Clint's POV
Simula nong araw na nagka bungguan kami sa hallway ay naging malapit na nga kami ni chloe sa isa't-isa, at habang lumilipas yung mga araw ay parang nararamdaman ko sa puso ko na nagkakaroon na ako ng kakaibang pakiramdam para sa kanya, isang pakiramdam na di ko maipaliwanag sa tuwing nakikita ko sya, isang pakiramdam na di ko mawari kung ano ba talaga.
Masaya ako pag kasama ko sya, yun bang parang wala na akong makitang ibang tao sa paligid ko pag sya ang kasama ko, yun bang pag di ko sya kasama ay nalulungkot ako. Haaay ! naiinlove na kaya ako kay chloe? Huli kong naramdaman to kay...
Biglang naputol yung pag mumuni-muni ko ng binatukan ako ni kate. "aray, ano ba kate, bakit kaba nambabatok dyan?" sabi ko sa kanya ng may pagka irita. "eh pano ba kase kanina pa kita tinatawag at kinakausap pero di mo ko naririnig, ano ba kase yang iniisip mo?
Alam mo kase sa sobrang lalim nalulunod na ako" tugon naman sakin ni kate.Sabe ko na lang sa kanya "wala yun, may naalala lang ako. ah, ano ba yung sasabihin mo?" "wala naman, balita ko nag date daw kayo ni chloe kahapon ah ? yiiieeeh?" may panunudyong sabe ni kate sakin, "ahh? yun ba ? wala yun, nag aaya kaseng gumala at magpalibre sakin, eh wala naman daw kayo kaya ako yung niyaya, ubos nga budget ko sa kanya eh? hahaha .."tugon ko naman sa sinabe nya.
"pero alam mo clint, ngayon ko lang sya nakitang maging masaya ulit simula nong nag break sila ni Nathan, nong nakipaghiwalay kase yung nathan na yun kay chloe nakita namin ni joyce kung paano sya nasaktan ng sobra, mabuti nga nong panahon na yun summer vacation eh?" mahabang litanya sakin ni kate, sa curiousity ko, bigla kong natanong "bakit ba sila naghiwalay? bakit nakipag hiwalay sa kanya yung nathan?"
Nagulat ako sa sinagot nya "bumalik kase yung ex nun eh? nakipag balikan kay Nathan kaya nya iniwan si chloe dahil dun, mahal pa daw kase nya yung ex nya, tapos sasabihin nya na minahal nya si chloe? pakshit sya." "grabe naman pala yung Nathan na yun nu? mahal nya pa pala eh? tapos naghanap agad ng iba, naghanap lang pala sya ng panakip-butas nya, taena nya talaga" sabe ko kay kate ng nanggigigil sa galit. "alam mo wag mo ng pag aksayahan ng panahon yun, wala na yun naka move on na si chloe sa kanya . kaya ikaw tara na at final exam na natin." sabe sakin ni kate at tumayo na kami para pumunta ng room.
after 1234567890 years natapos din kami sa exam namin. "nakaka drain ng utak yung exam nu?" sabe sakin ni chloe, kasama ko nga pala sila ni kate, joyce at chloe ngayon nakaupo dito sa damuhan sa gilid ng gym, "ayy sinabe mo pa girl, sumasakit na nga ulo ko dahil sa lintik na exam na yun eh ? tapos may exam pa ulit mamya, haaaay.. kakainis" sabi naman ni joyce na halatang iritado sa exam kanina.
habang nag uusap-usap silang tatlo ay di ko maiwasan ang hindi mapatingin kay chloe, ang ganda nya talaga, ang tanga ng Nathan na yun para pakawalan ang isang kagaya ni chloe na ubod ng bait, at maalalahanin. kung ako ang nasa posisyon nya ay di ko ipagpapalit sa kahit na sino si chloe. . aalagaan ko sya at mamahalin ng tunay. . "pero hindi naman ikaw sya di ba?" sabi ng isang bahagi ng utak ko. napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko. mahal ko na nga yata si chloe, it's been a year din bago ko sya nakalimutan. . sa pagkaalala ko sa kanya biglang bumalik nanumbalik sakin ang nakaraan...
---FLASHBACK---
Nag aaral ako sa isang sikat na unibersidad sa syudad ng bacolod, isa akong hrm student.
Doon ko nakilala si Angela Cortez, nagustuhan ko sya dahil sya ay isang typical na dalagang pilipina, yun bang mala maria clara, mahinhin sya at talagang maganda sya kahit hindi sya naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha, naging magkaibigan kaming dalawa, inaamin ko na pag nandyan sya natyotyope ako. .
gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko sya, pero natatakot ako sa magiging reaksyon nya kung sakali, natatakot ako na baka pag nagtapat ako sa kanya ay lalayuan nya na ako . oo inaamin ko na torpe ako.
Nakuntento na ako sa pagiging isang kaibigan nya lang. hanggang sa isang araw ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magtapat sa kanya ay doon ko naman nalaman na may boyfriend na pala sya. .ang sakit sobra, kase kung kelan pa yung time na magtatapat na ako ay may boyfriend na pala sya, kaya naisipan kong kausapin yung dad ko na sa Manila na ako magpapatuloy ng aking pag aaral.
---END OF FLASHBACK---
natigil ang pagbabalik tanaw ko ng batukan ako ni kate . . "ano ba naman yan kate, namumuro kana kakabatok sakin ah?" iritadong sabi ko sa kanya . sabi nya lang sakin "pano ba naman kase lumilipad na naman yang utak mo. di na nga namin maabot kung saan yan eh? nakaabot naba sa langit yang pag iisip mo?" "oo nga naman clint, kanina kapa kaya namin kinakausap pero parang wala ka sa sarili mo" dugtong naman ni joyce sa sinabi ni kate. nasabi ko na lang "wala may naalala lang ako, bakit ano ba yung sinasabe nyo?" si chloe ang sumagot sa tanong ko "sabi namin aalis na tayo kase malelate na tayo sa next exam natin. kaya gora na tayo sa room" "ahh, ganon ba? sige tara na" sabi ko nlng sa kanila at nauna na akong tumayo.
-----------
A/N : yiiieeeh ? bumabawi ako kaya sunod sunod yung pag uupdate ko :-D sana po magustuhan nyo :-) sorry for the typos and errors sa cp lang kase gamit ko eh ? hope you like it guys ^___^
BINABASA MO ANG
MS. BROKENHEARTED MEETS MR. TORPE ***ON-HOLD***
JugendliteraturChloe Martinez doesn't believe in love anymore, she was cheated on by her ex-boyfriend. Masyado siyang nagmahal sa isang lalaki na dito na umikot ang mundo niya. She put him on a pedestal. Masyado siyang nagtiwala na hindi siya nito sasaktan at iiwa...