An:. Your votes will motivate me to update continuously. I know it won't be too much to ask. Kaya push! Kahit offline, click vote pa din para malaman ko if may nagbabasa pa ba sa story na 'to.
*****
"Patience, Keenan?!" puno ng pagkayamot na singhal ni Don Vito sa lalaking nakahalukipkip at nakasandal sa dingding ng silid. " He has been sleeping for two full days!"
"Magigising na rin 'yan mamaya maya. He was still under the influence of the halothane content you injected him. Bakit mo ba naman kasi tinurukan 'yan ng pampawala ng malay?" tanong ni Keenan, na siyang kasama ng Don nang dukutin nila ang doktor. "Kung pinahampas mo nalang sana sa akin ang ulo niya, eh di gising na sana yan ngayon."
"Get out!" matigas na utos ni Don Vito sa kanang kamay ni Odin na maagap namang sinunod ng huli.
Hindi niya nagustuhan ang inihayag na iyon ni Keenan. He would never allow anyone lay a single finger to his precious doctor! Tanda niya pa kung paano nito pisilin ng marahas ang panga ni Ahab dahilan para hindi mawala wala ang pagkulo ng kaniyang dugo para sa lalaki. Kung may sino mang maaring manakit kay Ahab, walang iba kundi siya lang.
He should have known that Keenan has no self control when it comes to violence and hurting his prey. Kung nalaman niya lang sana agad na ang lalaking iyon ang ipinadala ng kaniyang kapatid para tulungan siyang madukot ang tagapagmana ng mga Aragon, gustuhin nalang sana niyang gawin ang masamang balak na mag-isa.
Hindi maintindihan ni Don Vito kung bakit ang lalaking iyon ang naging kanang kamay ng kaniyang kapatid na si Odin, knowing na sobrang magkalayo ng mga personality ng mga ito.
Iritadong napabuntong hininga ang Don, kapagkuway muling sinipat ng mapanuring tingin ang lalaking wala pa ring malay hanggang sa kasalukuyan.
Maya maya pa ay umangat ang kaniyang kamay patungo sa noo ni Ahab. Dinama niya ang temperatura ng binata. Nang hindi pa makuntento ay inilipat niya ang kamay sa ilong ng doktor upang damhin ang mainit na hininga nito.
Ahab was fine. Pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin ito nagigising sa sandaling iyon. Sa pagkakaalam niya, isang araw lang ang bisa ng gamot na itunurok niya rito.
Marahan at puno ng pag-alinlangang idinapo ng Don ang kamay sa makinis na pisngi ni Ahab. Maingat niyang dinama ang balat ng lalaki. With that little touch, pakiramdam ng Don, may kung anong kuryente ang bigla na lang kumislot sa loob ng kaniyang dibdib. It was a sudden sense of great excitement, dahilan para hindi na niya magawang alisin pa ang mga kamay palayo. He could not imagine how it would be when he and his doctor share the same warmth- naked and skin to skin.
It was never in the wildest imagination of Don Vito to have interest with men. Sa tanang buhay niya, sa isang may malulusog na dibdib at sexy'ng babae lang pumipintig ang kaniyang pagkalalaki. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit, tila sa paglipas ng mga araw nakaramdam siya ng obsesyon, para bang may kung anong halimaw sa kaniyang katauhan na nagnanais matikman ang lalaking bigla nalang umagaw ng kaniyang atensiyon,maski pa noon na sa picture niya lang ito unang nasilayan.
And for a man like him na hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto, sinong may sabing hindi niya kayang subukan ang lasa ng isang lalaki? No one can stop him either. Kailangan niyang malaman kung ang init ba ng kaparehong lalaki ay nakakasuka at nakakadiri.
But of course! He promised himself na kapag darating ang araw na matikman niya ang doktor, he would do it the way how he seemed to enjoy it so passionately with the women he laid in bed.
Wala sa sarili na naisampal ni Don Vito ang kamay sa mukha. Wari bang bigla siyang natauhan mula sa kahibangang pumupuno sa kaniyang isip. Hindi niya dapat kalimutan ang totoong rason kung bakit niya dinukot ang doktor. Ahab wasn't there for his thirst and desires. He did'nt kidnapped him just because he wanted to have a taste with his precious doctor. Kailangan niya ang tulong ni Ahab nang sa gayon ay maagapan niya ang nangangamba at unti-unting pagkalugi ng Hacienda Monteverde- which is madalas na mawala sa kaniyang utak sa tuwing masilayan ng kaniyang mapagnasang mga mata ang gwapong mukha ng tagapagmana ng mga Aragon.
BINABASA MO ANG
KIDNAPPING THE DOCTOR
RomanceRank #1 out of 7.4k boyslove category as of August 13, 2022 Rank # 2 out of 534 mantoman category as of August 10, 2022 R-18+ "You are my favorite sin!" Napasinghap si Ahab, nang marahas siyang isinandal ng haciendero sa matigas na dingding. Ramdam...