na nang malaman niyang mahigpit ito na kakompetensiya ng kaniyang ama. Ano na lang ang iisipin ng papa niya kung malaman nito na tinutulungan niya ang mahigpit na kalaban sa industriya. Kaya kahit pa sabihin man na alam niya kung paano maresolbahan ang sitwsayong ng Don, hindi niya pa rin ito tutulungan.

That's how business works. Hindi siya maaring mag-abot ng tulong sa kalaban. Kapag baliktad ang sitwasyon, natitiyak rin naman niyang imposibleng tutulungan siya ng Don Vito.

Ngunit, hindi lang iyon ang nagpagulo sa isip ni Ahab sa sandaling iyon. Hindi niya mapigil ang sarili na hindi mabagabag sa kung paano siya tingnan ni Don Vito kanina, nang magtagpo ang kanilang mga tingin. Ang paraan kung paano nito pag-aralan ang kaniyang mga kilos. Kulang na lang na animoy huhubaran na siya nito gamit ang matalim ngunit malagkit na mga tingin ng lalaki. He did not even try to hide it, as if he was desiring for him like a piece of cake.

Kahit sa sandaling iyon kung saan nakatunghay siya maliwanag na buwan, ramdan pa rin niya ang mapaniil ngunit mapagnasang titig ng Don. Ahab did feel naked under Don Vito's eyes, na kahit anong gawin niyang pagligo at pagkuskos sa kaniyang balat, pakiramdam niya ay nakadikit pa rin doon ang mga tingin nitong punong puno ng pagnanasa. Pero, bakit? Ano ang ibig sabihin ng mga tingin na iyo ng lalaki? The uncomfort it made him feel was really horrible!

Sana lang talaga ay iyon na ang huli nilang pagkikita ng Don. Maski pa sabihin na galing rin siya sa isang makangpangyarihang angkan, ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang hindi matakot sa katauhan ng haciendero. Hindi niya mapigil ang sarili na hindi mangamba. He felt unsafe. Sa kaniyang pagtanggi rito, pakiramdam ng Ahab, para bang inilibing na rin niya sarili sa sariling hukay. Paano kung sa desisyon niyang iyon, binibigyan niya ng rason ang Don na magalit dahilan para makaisip ito ng maling hakbang laban sa kaniya. Paano kung sapilitan siya nitong dakpin? Ang mas malala pa, paano kung papatayin siya mismo ng Don? That thought made him sick! Alam niyang hindi malabong mangyari iyon gayong alam niyang mapanganib ang naturang haciendero.

AGAD NA NAPAHINTO sa paglalakad si Odin, nang makarinig siya ng mga tunog ng mga nagsibasagang mga bote. Tila ba sinasadiya itong ibinato sa dingding, dahilan para maglikha iyon ng nakakarinding ingay. Nagmula ang mga tunog na iyon sa kwarto ni Don Vito. Ngunot noong nilihis niya ang mga paa patungo sa silid ng kapatid. Sa pagkakataong iyon, may hinala na siyang may hindi magandang nangyari sa pagsadiya nito sa teritoryo ng mga Aragon upang makakuha ng tulong sa doktor.

He should have known better. Imposibleng mag-abot ng tulong ang angkan ng mga Aragon sa hacienda. Ngunit bilang isang nakakatandang kapatid na walang ibang hinahangad kundi ang kapakanan ng lupain pati ang kabuhayan ng mga nasasakupan, mahirap man, kailangan niyang tulungan ang Don Vito na masolusyunan ang problemang kinakaharap ng rancho. Kung malugi ang hacienda, saan pupulutin ang mga nasasakupan ng kapatid? Hindi niya maaring pababayaan ang mga ito. Alam niya kung gaano pinapahalagahan ng yumaong ama ang lahat ng mga taong tumulong upang patuloy na lumalago ang naiwang lupain ng mga Monteverde.

Agad na napatakip ng ilong si Odin nang mabuksan niya ang pinto. Nanunuot sa kaniyang ilong ang nakasulasok na magkahalong amoy ng alak at sigarilyo sa buong kwarto ni Don Vito. Maraming basag na bote ng gin ang nakakalat sa sahig. Pati ang dingding ng kwarto nito ay puno ng mantsa mula sa mamahaling bino na ngayon ay bumabaha sa sahig. Nadatnan niya rin ang Don na nakasandal sa pader ng mini bar ng kwarto, tila wala ito sa katinuan. Magulo ang buhok ng haciendero, at namumula ang mga matang punong puno ng galit. Kung ordinaryong tao ang naroon, marahil ay nagtatakbo na ito sa takot.

KIDNAPPING THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon