Kinabukasan ay sabay kami ni Mr. Rossett na pumasok ng kompanya. Pinahiram niya rin ako ng sky blue na suit at pants na pinagliitan daw niya. He looked so happy when he saw me coming out of the bathroom wearing his clothes. Nagluto rin ako ng sweet & sour dish, fried rice and fresh lemon juice na nilagay ko sa tupperware.
Kinakabahan akong pumasok ng building, dahil sa aking kanang kamay ay hawak ko ang lunch box na aking niluto habang hawak ni Mr. Rossett ang aking kabilang kamay. Wala siyang pakialam sa mga empleyadong nakatingin sa amin.
Napangiti ako nang pilit nung makita ko si Carlos na naghihintay bumaba ang elevator. Nagulat siya nang makita akong palapit habang hawak ng kanyang kapatid ang aking kamay.
"Hey bud, good morning!" Terrence greeted Carlos.
"Your face looks sunny like the sun outside, bro." Carlos's lips formed a smirk.
Nakapasok na kami ng elevator at napansin kong di na ulit sila nag-usap.
Kung hindi inamin sa 'kin ni Mr. Rossett na magkapatid sila ni Carlos ay hindi ko ito paniniwalaan. Based on what Mr. Rossett explained this morning, he and Carlos are step-brothers.Nakakalungkot isipin na isa palang anak sa labas si Mr. Terrence Axel Rossett. Anak siya ni Mr. Alexander sa isang katulong na hindi niya na nasilayan ang kanyang ina simula nung pinanganak siya. Carlos doesn't want to take over his family's business kaya hindi niya talaga gusto dito magtrabaho. Carlos graduated as a civil engineer two years ago. He's applying for a small position just to gain experience. Meron itong sariling engineering company na siya rin ang maghahandle in the future. 'Acosta' ang apelyido ni Mrs. Rossett bago ito mag-asawa at ito ang ginamit ni Carlos para hindi siya bigyan ng special treatment sa kanilang sariling kompanya.
Lumipas ang isang linggo at mas naging busy ang buong kompanya. Ang Legal, Finance at Operation Management ay nagtutulong-tulong para sa pagpa-plano kung paano namin mapapapayag si Mr. Allen Zamora na mag-invest sa aming kompanya. Gaya ng napagkasunduan ay ako na ang nagluluto ng breakfast namin ni Mr. Rossett bago ako pumasok ng kompanya. Hindi na rin nagpapaluto ng lunch si Mr. Rossett kay Chef Mildred, dahil lagi niya akong niyayang kumain sa labas. He's always taking me home every night pero di siya pumapasok sa bahay namin. I know that he's taking his time to gain courage to finally introduce himself to my family.
Huwebes ng gabi ay nagpaalam ako kila Mom, dahil kailangan naming pumunta ng Baguio ni Mr. Rossett. He said that Mr. Allen Zamora is fond of collecting rare items especially antique gems. Nakasakay ako ngayon sa shotgun seat ng kanyang sasakyan. Nagdala din ako ng maliit na bag na may lamang ilang gamit, dahil di ko alam kung ilang araw kami magtatagal.
He's wearing a white polo shirt and maong shorts. He looked so hot when he was driving. Those veins from his arms while showing his manoeuvre skills are making this trip so worthwhile.
Madaling araw na nung makarating kami sa Baguio City at nag-check in kami sa isang hotel. He booked one room for the both of us. It's a deluxe room pero isa lang ang bed. It was soundproofed and it's equipped with comforts such as Smart TV, room cleaning touch system, private hydromassage bathtub, very cosy rin ang veranda.
Ilang minuto na pala akong tulala habang pinagmamasdan ang buong room nang bigla akong yakapin ni Terrence mula sa aking likuran. He just came out fresh from the shower and he's only wearing a white bathrobe.
YOU ARE READING
My World Revolves Around You (Crossing The Line Series 1) ✅
Romance(CROSSING THE LINE SERIES 1) 23-year-old (Kyle Stanley Ateniano) has never dreamed of falling in love. He's gay and he knew that it's hard for his family and the society to accept it. But, what if Terrence Axel Rosett came into his life. A successfu...