dedicated to sa kanya as a sign of thanking her sa pag gawa ng cover ko ^__^ thanks a lot !! this is how i appreciate your work ..
---Chloe’s POV---
Acceptance
It’s been almost five months na din pala since we broke up. Now, I already accepted the fact that he would never come back again, na talagang wala na. Although, may kunting kirot pa din pero hindi na ganun kasakit tulad nong dati at ngayon napatawad ko na sya but if he wish to come back?
Psh!! Ayoko na nu? Masakit ang masaktan. Atsaka isa pa nauntog na ko sa katotohanan na talagang wala na talaga. Na kahit magkaawa ako sa kanya talagang hindi na sya babalik pa. haizt! Ang drama ko nu? Hahaha, ganyan talaga siguro pag broken hearted. Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko. Pero ayun nga, as I’ve said, I’m done with being obsessed with him.
“Hoy! Bakit ka nakatulala dyan? Bungad sakin ni Kate, “ah! Wala, wala may iniisip lang ako” atsaka ngumiti na ako sa kanya. “ano iniisip mo? Or I must rather say, sino iniisip mo? Yung walanghiya mong ex?” nanggigigil sya habang sinasabi nya yan sakin.
Natawa na lang ako, habang sinasabi ko na "Natutuwa lang ako na ayun, na natanggap ko na sa sarili ko na hanggang dun na lang talaga kami, na talagang wala na, na talagang hindi kami para sa isa’t-isa pero kahit ganun nagpapasalamat pa din ako sa kanya kase kung di dahil sa kanya hindi ko malalaman kung paano magmahal at kung paano mahalin. Nagpapasalamat pa din ako sa kanya kase dumating sya sa buhay ko at binigyan nya ng kulay ang madilim kung mundo.
Nagpapasalamat din ako kase pinaramdam nya sakin na may halaga din pala ako sa mundong ito. Nagpapasalamat din ako na kahit sa maikling panahon na naging kami minahal at nirespeto nya ko. Siguro nga, hindi ganun kalalim yung pagmamahal nya sakin, pero kahit ganun nagpapasalamat pa din ako sa kanya.
And I know, someday, that I’ll find someone who will love me unconditionally, who will love me, more than I love him, who will be there for me no matter what… alam ko na someday, darating din sya, pero ngayon, hindi ko muna iisipin yan. Kung darating sya, edi darating di ba? Ika nga sabi nila… don’t rush when it comes to love, just wait for the person who really deserved you’re love, who really worth waiting for.” “Hay naku! Ewan ko sayo ang dami mo na sinabi, oo na sige na! psh!!” yan na lang sabi nya sakin habang naglalakad kami papuntang classroom.
Letting go
Mahirap tanggapin na wala na kami, pero ano pa nga ba magagawa ko di ba? Eh, ayaw nya na eh. Alangan naman na ipilit ko pa sarili ko sa kanya di ba? Kaya wala na ako nagawa kundi tanggapin na lang na talagang wala na. At dahil nga tanggap ko na, na wala na talagang pag-asa, here I am now, letting him go.
I know it’s hard but this is the best thing that I can do. Wala na din saysay na sayangin ko luha ko para sa kanya. Atsaka isa pa, kahit pala gaano mo pa kamahal ang isang tao aabot ka din sa point na susuko ka na, kasi pride na lang yong natitira sayo tapos ano? Kukunin nya lang yun ng ganun ganun na lang? swerte nya men! Pero pwera biro, ayoko na talaga ibaba yung pride ko. Tsk! Parang bitter lang eh nu? Pero talagang magpaparaya na ko.
Dami na din na luha ang isinayang ko sa kanya eh. Hay! Ewan. Nga pala, dito nga pala ako sa classroom, absent yung prof. namin kaya vacant namin ngayon. Nilapitan ako nina Kate and Joyce dito sa upuan ko. And as usual, kwentuhan na naman ng kung anu-ano, naputol tuloy yung iniisip ko.
“Oh, bakit? Ano na naman problema nyong dalawa at nilalapitan nyo na naman ako?” sabi ko sa kanila. “wala lang, bakit masama bang lapitan ka?” sabi sakin ni Joyce. Sabi ko “di naman, may sinabi pa kung masama? Di ba wala?” natatawa naman si Kate habang sinasabi sakin na “bakit ang sungit mo ata ngayon? Anyare sayo?”
sabi ko naman sabay irap na “wala…” “maiba pala tayo, natanggap mo na ba talaga na wala na kayo ni Nathan?” sabi sakin ni Kate. “oo naman, bakit mo naman naitanong?” tanong ko sa kanya. Sabi nya naman na “wala lang, nakita ko kase si Nathan kanina kasama yong Claudia, di ba yong babaeng yon yong rason kung bakit kayo naghiwalay?” sabi sakin ni Kate.
Natahimik ako, akala ko ba tanggap ko na, na wala na kami? Pero bakit ganun? Nasasaktan pa rin ako? Akala ko ba handa na akong kalimutan sya? Hay! Ang sakit sa ulo ko tapos ngayon sakit na naman ng puso ko. Ano ba sasabihin ko dito sa dalawang babaeng to?
“Ah! Ganun ba? Eh, wala na yun, matagal na kaming wala, wala na akong nararamdaman para sa kanya nu?” sabi ko na lang sa kanilang dalawa para tigilan na nilang I topic yong walanghiyang Nathan na yun. Hay! Bakit kaya naging ganto nararamdaman ko?
“Eh, bakit natahimik ka na naman dyan?” biglang sabi ni Joyce sakin. Sabi ko na lang sa kanya “wala, I’m starting to move on na kaya sana wag nyo na muna I mention sakin yung pangalan nya, pwde ba?” request ko sa kanila.
Sabay pa sila nagsabi ng “ok…” “Sorry nga pala sa pag banggit ng pangalan nya, di na mauulit” sabi naman ni Kate sakin. Sabi ko, “ok lang yun, sabay ngiti ko sa kanila.”
Moving on
Kahit nasasaktan pa rin ako, I have to move on, kase kung hindi mas lalo lang akong masasaktan. Hay! Ang hirap talaga ng gantong buhay, minsan naiisip ko na sana di ko na lang sya nakilala eh.
Kase naman, pinaniwala nya ko na mahal nya din ako, pero hindi naman pala? That I am just a rebound? Alam nyo ba kung ganu kasakit yun? Na ang taong minahal mo ng sobra, ginamit ka lang pala para makalimutan nya yung ex nya?
Na isa ka lang pampalipas oras? Na kung gustuhin nya bumalik sa ex nya, babalik sya at iiwan ka na lang bigla? Hay! Ano ba tong mga pinag iisip ko? Di ba magmo move on na ko? Tsk!
Well, anyways, dito ako ngayon sa bahay, wala naman akong ibang gagawin dito, nababagot na ko … kaya I decided na mag malling na lang tutal wala naman akong ginagawa dito sa bahay eh…
So I decided to go sa mall mag isa. Then, I saw my ex with that Claudia girl, it still hurt me but i realize na life must go on, I have to. Well, maybe, we’re not really meant to be.
Then I also realized that in order for you to let go the person you love, you have first to accept the fact na talagang hanggang dun na lang kayo saka ka lang makaka move on. And now, starting this day, I’m on my way of moving on.
---
A/N: sorry po ngayon lang nkapag UD medyo sa school eh … dami pa assignment… tsk! Sorry kung sabaw UD ko ha?? haay!! bsta bawi.2x na lng next Update ko .. ^__^ enjoy reading!!! Sorry for typos, and grammatical errors …
BINABASA MO ANG
MS. BROKENHEARTED MEETS MR. TORPE ***ON-HOLD***
Teen FictionChloe Martinez doesn't believe in love anymore, she was cheated on by her ex-boyfriend. Masyado siyang nagmahal sa isang lalaki na dito na umikot ang mundo niya. She put him on a pedestal. Masyado siyang nagtiwala na hindi siya nito sasaktan at iiwa...