An: Please click that star before scrolling down, okay?. Show your support by just simply hitting that Vote.THE HORSES WERE REALLY WEAK. Iyan ang unang napansin ni Ahab nang makarating sila sa rancho.
Labag man sa kalooban sapagkat alam niyang madidismaya sa kaniya ng husto ang ama sa gagawin niyang iyon, walang ibang nagawa si Ahab kundi simulan ang pag-pi-physical exam sa mga kabayo.
"For the past few months, mahigit kumulang dalawang daan na ang nalagas sa aking mga kabayo," kaswal na pahayag ni Don Vito na noo'y mariing nakasunod at nagmamatyag sa ginagawa ng doktor. "Gusto ko sanang mag-angkat na lang ng marami pa mula sa mga karatig bayan panghalili sa mga namatay, pero sa tingin ko ay walang saysay iyon. Baka mahawaan lang ang mga ito at mamatay rin sa huli."
Kanina pa tahimik na hinihiling nang binata na iwanan siya ng Don doon sa kuwadra. Naasiwa siya sa presensiya ng lalaki. Hanggang sa sandaling iyon, animo'y nakadikit parin sa kaniyang balat ang katauhan ng Don.
Pinagpatuloy lang ni Ahab ang ginagawa, tila ba hindi interesado sa mga sinasabi ng haciendero. Pinakinggan niya nang maigi ang heartbeat ng kabayo gamit ang dala niyang sthetoscope. Pansin niyang sobrang tamlay ng mga ito.
"What do you thing is the reason kung bakit agaran ang pagkamatay ng mga kabayo dito sa hasyenda?" tanong ni Don Vito. "Sa tingin ko naman ay hindi dahil sa dehydration dahil maya't maya ay pinapainom naman ang mga ito ng tubig. Wala ring saysay ang mga antibiotic na inereresta ng mga doktor na tumingin rito. The situation got even worst!"
Ahab heaved a sigh. Ayaw niya sanang kausapin ang haciendero, ngunit natatakot siya na kapag gawin niya iyon, baka sakalin siya ng Don, lalo pa at napakaikli lang ng pasensiya nito.
"Kahit pa sabihin na laging binibigyan ng tubig ang mga kabayo, kung masyado nang malala ang pagtatae, mabilis din silang madehydrate. At kapag nangyari 'yon, malimit ay magkakaroon sila ng laminitis."
"Laminitis?" tanong ng Don saka hinugot ang isang pakete ng sigarilyo mula sa bulsa. Kumuha siya ng isang stick, kapagkuway sinidihan iyon at dinala sa bibig.
"Pamamaga ng mga kuko at paa ng mga kabayo dahilan para hindi ito makatayo. Nasisira ang kanilang mga tissues which is an indication also of kidney failures, na naging sanhi na kanilang kamatayan," pagpapaliwanag ni Ahab. Teorya lang niya ang kaniyang mga sinasabi. Hindi siya sigurado kung ano ang pinakaugat ng sakit ng mga naturang hayop. He needs to do some further test.
Ibinuga ng haciendero ang usok ng sigarilyo bago nagwika. "Aanhin mo naman ang tae na 'yan?" ngunot noong tanong ni Don Vito nang makita ang pagdaskol ni Ahab ng kaunting tae ng kabayo gamit ang isang stick saka maingat na inilagay sa puting grapon.
"Kailangan ko ito sa laboratory. Ang pagtatae nila ay hindi disease. Indikasyon lang ito o sintomas ng isang pang malalang sakit."
"Like what?" naguguluhang tanong ni Don Vito.
"Baka may ulceration na nangyayari sa loob ng digestive system ng mga kabayo."
"Bakit naman sila magkaulcer gayong tutok ang mga trabahador ko sa pagpapakain sa mga ito," makatotohanang wika ni Don Vito, saka bored na sumandal sa pinto ng kwadra.
"Minsan hindi lang dahil sa gutom nagkakaulcer ang mga kabayo. Pwede rin nila itong makuha mula sa mga vitamins o ano pang mga antibotic na maaring nakapagpatrigger sa kanilang pagtatae."
SA WAKAS AY INIWAN NA RIN siya ni Don Vito doon sa kwadra. Ipinagpasalamat niya iyon sapagkat malayang napagmasdan ni Ahab ang Hacienda Monteverde nang palihim. Kailangan niyang maging maingat sa kaniyang mga kilos lalo pa't nasa malapitan lang ang iba pang tauhan ng Don na inutusan nitong magbantay sa kaniya. Marahil ay alam ng mga trabahador na sapilitan lang ang kaniyang presensiya doon sa lupain ng mga Monteverde. Lahat ng mga tao roon ay pawang loyal sa hacienderong pinaglilulingkuran. Wala siyang ibang mahihingian ng tulong kundi ang sariling sikap lang.

BINABASA MO ANG
KIDNAPPING THE DOCTOR
RomanceRank #1 out of 7.4k boyslove category as of August 13, 2022 Rank # 2 out of 534 mantoman category as of August 10, 2022 R-18+ "You are my favorite sin!" Napasinghap si Ahab, nang marahas siyang isinandal ng haciendero sa matigas na dingding. Ramdam...