M.W.R.A.Y-7

12.8K 522 117
                                    

Wala na ako sa aking katinuan nung marinig kong may kumakatok sa pintuan ng bedroom.






"Ghorl, puti na ang mata namin dito. Antagal mo dyan!" That's Levi for sure. Ang ingay eh.






"Hala Levi! Patingin ako ng puting mata?" Walang duda na si Zein iyon.







"Sorry guys. Let's go?" Pagyaya ko sa kanila pagkabukas ko ng pinto.







Sumunod kami kay Zein. Naka-rash guard din si Ezra na blue and hindi na siya naka-face mask. Nagsuot nalang siya ng shades while Levi is wearing a fitted long sleeves swimwear and cycling shorts. Nang makalabas kami ay dumiretso na kami sa right pool. Isa lang yung oval pool at blue ang tiles sa ilalim. May mga rubber ducks na nakalutang at mga salbabida. Handa na rin ang mga barbeque na iihawin mamaya.








May ilang nakakilala kay Ezra kahit na naka-shades ito at nagpa-picture sa kanya. Si Zein naman ay nakikipag-bulungan sa Manager ng resort habang si Levi naman ay may kausap ng lalaki na nakasuot ng white boxer shorts sa gilid. Mukhang nagkaka-mabutihan na sila nung biglang hawakan ng lalaki ang bandang puwetan ni Levi.







"Not so fast baby, hmmm..." Levi flirtily whispered.








"Sorry, my love. Your nice ass is inviting me." aniya ng lalaki habang kagat ang kanyang ibabang labi.








Nag-iwas nalang ako ng tingin. Tumahak ako sa gitnang stall para umorder ng kape nang may biglang humawak sa bewang ko mula sa likod. Tiim bagang akong napatingin sa kanya. He's wearing black cycling shorts kaya kapit na kapit iyon sa harapan niya. He's not wearing anything on top aside from his bullet necklace. He had a high-fade haircut, and his hair color was chestnut brown. His hair color suits his moreno skin type.







"Do you want an Americano? Espresso? Latte? Or tea? I can give you my tea if you'd like." He asked in his husky voice.








"Sorry, I don't talk to strangers." Malamig kong sagot sa kanya at tumalikod.








I was about to order a coffee pero napilitan akong umorder ng iced tea para malamigan. He's hot pero isa ring walking red flag just like a certain someone na ayoko ng sabihin kung sino. The lady who served my drink said that the guy earlier already paid my drink.








Bumalik nalang ako sa cottage namin. Wala na si Levi at mukhang alam ko ng sumakabilang langit na ito ngayon. Si Ezra naman ay mukhang tapos ng kumandidato sa daming nagpa-picture. Nagulat ako nang dumating si Zein at may bitbit na cake at may mini-picture ko ito sa itaas. It's a mocha cake which is my favorite at parang gusto ko ng kainin ng lupa nang makita ko ang manager ng resort kasama ang ilang guards na may hawak na tarpaulin at may nakasulat na...








"HAPPY 1ST WEEK OF EMPLOYMENT KYLE ATENIANO 'OUR BB. MAKAHIYA' FROM RAINBOW SQUAD!"🌈💅








Jusko! At may tugtog pa sa background na...







~Kunin at tanggapin ang alay na ito








Para kaming nasa misa sa simbahan kaya napatingin ang mga tao sa gawi namin. Ang iba ay nagtatawanan habang yung ibang matatanda ay nag-sign of cross pa. Alam kong si Levi ang isa sa may kagagawan nito at napag-utusan lang si Zein.








Hapon na nung magsimula na kaming mag-swimming. Magkatabi kami ni Ezra na nakasandal sa gilid ng pool habang si Zein ay naka-salbabida at nakikipag-usap sa mga rubber duckies niya. Wala namang sakit sa pag-iisip si Zein, sadyang slow lang siya minsan at sobrang inosente.
Ilang oras ang nakalipas nung natanaw ko si Levi na mukhang bagong gising. Wala na yung lalaking kasama niya kanina nung pumunta siya sa gawi namin.








"Ghorl, saan ka ba galing? Nangingitim na kami dito at bilad sa araw tapos wala ka!" Ezra crossed his arms over his chest.







"Sorry, nakatulog ako." Levi stretched his arms.








"Ikaw ba naman mag-yoga ng dalawang beses sa isang araw, mapapagod ka talaga." Sabat ko na ikinatuwa namin ni Ezra habang si Levi naman ay nasamid pa.








Naligo na rin si Levi sa pool. Pilit niyang kinekwento yung ginawa nilang dalawa nung lalaking kasama niya kanina, pero ayoko namang makinig. I'm so innocent to hear those things. Hinayaan ko na silang mag-usap ni Ezra at pinuntahan si Zein na abala sa pag-langoy.








Alas-8 na ng gabi at malakas na ang party songs ang maririnig sa kabilang pool. Mukhang nagsisimula na silang mag-inuman at may mga ilan ng lasing na kumakanta sa videoke.
Napag-desiyunan na rin naming apat na uminom at naluto na rin ang barbeques dahil sa tulong ng ilang staffs sa resort nila Zein.








Nasa table namin ang barbeques, mga sliced fruits, Alfonso I, Blended Scotch Whiskey at Rossi Moscato Red Wine. Hindi ako pala-inom kaya mababa ang alcohol tolerance ko. Nagsimulang tumungga si Levi habang si Ezra naman ay patikim-tikim lang. Si Zein ay binabantayan ng mga staff dahil hindi naman ito umiinom ng alak kagaya ko.







Nasa kalagitnaan kami ng inuman nang matanaw ko si Carlos na papunta sa direksyon namin. He's now wearing a white sando, floral blue shorts and a pair Dior's black slippers. Nang makalapit siya sa table ay niyakap niya agad ako. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Levi at Zein habang si Ezra ay umiwas ng tingin.








"Do you guys mind if I join your table?" Paalam niya sa amin habang nakatingin kay Ezra.








"Sure! Why not? Basta ba mag-aambag ka ng $5,000." Asar ni Levi habang nakatingin kay Ezra.








"Para kang timang, Levi!" Sigaw ni Ezra at lumakad palayo ng table namin.








"Sorry, I noticed your friend doesn't like me since earlier." Worry was evident in Carlos's eyes.







Napansin din pala niyang galit sa kanya si Ezra. Nakakahiya naman na siya na nga itong nag-offer na ihatid kami, pero ayaw talaga siyang kasama ng kaibigan ko.








"Naku, kuya. Mas better siguro kung susundan mo si Ezra. Mabait 'yon pramis. Para bati na kayo."  Zein suggested while looking at Carlos.








Pagkatapos marinig ni Carlos ang sinabi ni Zein at dali-dali itong tumayo at sinundan si Ezra. Nagpatuloy kaming tatlo sa pag-inom nang makaramdam ako ng pagkahilo. Ang daya kasi ni Zein, dahil sa mga staff niya pinapainom yung mga shots na para sa kanya. Ano bang laban ko kay Levi sa inuman?








Nagpaalam muna ako sa kanilang dalawa at sinabing pupunta ako sa restroom. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Malabo na ang aking paningin at parang akong dinadala sa ulap. Nasusuka na ako at di ko alam saan ko ito ilalabas. Pagewang-gewang ako at umiikot ang aking paningin. Nagulat ako nang may humawak sa bewang ko dahilan para humarap ako sa kanya at masukahan ko ang suot niyang damit.







"Shit! What have you done?!" Iyan ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.






---------

🌈💅

My World Revolves Around You (Crossing The Line Series 1) ✅Where stories live. Discover now