M.W.R.A.Y-22

7.3K 299 35
                                    

Humahagulgol ako habang naglalakad sa hallway ng hotel. Wala na akong pakialam sa mga staffs and guests na nakatingin sa'kin. I probably looked pitiful since they're all looking at me worriedly. Pagpasok ko sa loob ng elevator ay pinindot ko ang 1st Floor button at sumandal sa mirrored handrails. Nakatingala ako habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa aking pisngi.




Nang makalabas ako ng hotel ay nagulat ako nang makita ko si Derreck na mukhang may hinihintay habang nakasandal sa isang yellow cab. He's wearing a Short Sleeve Henley shirt, Chino pants and a low-top White Sneakers. He smiled when he saw me going at him.




"Mr. Ateniano, long time no see! I missed you!" he exclaimed before he gave me a hug.





He's hugging me tightly na parang ayaw niya na akong pakawalan. Mariin ko siyang tinutulak palayo pero masyado siyang malaki at hindi man lang natitinag. Nakapatong ang kanyang leeg sa aking balikat at bahagyang nakayuko para magpantay ang aming katawan.




"Derreck, h-hindi na ako makahinga..." I told him while trying to push him away.




"Sshhhhh... just stay, you're about to see something amusing," he kissed my temple after saying those words.





Isang malakas na suntok ang nagpahiwalay sa kanya mula sa pagkakayakap sa akin. Nakita ko si Derreck na tumilapon sa harap ko habang hawak ang kanyang panga. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Terrence sa likod ko. His frowned face makes me remember how he looked before. Lumapit siya sa akin pero umurong ako palayo.





"Terrence, how could you punch someone's face who didn't do anything wrong with you?!" I asked at him in disbelief.





"Babe, of course I would do that. He just fucking kissed you!" he bellowed while pointing at Derreck.





"I know what he did is wrong but, we're done Terrence. Better tell your step-mom about the good news." I said full of sarcasm.





Tinalikuran ko na siya at inalalayan si Derreck patayo. Kinuha ni Derreck ang aking maleta at nilagay iyon sa passenger seat. Sumakay nalang din ako doon at hindi ko na sinulyapan pang muli si Terrence. Derreck sat beside me and the driver started to drive his cab.





"Your dad asked me to take you home. I already booked our flight and we're going to the airport now." he whispered.





"Huh? P-Paano mo nalaman na gusto ko ng umuwi? Tsaka, nasaan ang gamit mo?" I keep on looking everywhere inside the cab pero wala akong makitang kahit anong gamit niya.





"Wag mo ng hanapin, dahil wala akong dalang gamit. Ikaw lang talaga ang pinuntahan ko dito sa Palawan," he confessed.






Hindi maganda ang kutob ko sa mga nangyayari, but I was glad that he's here with me during my lowest point. Mabilis naming narating ang airport and he carried my bag. Nakasunod lang ako sa likod niya habang patuloy na naglalakad. Sobrang dami kong iniisip at gusto ko nalang magpahinga.





It's a 2-hour flight again from Puerto Princesa, Palawan to Makati, I just forced myself to sleep most of the time. Nasa first-class business seat kami ni Derreck nakaupo and we're being fully served by nice flight attendants ng eroplano. Napapansin ko ang mga flight attendants na kanina pa tingin nang tingin kay Derreck, pero di niya ito pinapansin. I felt that he really cares for me. He's always asking me if I need anything and he's also showing off his flirty jokes at me. I know he's doing that to entertain me.





Gabi na nang makauwi ako ng bahay. I can see that they're all waiting for me to say something about that trip pero ang tungkol sa pagpayag lang ni Mr. Zamora na mag-invest ang nasabi ko. Pagkatapos naming kumain ay nauna ng natulog sina Renz at Steven. Naiwan ako sa living room kasama si Mom and Dad.





"Anak, you can share to us what happened. Alam mo namang nandito lang kami ng dad mo for you..." my mom tapped my shoulders and her kind words made me cry so hard. Niyakap ko siya at umiyak sa kanyang balikat.






"Nasaan nakatira ang gagong 'yon?!" tumayo si Dad at hinarap ako sa kanya para punasan ang aking mga luha. Nakakatuwang isipin na hindi ko pa naman sinasabi kung ano ang dahilan ng aking pag-iyak pero alam niya na ito.





"Dad, we broke up. Ayoko ng bumalik sa kanya." I said between my soul-deep sobs.





"Me and your mom will help you heal. I may not be the best, dad but I'll do my best to get you out from that bastard!" my dad promised.






Dad made me apply at Hawkins Marketing Institution kung saan siya nagtatrabaho pero sa France na branch ako na-assign. Nais ni Mr. Phillip Hawkins III na doon din ma-assign si Derreck at ako ang inatasan niyang maging secretary nito. Hindi na ako umalma dahil, gusto ko na rin munang lumayo. The contract stated that me and Derreck will only stay there for 2 years.





Nakipagkita rin ako sa buong Rainbow Squad to let them know about my decision. They just accept it kahit alam kong ayaw nila akong paalisin, because of what happened between me and Terrence. We made each day memorable before I leave the country at halos mapuno ang gallery ko sa dami ng pictures and videos of us going to different trips.





Madaling araw ang flight namin ni Derreck, wala pa akong tulog dahil dito sa bahay nag-sleep over ang buong Rainbow Squad. Habang papalapit ang oras ng aming flight ay ramdam ko na agad ang homesick. Parang ayoko na silang iwan pero, kailangan.





I think I need to find myself again. Mahirap palang iwan ang taong sobrang magmahal, dahil pakiramdam ko ay ubos na ako pagkatapos niya akong lokohin.






Derreck came at exactly 3:00 am. He's the one who carried my luggage from my bedroom. I bid my farewell to my family and friends and assured them that I will call them if I have my free time. The entire house was filled with sobs and goodbye messages.





I will miss them so much.



----------

🌈💅

My World Revolves Around You (Crossing The Line Series 1) ✅Where stories live. Discover now