M.W.R.A.Y-6

12.9K 537 68
                                    

He was wearing a navy blue t-shirt, fitted jeans, and Versace Trigreca Sneakers when he got out of his car.
Nakangiti agad itong lumapit sa akin at bigla akong niyakap. He smells like Dior lemon scent nung dumikit sa ilong ko yung balikat niya. Mas matangkad siya sa 'kin kaya medyo yumuko siya. Kaagad naman akong umalis sa pagkakayakap niya dahil sa pagka-ilang.





"What are you doing here in Laguna? Gusto mo sabay ka na sa akin?" Carlos offered.






"Well, I'm going to one of the resorts here in Laguna and I'm with my friends." I said this while pointing to Ezra's car.






Napahawak siya sa kanyang batok nung tumanggi na naman ako sa alok niya. Everytime kasi na nagkikita kami pag uwian ay lagi niya akong inaalok na sumakay sa kotse niya para ihatid ako. Maya-maya pa ay lumabas ng kotse si Levi at nagulat nung makita akong may kausap na isang lalaki.





"OMG! Nandito na pala yung magsusundo satin Ezra. Bumaba ka na dyan!" Masayang sabi ni Levi nung makita si Carlos.





Binulungan ko si Levi na hindi si Carlos ang tinawagan ni Ezra para sunduin kami. Nakakahiya at napagkamalan pa niya itong isa sa mga staffs mula sa Modelling Agency na pinagta-trabahuhan ni Ezra.




"Nasiraan pala kayo ng sasakyan? Kung gusto niyo, ihatid ko nalang kayo sa pupuntahan niyo since dito rin pala sa Laguna yung resort kung saan kayo magce-celebrate." Carlos offered with a smile.





"Carlos, nakakahiya naman, tsaka malapit na ding dumating yung susundo samin." I attempted to decline his offer.






I can see the disappointed look on his face again. Ganyan din yung expression ng mukha niya nung tumanggi akong sumama sa kanyang mag-lunch nung una kaming magkita.
Siguro'y naging curious si Ezra kung bakit antagal ng sundo namin kaya bumaba na rin siya ng kotse. He's now wearing a face mask and a cap to cover his face. Nakatingin si Ezra kay Carlos at alam kong galit ito dahil magkasalubong ang kanyang kilay.






"Sir, you heard my friend declined your offer, so go ahead and drive your car and leave us alone. " Ezra said, in a cold tone.






"Ghorl, okay ka lang. Bakit ang moody mo? May buwanang dalaw ka ba? Nagma-magandang loob na nga yung tao." Levi caressed the back of Ezra, hoping it could calm him down.






"I know. Pero syempre may karapatan din naman tayong tumanggi at dapat lang na respetuhin niya yon!" Pagtataray ni Ezra.





Sa aming apat na magkakaibigan, si Ezra ang pinaka-mature. Mas matanda itong mag-isip sa amin. Ezra and I are on the same age. Mabait naman si Ezra at siya yung klase ng kaibigan na pupuntahan ka kapag may problema. Very O.A 'yan kapag nag-aalala siya sa 'min. Hindi ko lang alam kung bakit sobrang init ng ulo niya kay Carlos, dahil di naman siya ganyan sa ibang tao. Mabait siya kahit sa mga taong di niya kilala.





Maya-maya pa ay tinawagan ako ni Zein at sinabing wala daw available van na magsusundo sa amin at yung P.A ni Ezra ay hindi din makakapunta. Malugod kaming hinintay ni Carlos hanggang matapos ang tawag. Napakamot nalang ng ulo si Ezra dahil wala na kaming magagawa kundi ang sumabay kay Carlos.





Nasa shotgun seat ako habang sina Ezra at Levi ay nasa passenger seat. Naki-connect pa si Levi sa kotse ni Carlos at nagpatugtog ng music.





Now playing: Feeling Myself by Nicki Minaj




~Cookin' up that base (Base), lookin' like a kilo (Kilo)





~He just wanna taste (Taste), biggin' up my ego (Ego)





~(Ridin' through Texas...) Ridin'-ridin' through Texas





"Pwede ba palitan niyo nalang yang song? Or wag nalang mag-ingay Levi?!" sigaw ni Ezra na nagpatahimik sa aming lahat.





"May naalala ka ba sa song, Ghorl?" Nang-aasar na tanong ni Levi kay Ezra.






"Wala!" Mariing pagtanggi ni Ezra habang nakatingin kay Carlos na abala sa pagmamaneho.





Parents ni Zein ang may ari ng resort kaya pina-close muna ito nung malamang magce-celebrate kami ng dalawang araw. Tinulungan kami ni Carlos na ibaba ang mga gamit namin galing sa compartment ng kotse niya. Si Ezra na ang kumuha ng kanya at tumangging magpatulong kay Carlos.





Twenty minutes had passed when we reached the Garcia Private Resort.
Pinapasok naman kami kaagad ng guard dahil kilala na kaming kaibigan ng anak ng may-ari. Akala ko ay uuwi na si Carlos matapos kaming tulungan na maipasok ang aming mga gamit, pero lumapit pa siya sa customer service desk at may inabot na invitation.





"Yes, sir. Magsisimula po yung party ng 1 pm. Doon po kayo sa exclusive pool sa may left side." Sabi ng babae sa front desk at tinuro ang kaliwang pool na madaming tao at mukhang may party dahil sa ingay.





Bumalik sa amin si Carlos at sinabing dito din daw sa Resort nila Zein ang sadya niya. May kaibigan daw siya na may birthday and dito naisipang mag-celebrate. Nagulat kami sa sinabi niya dahil ipinangako sa amin ni Zein na sa aming magkakaibigan lang naka-reserve ang buong resort for 2 days.




Maya-maya pa ay biglang lumabas si Zein at may dalang salbabida. Handa na itong mag-swimming dahil nakasuot siya ng Board Shorts and Pink na rash guard. Kaagad siyang ngumiti nang makita kami at isa-isa kaming niyakap. Nanlaki ang mata niya nung makita si Carlos, marahil ay di niya ito kilala.




"Ghorls, pasensya na ah? Mukhang di natin maso-solo yung buong resort. Yung left pool kasi ay nakareserve na since last month at malaki yung binayad sa 'min for birthday celebration. Yung right pool naman exclusive para sa ating apat. Okay lang ba?" Nahihiyang tanong ni Zein.





"Okay lang Zein, no need to be sad tsaka birthday naman pala yung celebration sa kabilang pool. Let's just give it to them since once a year lang naman ang birthday." I assured Zein, trying to calm him down.




"Thank you for being understanding. Halina kayo at ihahatid ko kayo sa room natin!" Zein squealed.





Nagpaalam na kami kay Carlos maliban kay Ezra na hanggang ngayon ay galit pa rin. Nang makapasok kami sa Executive Suite ay kaagad akong namangha sa interior design ng room. Malaki ito at may apat na kwarto. May kitchen din na kompleto sa mga gamit. Puno rin ang refrigerator ng iba't-ibang sangkap sa pagluluto.




Pumasok kami sa kanya-kanya naming bedrooms para mag-ayos ng gamit. Nilagay ko sa closet ang ilan kong damit habang sa bed-side table naman ang aking skincare products.





Nang matapos akong mag-ayos ay nagbihis na rin ako ng susuotin ko sa pag-swimming. I'm wearing a black rash guard with a touch of gray at the center. Ang iksi ng shorts na suot ko kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang kahit kami lang namang apat ang nasa right pool.






I opened the window from the bedroom to check on the party outside. Nakita ko ang ilang mga tao sa left pool. May mga babaeng naka-bikini at mga lalaking naka-board shorts and topless. Nahagip ng aking mata si Carlos na may kausap na babae, she's wearing a 2-piece violet bikini na may cross sa bandang dibdib. I guess she's the birthday celebrant, dahil madaming bumabati sa kanya.





Hindi ko na siya masyadong pinagmasdan at nagawi ang tingin ko sa may pool. Napangiwi ako nung makita ang pamilyar na lalaki na umahon sa tubig. He had nothing on top, and his perfectly toned chest and biceps caught my attention. He removed the black goggles from his eyes and looked in my direction. I saw how he bit his lower lip and gave me a wink. I hurriedly closed the window when he met my eyes.

 





I couldn't believe that my boss is also here. Akala ko makakapagpahinga na ako, pero mukhang malabo iyong mangyari.





----------

🌈💅

My World Revolves Around You (Crossing The Line Series 1) ✅Where stories live. Discover now