Chapter 8

766 56 28
                                    


An: Paki-click po ang VOTE o star kahit nakaoffline po. I will wait 15 votes bago ko ipublish ang next chapter.

Isang nakakasilaw na liwanag mula sa nakabukas na bintana ang gumising kay Ahab nang umagang iyon. Ramdam niya ang pananakit ng kaniyang ulo. Marahil ay dahil iyon sa kakulangan ng kaniyang tulog sa mga nakalipas na gabi. It has been three days since he was there, face to faced with the evil Don Vito Monteverde.

Hindi maiwasang mag-alala ng doktor, sapagkat alam niya sa sandaling iyon ay paniguradong naalarma na ang kaniyang ama sa kaniyang pagkawala. Isa pa sa ikinababahala niya ng husto ay kung ano na ang kalagayan ni Emily sa sandaling iyon. Sana lang ay ligtas ito. Hindi niya mapapatawad ang haciendero kung sakali mang may ginawa itong masama sa kaniyang kaibigang sekretarya!

Kailangan niyang madaliin ang lahat nang sa gayon ay matapos na ang kalbaryong ipinapataw sa kaniya ng haciendero. Hindi pwedeng magtagal pa siya sa puder ng mga Monteverde! Kailangan niyang makauwi sa mga Aragon. Kapag mangyari iyon, lintik lang ang walang ganti! Pagbabayarin niya ang Don sa ginawa nitong pagkidnap sa kaniya.

"Mabuti naman at nagising ka na," pambungad sa kaniya ng isang ginang na kasalukuyang nagtatali sa  kulay puting kurtina na nakatabing sa bintana ng silid. Nakasuot ito ng kulay asul na uniporme na kadalasang suot ng mga katulong. Sa loob ng tatlong araw, tanging ang may edad na babaeng ito lang ang nakasalamuha niya. Every now and then, susulpot lang ang ginang sa naturang silid upang dalhan siya ng makakain.

"Nandiyan na sa mesa ang iyong agahan," nakangiting wika ng babae.

Sandaling tinapunan ni Ahab ang maraming pagakain na noo'y nakahain na sa mesang naroon malapit sa gilid ng dingding. Awtomatikong kumalam ang kaniyang sikmura. Sa mga nakalipas na mga araw, hindi niya matandaan kung kailan ang huling sandali na nakakain siya nang maayos.

"Pinasasabi nga pala sa akin ni Don Vito na isasama ka raw niya ngayon sa rancho."

Tila nagpanting ang magkabilaang tainga ni Ahab nang marinig ang pangalan ng lalaking kinamumuhian niya nang husto. Magta-tatlong araw na mula nang makita niya ang Don Vito.  Since then, hindi na ito nagpakita sa kaniya. Balita niya ay lumuwas ito sa bayan at talong araw din itong hindi nakauwi sa mansiyon. Sa mga nakalipas na mga araw, hinahayaan lang siya ng haciendero na mag-isa sa laboratory. Bagay na ipinagpasalamat niya sapagkat natitiyak niyang hindi siya makapag-isip nang maayos kapag naroon ang mapanganib na presensiya ng haciendero. Sa tingin niya ay mukhang desperado nga talaga ang Don na makagawa siya agad ng lunas para sa mga kabayo nito.

"Kumain ka na," ang nakangiting utos ng ginang nang mapansin na tintigan lang ng doktor ang mga pagkaing naroon sa mesa.

"Hindi ako gutom, ibalik niyo nalang sa kusina ang lahat ng 'yan" walang gana na wika ni Ahab kapagkuway tumayo at inihakbang ang mga paa patungo sa banyo ng kaniyang silid. Don Vito was back! He must be worried! Dapat na siyang mangamba sa sandaling iyon!

"Pakiusap kumain ka. Tiyak, hindi magugustuhan ng Don kapag malaman niya na hindi mo kinakain ang mga pagkaing pinapadala niya rito."

Balewala namang sinarhan lang ng doktor ng pinto ang ginang.

"Tatakpan ko na lang muna ang mga ito. Kailangan mo itong kainin dahil kung hindi, tayong dalawa ang malalagot nito. Hindi magugustuhan ng Don na hindi nasusunod ang mga utos niya."

ISA-ISANG HINUBAD ni Ahab ang mga damit sa katawan. Matapos maisabit ang mga pinaghubaran sa dingding ng banyo, hubot hubad siyang lumublob sa tub na noo'y napupuno na ng mabango at mabulang tubig.

Nakapikit ang kaniyang mga mata habang dinamdam ang malamig na tubig na nakayapos sa kaniyang balat. Huminga siya ng malalim, umaasa na mawala ang kabigatan ng kaniyang dibdib. Hindi niya lubos maisip kung bakit humantong siya sa ganoong sitwasyon.

KIDNAPPING THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon