M.W.R.A.Y-27

7.9K 309 43
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-prepare. Sinabi ko na din kay Dad na babalik ako ng Rossett's Holdings Corporation pero, di ko sinabi sa kanya ang tungkol sa breach of contract agreement dahil baka sugudin niya si Terrence.





Mag-aalas-10 na ng umaga at nandito pa din ako sa labas ng kompanya nila Terrence. Parang gusto kong wag nalang tumuloy pero, nandito na ako. Nakita naman ako ni Mang Lucas na security guard at dati ng nagta-trabaho dito kaya kilala niya na ako.






"Mr. Ateniano, pasok po kayo. Anlaki po nang pinagbago niyo. Mas pumuti po kayo!" pambobola sa akin ni Mang Lucas.






"Naku, Mang Lucas wag niyo na akong bolahin. Nasa loob na ba si Terre-Mr. Rossett?" nabubulol kong tanong.






"Oo, sir. Ang totoo nga po niyan ay madalang nalang umuwi si Mr. Rossett dahil laging bugbog sa trabaho. Hindi na rin kasi siya kumuha ng sekretarya simula nung umalis kayo," pag-amin ni Mang Lucas.







Parang tinusok ang puso ko ng marinig iyon. Pero kung wala siyang pinalit sa aking sekretarya ay sino yung babaeng higad-







"Kyle? Ikaw na ba 'yan?" isang matinis na boses ang narinig ko sa aking likod.







Napalingon ako at nakita ko ang babaeng akala ko ay secretary ni Terrence kahapon. Nakasuot na siya ngayon ng Floral Off Shoulder Dress at 3 inches Leather Sandals. Tinaasan ko siya ng kilay.






"Do I know you?" I asked in a monotone.






"Ako 'to, yung nasa office ni Kuya Terrence!" sigaw niya sa 'kin na para bang hindi makapaniwala na hindi ko siya naalala.








"I'm sorry, I forgot." My apology is sincere, pero it's not true na di ko siya naalala.







"That's fine. Halika na, kanina ka pa hinihintay ni Kuya. By the way, I'm Lorriane. Kapatid ako ni Kuya Terrence hihi!" pagpapakilala niya.







Patawarin sana ako sa lahat ng naisip ko kanina. Hindi ko naman alam na kapatid pala siya ni Terrence, pero paano nangyaring may kapatid siya? Dalawa lang naman sila ni Carlos na anak ng tatay ni Terrence...







Patuloy na akong nahila ni Lorriane papasok ng Rossett's Building. Naririndi na ako sa tinis ng boses niya pero pinilit kong ngumiti habang nagki-kwento siya nang kung ano-ano. Nakarating na kami sa 50th Floor at pumasok sa loob ng office ni Terrence.






"Kuya, may surprise ako sa 'yo!" bungad ni Lorriane pagpasok namin sa office ni Terrence.







Nakita ko si Terrence na nasa harap ng kanyang lamesa habang nagta-type sa laptop niya. His Red Long Sleeves are rolled up to his elbow, and he's wearing his Reading Glasses. I noticed that he shaved his stubble. He's now looking so neat and fresh.






Kaagad siyang napangiti nang makita ako sa likod ni Lorriane. Mabilis siyang tumayo sa kanyang upuan at halos madapa para tumakbo sa direksyon ko. I was shocked when he gave me tight hug. Hindi ko naman iyon pinigilan. Parang iiyak na ako nung maamoy ko ang Jo Malone Woody scent perfume niya. His hugs are still my comfort zone.






Bumitiw siya sa pagkakayap sa akin at tiningnan ang aking mga mata. I missed seeing his face close like this. He's still charming ever since the day I first saw him. He smiled again when he noticed that I'm now trying to avoid his gaze.







"Totoo ba 'to? I know that you will come back to me, di ko lang inaasahan na ngayon agad," di makapaniwala niyang tanong.






"Uwi na tayo Kyle! Parang ayaw ka yata ni Kuyang makita," Lorriane replied for me.







"Shut up, Lorriane Joyce Mercado! Umuwi ka na nga!" awat ni Terrence kay Lorriane.







"Oo na uuwi na. Call me Kyle 'pag hindi ka payagan ni Kuyang umuwi mamaya," Lorriane gave me a calling card before leaving us.







            Lorriane Joyce Mercado
                    Neurosurgeon
                      09989012**






Pagkalabas ni Lorriane ay sinabi niya sa akin na natagpuan niya na ang tunay niyang ina. She's in La Union at si Lorriane naman ay anak ng kanyang ina sa asawa nito. I'm happy that he's now telling me something about his family dahil hindi naman siya masyadong nagki-kwento noon.







Naging mahirap sa akin ang first week ko dito sa Rossett's Corporation, dahil mas nasanay akong mag-handle ng workload sa Hawkins Institution. Kung tutuusin ay halos 1 month lang ang tinagal ko dito sa Rossett's Corp, di kagaya sa Hawkins Institution na tumagal ako ng 2 years.







Bumalik ang dating paghahatid sa akin ni Terrence pauwi pero napansin kong lumayo ang loob niya sa akin. Hindi na siya nakikipag-usap sa akin maliban sa work related topics. Mas pabor naman sa akin 'yon, dahil naiilang din akong makipag-usap sa kanya.







Malakas ang ulan sa labas at nakahiga ako ngayon sa kama ko. I'm doing some research about our future investors on my laptop. I'm already done with my night skincare routine at naka-pajamas na rin ako nang biglang tumunog ang notification ng phone ko. I opened it and saw a text from Terrence.







"Babe, I also missed you. Could you come to me this time? I badly need you."






Kumaripas ako nang takbo papuntang closet at kumuha ng isang hoodie jacket. Mabilis ko iyong sinuot at dahan-dahang pumasok sa bedroom nila Mom para kunin ang susi ng kotse ni Dad. I locked our house outside at nagsimula ng mag-drive.






After 15 minutes, narating ko na ang two-storey house na pagmamay-ari ni Terrence. Tumakbo ako palapit sa pintuan ng bahay niya at di alintana ang malakas na buhos ng ulan. I was about to knock on his door when he open it for me. Tiningnan niya ang suot ko at parang di makapaniwala na nasa harapan niya na ako ngayon.







Pinapasok niya ako sa loob ng bahay niya. Walang ilaw ang buong paligid pero amoy ko ang alak sa direksyon ni Terrence. Nanginginig na ako sa lamig dahil basa ako ng ulan.






"Terrence, anong kailangan mo sak-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan.







"Fuck, I missed you babe!" he growled between his kisses.







----------

🌈💅

My World Revolves Around You (Crossing The Line Series 1) ✅Where stories live. Discover now