"Una pa lang alam ko'ng isa kang masamang tao! Sana ay hindi na pinagtagpo pa ang mga landas nating dalawa! The moment you stepped foot in my office, I knew that there was something wrong with you!" galit na wika ni Ahab, sa kabila ng takot na nararamdaman sa sandaling iyon!He can't believe it! Hindi niya rin alam kung seryoso ang Don sa mga sinasabi nito. Ganoon na ba talaga ito kagalit sa kaniya at kadesperado para dukutin siya nito at gawing bilanggo?
It was so unfair!
Isang nanunudyong ngisi ang pinakawalan ng Don bago nagwika, "Mabuti naman at alam mo na isa akong masamang tao. Dapat na sanayin mo ang iyong sarili na katatakutan ako. After all, I am the boss here. Get that?"
Awtomatikong napakuyom ng kamao si Ahab, habang binibigyan ng nakamamatay na titig ang kausap. Hindi niya nagustuhan ang mga salitang lumalabas sa bibig ng haciendero. Kailangan na hindi siya magpatinag rito! Isa siyang doktor! Higit sa lahat isa siyang Aragon na nagmumula sa isang prominenteng angkan. Hindi siya makakapayag na lalampastanganin lang siya basta basta ng isang hacienderong tila sira ang pag-iisip!
"Sinabi ko na sa 'yo na hindi ko alam kung paano resolbahan ang problema mo. At kung sakaling alam ko man, hinding hindi ako mag-abot ng tulong sa 'yo!"
Hindi alam ng Don kung ano ang marardaman sa sandaling iyon. Tila ba hindi niya narinig ang inihayag ng binata, sapagkat masyado siyang nagliwaliw sa galit na nakikita niya sa mukha ng doktor. Ahab looked hot when he was angry! Don Vito was very sure of that! Parang gusto niya ang palaban na katauhang iyon ng doctor.
"You will, Ahab Aragon!" puno ng katatagang sabi ni Don Vito.
"I would not!" giit naman ng doktor habang pilit na pinapantayan ang tensiyon kung paano siya sikilin ng titig ng haciendero.
"Sabi ko naman sa 'yo lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Hindi ang isang kagaya mo ang makakatutol sa kung ano ang nais ko. I'm afraid na wala kang ibang pagpipilian but to find cure. Tulungan mo akong isalba ang Hacienda Monteverde!" walang emosyon at seryosong diin ng haciendero.
"Hanggang saan ba dapat aabot ang pagmamatigasang ito, Don Vito?" may himig na pagkabigong tugon ni Ahab. "Why can't you understand na isa akong espesiyalista ng tumor o ano mang uri ng kanser ng mga hayop. Ang pagtatae ng mga kabayo ay hindi saklaw sa kung ano ang pinag-aralan at kung ano ang kakayahan ko bilang isang beterinaryo," dagdag pa niya.
Matigas namang umiking ang Don. Hanggang sa puntong iyon ay hindi siya kumbinsido na hindi kaya ng doktor na makahanap ng lunas. Sadiyang matigas lang talaga ang loob nito upang mag-abot ng tulong sa kaniya.
"Are you not the most genius equin vet in the country? Paano ka umabot sa posisyon na 'yan kung hindi mo kayang hanapan ng lunas ang salot ngayon gamit 'yang walang kwenta mo palang pag-iisip? O baka naman isang kaaway ang tingin mo sa aking angkan da-"
"I am not the smartest doctor, Don Vito! Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng exaggerated na title na 'yan. Can't you see? Isa lang akong normal at average doctor. Kahit anong piga mo sa akin, o kahit anong pagbabanta mong ikulong mo ako rito habang buhay kasama ka, wala pa rin akong magagawa! Alam ko ang kakayahan ko! Kaya pakiusap. Humanap ka na lang ng ibang doctor na maaring makatulong sa iyo. Just let me go home. All of these are just a waste of time!" giit ngunit may bahid na pakikiusap ni Ahab.
Tila bato namang tinitigan lang ng Don ang binata. Dismayado siya sa sinsabi nito. Kahit pa sabihin wala nga'ng magagawa ang lalaki para matulongan siya, hindi pa rin niya ito pakakawalan. He was not yet done with his precious doctor. He would not let him go easily.
Kapag mangyari iyon at malaman ng mga Aragon ang ginawa niyang pagdukot sa kanilang tagapagmana, malaking eskandalo ang magaganap. And worst baka sa kulungan siya pupulutin! He would not allow that to happen! Tiyak na masasabon na naman siya ng sangkaterbang sermon mula kay Odin, na sa umpisa pa lang ay tutol na sa ginawang pagdukot sa doctor!

BINABASA MO ANG
KIDNAPPING THE DOCTOR
רומנטיקהRank #1 out of 7.4k boyslove category as of August 13, 2022 Rank # 2 out of 534 mantoman category as of August 10, 2022 R-18+ "You are my favorite sin!" Napasinghap si Ahab, nang marahas siyang isinandal ng haciendero sa matigas na dingding. Ramdam...