Chapter 5

838 35 22
                                    


"How was it?" ang walang emosyon na paunang pambungad ni Don Inno kay Ahab, nang sagutin nito ang tawag mula sa kabilang linya.

"You don't have to worry about it, papa. Everything is fine. Papauwi na rin ako," mababang tugon ng doktor, pilit na itinatago ang pagkairitang naramdaman para sa matandang Don. Kalaunan ay napahikab ang lalaki dahil sa pagkaantok na nadarama.

Galing si Ahab mula sa malayong siyudad, para mahanap ang kakailanganing mga chemicals at formulas na kailangan niyang pag-aralan, upang makalikha ng gamot para sa mga kabayong sinalanta ng pagtatae.

Sa sandaling iyon, hindi lang ang mga Monteverde ang namomroblema sa naturang sakit ng mga kabayo. Sa paglipas ng mga araw, tila ba isang swine flu ang mabilisang paglaganap nito, dahilan para matamaan rin ang karamihan sa mga haciendero ng lalawigan.

"Mabuti naman kung ganoon. Ikaw na lang ang inaasahan nilang lahat. Isa pa, nabalitaan ko na malapit nang bumagsak ang hacienda Monteverde. Magandang balita iyon! Kailangan natin ang utak at galing mo, nang sa gayon tayo na naman titingalain dito sa lalawigan. Pagod na ako sa paghahari- harian ng mga Monteverde na iyon!"

Hindi maiwasang mapabuntong hininga si Ahab dahil sa tinurang iyon ni Don Inno. "Susubukan kong pag-aralan, pa. Pero hindi ko maipapangako na-"

"Galingan mo!" Hindi pwedeng maunahan ka ng sino man na makahanap ng gamot sa salot na nananalasa ngayon!" putol at pasinghal na sambit ng ama. Bagamat hindi nakikita, ngunit ramdam ng doktor ang nararamdamang pagkayamot ng ama.

"Do you understand me, Ahab?!" mabagsik at muling tanong ni Don Inno. "Ano na ba ang nangyari sa 'yo? Nasaan na ang Ahab na tinaguriang smartest doctor in the Philippines? Hindi kita pinaaral sa abroad just for nothing! Ngayon mo patunayan sa akin na talagang mahusay ka! At isa pa, kapag may makaunang makahanap ng gamot, at muling makabangon ang mga Monteverde, habang buhay nalang tayong talunan sa position at status ng pinakahigpit nating kalaban sa industriya! Hindi ako makakapayag! Ito na ang tamang pagkakataon na maungusan natin ang ating kaaway!" mahabang babala ng Don na ikinaikot naman ng mga mata ni Ahab. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang ang galit na nadarama ng ama para sa mga Monteverde. Hindi niya maunawaan kung ano ang ipinaglalaban nito gayong kung tutuusin, isa rin namang mayaman at makapangyarihan tao ang Don Inno.

Sa sandaling iyon ay nakaramdam ng sama ng loob si Ahab. Tila ba nakalimutan na ng papa niya na tao lang din siya. Hindi siya isang super hero na matugunan ang lahat ng pangangailangang medisina ng mga taong nangangailangan ng tulong niya. Ni minsan ay hindi niya maalalang kinamusta nito ang personal niyang buhay. Hindi nito naitanong kung masaya pa ba siya? Ni hindi nga lang nito pinag-alala na sa edad niyang iyon ay wala pa rin siyang asawa, bagay na kadalasang ikinababahala ng mga magulang sa kanilang mga anak.

"Don't worry, papa," ang tanging tugon ni Ahab bago hugutin ang isang malalim na pagbuntong hininga mula sa kailaliman ng kaniyang dibdib. Gagawan ko ng paraan."

"I hope so. Alam kong masama ang loob mo sa akin pero balang araw maintindihan mo rin ako. I did this for you! Lahat ng pinaghirapan ko na ito ay para sa 'yo, Ahab. I just want what's best for you! You deserve everything, son," mababang wika ng ama.

"I know, pa."

Walang kabuhay buhay na napasandal si Ahab sa backseat ng sasakyan, matapos maibaba ang tawag na iyon. Bakas ang stress sa mga mata niyang halatang kulang sa tulog.

"Are you okay?" puno ng simpatiyang tanong ni Emily na naroon nakaupo sa unahang bahagi ng saksakyan katabi ang driver na nagmamaneho ng kotse.

"Yeah!" tipid na tugon ng binata.

"You need rest, Ahab. Don't be too hard on your self. You see? Hindi ka isang machine na kailangang matugunan lahat ng mga pangangailangan ng mga tao sa paligid mo. Minsan hindi masamang magpahinga kung nakakapagod na. You have a life too. Payo lang ha, bilang isang kaibigan na may malasakit sa 'yo. Huwag mong hayaang kontrolin ka ni Don Inno. If I know, ginagamit ka lang naman niya upang mapatumba niya ang mga Monteverde! He doesn't need to do that! Ano pa bang dapat niyang patunayan? At dahil sa kagustuhan niyang iyon, he is slowly destroying you! Can't you see that?" puno ng inis na pahayag ni Emily.

KIDNAPPING THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon