M.W.R.A.Y-23

7.3K 303 38
                                    

I took a glance to the compilation of our sales report for the past 2 years. Yes, dalawang taon na ang nakalipas and I'm proud to say that I'm now fully healed. The first three months here in France was so hard. Sobrang di ako sanay mag-adjust mula sa weather hanggang sa pakikisama sa ibang taga-dito.





Narinig ko ang tatlong malalakas na katok sa opisina ko. Sinadya kong hindi sumagot para mas asarin kung sino ang nasa labas. Hindi na ako nagulat nung pinihit nito ang door knob at iniluwal 'non si Derreck. He's wearing a plain sweaters, Red Winter Jacket on top of it and a Black Leather shoes.






"Pourquoi tu ne m'as pas ouvert la porte," (Why you didn't open the door for me?) he asked, while combing his smooth undercut faded hair using his right hand.






"Je savais que c'était toi alors, je n'ai pas pris la peine," (I knew it's you so, I didn't bother) I rolled my eyes playfully.






"Ready ka na ba?" tanong niya habang sinisimulang tanggalin ang butones ng kanyang Winter Jacket. He's biting his lower lip while looking at me.






"Gusto mo ibato ko sa 'yo ito?!" sigaw ko sa kanya habang hawak yung folder ng sales report na kailangan naming dalhin pauwi ng Pilipinas.





Tumawa nalang siya at itinigil ang ginagawa niyang kalaswaan. For the past 2 years, Derreck started to court me. Alam din ito ng Dad niya na si Mr. Phillip Hawkins III at mukhang gusto pa ako para sa anak niya. Derreck is a nice guy. We always go on dates if we have our free time, and he respects me when I tell him that I'm still not ready to accept his feelings for me.







Bumaba kami ng office at nagulat ako nang makita ang lahat ng empleyado ng Hawkins Marketing Institution na nasa first floor, the higher managers are holding set of cakes, may poster at ang mga regular employees ay may hawak na mga lobo.








"We will miss you Mr. Hawkins and Mr. Ateniano!" iyan ang nakalagay sa malaking poster na hawak ng ilang empleyado.








I quickly went to the crowd at binigyan ng yakap ang ilan sa mga kakilala ko. For the past 2 years, they've always been good to me. They never treated me different given the fact that I'm from the other country and I cherish the moments we shared together.







I was inside of a private plain that Mr. Hawkins III owns. I smiled at the male attendant who offered me a glass of wine. I saw him licked his lower lip while looking to mine.







"It's a bit unpleasant to flirt with someone else, while I'm here." Derreck whispered at my right ear. His warm breath made me feel shivers.








Umalis na ang male attendant nang makita ang pagbulong sa akin ni Derreck. Halos buong flight yata akong kinulit ni Derreck, as always he's being so clingy and saying cheesy pickup lines na hindi naman tumatalab sa'kin.







I'm wearing a Black Long Sleeves and a flowy Chanel Beige Trench Coat, I partned it with a fitted jeans and a Chelsea Brown Boots. Derreck was holding my hand while we're walking. A lot of people inside the airport are looking at us. May mga ilan akong naririnig na nagbubulungan.






"OMG! Look at them, they're like power couple!"







"Pwede kaya tayo magpa-picture?"







"They looked so hot together! My BL heart can't take it." sabi nung isang babae sa kasama niya at umaktong nahimatay.







I opened my phone to chat with my Rainbow Squad habang nasa loob ng Ferrari Silver Italia car na sumundo sa amin ni Derreck. This must be one of his Dad's cars.







GC Name: Rainbow Squad🌈💅







Me:
I'm back, Ghorls. Missed you so much!







@ezra.g.carson:
Bakit di mo sinabi? Sana sinundo ka namin...







@zein-garcia:
Hala totoo? Magkita na us. Punta na ako d'yan sa inyo later








@levi_sullivan:
Punta rin ako mukhang may pa-foods eh. I MISSED YOU GHORL @kyle.ateniano!!!







Binaba ko na ang aking phone nung mapansing nasa tapat na kami ng bahay ko. Tinulungan ako ni Derreck na ibaba ang aking maleta papasok ng bahay. Di ako makapaniwala nang makita ko si Renz at Steven na mas tumangkad at lumaki ang mga katawan. Niyakap kaagad nila akong dalawa nung makita akong pumasok ng living room.







"Kuya, amputi mo na lalo. Kayo na ba ni Kuya Derreck?" bungad na tanong ni Steven. He's now 18 years old.







"Bakit mo naman pinamimigay si Kuya? Gusto mo sapak?!" pagbabanta ni Renz. He should be 20 years old now.








"Wag na kayo mag-away, hindi pa kami. Pero feeling ko, malapit na. Diba, cutiepie?" he asked trying to sound cute.







"Malapit ka na talagang tamaan sa 'kin. Kanina ka pa sa plane." pagbabanta ko sa kanya.






"Matagal na akong tinamaan sa 'yo." Derreck confirmed.








"Ang corny mo Kuya Derreck, kaya di ka pa rin sinasagot ni Kuya Kyle eh. Nag-grocery pala si Mom. Gusto mo ba dito mag-dinner, Kuya Derreck?" alok ni Renz.








"Hindi na siguro, sa bahay nalang ako magdi-dinner. Miss na rin ako ni Dad, eh hahahaha!" Derreck declined.








Kinagabihan ay pumunta nga ang buong Rainbow Squad sa bahay. May dala si Ezra na isang Veuve Clicquot Champagne, di na ako masyadong nagulat ng may dala si Zein na mga Stitch na lobo at isang box ng Lava Chocolate cake. While, Levi on the other hand brought nothing but, his pretty face and presence.








Tulog na sila Dad sa taas kaya dito kami sa dining room nagce-celebrate. Dito na rin daw sila matutulog dahil, gabi na at lasing na kami. Si Levi at nakakapit sa paa ng lamesa, si Zein naman ay nakatulog na sa sofa habang si Ezra ay nagki-kwento ng about sa pagmo-modelling niya. Akala ko'y matino pa siya pero I was disappointed nung mapansin kong paulit-ulit yung kwento niya.








"Miss ko na siya," wala sa katinuang sabi ni Ezra.








"Ako din..." I agree with what he said.








"I-text mo nga siya, sabihin mo kung gaano ko na siya ka-miss." utos sa akin ni Ezra.








Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at tinext ko siya. I pressed send nung biglang sumigaw si Ezra.







"Ghorl, bakit mo siya tinext gamit yung phone mo? May number ka ba niya?!" nag-aalalang tanong ni Ezra.







"Wait, sino ba iyong sinasabi mo i-text ko?" tanong ko sa kanya while trying to focus at his face because my vision starting to fade from being drunk.







"Syempre yung bebe ko, wag mo sabihing..." hindi ko na narinig ang mga sinabi ni Ezra at tumingin sa phone ko.







Tumigil ang mundo ko nung makita ko ang sinend kong text kay Terrence.







"Babe, I misd yoyu so muchddd!" iyan ang message na nasend ko sa kanya at mabilis ko ring binura.










---------

🌈💅

My World Revolves Around You (Crossing The Line Series 1) ✅Where stories live. Discover now