M.W.R.A.Y-1

48.6K 860 305
                                    

Kyle's Pov




Maaga akong nagising dahil isang buwan na rin ang nakalipas simula nung makapagtapos ako ng pag-aaral. I'm a fresh graduate from Ateneo De Manila sa course na BSBA with Latin Honors. Kailangan ko ng maghanap ng trabaho dahil nahihirapan na rin ang pamilya ko sa pangtustos sa pang-araw-araw.






Malaking tulong ang pagtatrabaho ko sa isang coffee shop malapit sa eskwelahan para na rin sa pambayad ng tuition ko before. Scholar naman ako pero mas maigi na rin ang magtrabaho habang nag-aaral para makatulong sa parents ko na di naman ganun kalaki ang sweldo.






My mom is a housewife, while my dad is a secretary for a well-known company here in Manila. Ayoko naman mag-apply sa company na nandoon si dad at baka isipin nilang may backer ako.






At ito, I'm still refreshing my email and no one responded to my application from different companies that I applied for. At dahil walang nagre-reply, mas maganda sigurong ako na ang pumunta sa mga kumpanyang gusto ko.






"Mr. Chavez and Ms. Buenaventura, kindly follow me. And for the rest that I didn't call, you may all leave. Thank you for applying to our company!" ani ng HR sa isang company na in-applyan ko.







Pangatlo na 'tong kompanya na pinuntahan ko pero di pa rin ako nakakapasa. Pasado naman ako lagi sa initial at written interview pero ewan ko ba kung bakit ako laging ligwak sa final interview. Di sa pagmamayabang pero pakiramdam ko'y mas may sense ang mga sagot ko sa interview kumpara sa ibang nakapasa. Pero iniisip kong baka di talaga ako para dito sa kompanya na ito, dahil may nakalaang mas maganda para sa akin.






"Hello! Kyle, right? By the way, I'm Carlos. May I ask which company do you want to apply after this?" nagulat ako nung biglang magsalita ang katabi ko pagkatapos kong matulala sa pag-iisip.








"Actually, I'm going to Rossett's Holdings Corporation after my lunch, why? nagtatakang sagot ko sa lalaking kaharap ko na ngayon.







He's wearing a blue long sleeves, partnered with black pants, and Saint Laurent black shoes. Medyo singkit at maputi ang kutis nya. He looks like a bigtime based on his style and aura. Di mo aakalain na mag-aapply ito kung walang dalang resume.







"Kanina pa kasi tayo nagkakasabay at lagi tayong bumabagsak sa final interview kaya... I noticed you." sabi ni Carlos at talagang diniinan niya pa yung pagkakasabi ng "BUMABAGSAK" at parang sinampal ako ng katotohanan. I never thought that he could speak Filipino, because he looks like he's from the U.S.






"Ah, ganon ba? Actually, di kita napansin. Sa totoo lang balak ko na ngang ipagpa-bukas 'to eh, since it's 1 pm na at tirik na rin ang araw sa labas." I answered, feeling shy.








"I agree with you. I know it's getting late since kanina pa tayo palipat-lipat ng companies. Do you want to have lunch with me before going to Rossett's Corporation?" Carlos offered while caressing his nape. He looks so shy, and you might think that he's asking me to go on a date with him.







"Sure ka ba? I mean, kasi nakakahiya naman. Di naman tayo magkakilala masyado tsaka mainit sa labas. May pantry naman yata sila dito sa ground floor, doon nalang siguro ako kakain." I answered trying to avoid his dark brown eyes. I noticed that he's trying to look into my eyes and I keep on avoiding his gaze.







"Do you have a stiff neck? What's wrong? Am I making you uncomfortable?" nag-alala niyang tanong habang hawak ang balikat ko. He's much taller that me. I'm only 5'4 ft. and I guess he's around 6ft.







Can you imagine our height difference?






Sa aming magkakaibigan (ako, si Ezra, Levi at Zein) ay ako ang pinakamaliit. Levi and Zein are both 5'5 ft., while Ezra is 5'6 ft. We're all gay, but we do not wear female clothing. We're fine in male attire, so people frequently mistook us as straight guys.






"No! I'm sorry, I just think that I'm troubling you enough. Kanina pa nag-alisan yung mga kasama nating di nakapasa at tayo nalang yung nandito sa Recruitment Room," I said while looking at the HR Representative, who's now throwing death glares at us.






"Yeah, they all left us. Please have a lunch with me. Nasa parking yung car ko pero malapit lang dito. I already reserved our seat to one of my favorite restaurants, but you can decline if you don't want." He asked me again and he's now smiling brightly this time. His perfect white teeth and two sets of dimples made me agree to him.






Bakit pa ba ako tatanggi eh nakapag-reserve na pala siya ng upuan. Teka, so plano niya ba talaga akong yayain na kumain or baka meron siyang date tapos di siya sinipot?






My lips parted in shock when we reached the parking lot. I know that he's only an applicant, so I'm quite confused about how he parked his car in the executive spot.

 




He stopped beside a Lexus silver car and I instantly smiled when he opened the door of the shotgun seat for me. In fairness, he's a gentleman. 
He makes sure that I already fastened my seatbelt before he drive his car.






We stopped in front of a Fine Dining Thai Restaurant. Parang ayoko ng bunaba ng kotse niya nung makita ang kagandahan ng restaurant kung saan kami maglu-lunch. Alam kong wala akong dalang malaking pera na pambayad, kaya umisip ako ng paraan para makaalis.







Dali-dali kung tinawagan ang kaibigan kong si Ezra. Nakababa na si Carlos ng kotse at nakikipag-usap sa manager ng restaurant.






"Hello Ezra! Oo pupunta na ako dyan. San ka na ba? Ah, tawag ako ni Mommy? Sige pupunta na ako dyan." Mabilis kong sabi sa telepono nung bumaba ako ng kotse ni Carlos. Sinadya kong iparinig sa kanya ang sinabi ko bago pa kami tuluyang makapasok ng restaurant.






"Ghorl, ano bang pinagsasabi mo? Anong pupunta dito? Tsaka di ko kasama si Tita Cynthia." Nagtatakang tanong ni Ezra sa telepono.







"Oh? Talaga! Need na ako dyan ni Mommy as in now na?! Sige Ezra bye. See you later!" I dropped the call after saying goodbye to Ezra. I looked at Carlos with a sad face.







"Need mo na ba talagang umalis? Sayang naman, nabayaran ko na kasi 'tong reservation and yung food for the two of us. I don't think I can finish those foods alone." He's looking at the ground while saying those words, disappointment was evident in his face.







"Halika na nga, sayang naman yung food and let's also apply to Rossett's Holdings Corporation after this?" Di na ako nakatanggi sa alok niya.





----------

🌈💅

My World Revolves Around You (Crossing The Line Series 1) ✅Where stories live. Discover now