Chapter 1 The Breakup

369 9 7
                                    

Back to school na naman, this is second year, second semester. Nakatulala na naman ako habang nagkaklase ang prof namin sa Food Safety and Sanitation. Bumuntong-hininga ako at pinilit na mag focus sa klase.

Pilit na tinutuktok ko sa utak ko ang pangakong iyon para sa sarili ko. Huwag mag iisip ng kung ano ano at mag sipag na lang sa pag aaral.

After class ay mayroon kaming vacant period. Kasama ko ngayon ang dalawang kaibigan ko na sina Kate Davidson, and Joyce Marquez. I'm glad that they're still with me kahit ang tanga tanga ko dati. They're still here to support me.

Papunta kami ngayon ng canteen, at nadaanan namin si Nathan at Claudia, they look at me with an awkward expression. Pinanatili ko naman ang blangkong expression sa mukha ko, but deep inside I'm still hurting. I just don't care anymore, mawawala din naman itong nararamdaman ko sa kaniya. I just need time and effort. Naniniwala pa din ako na time heals all wound. No matter how deep the scar is, mawawala din iyon kalaunan.

Dire-diretso ako sa paglalakad na para bang wala akong nakikita, dinaanan ko lang sila na parang wala sila doon. I can see in my peripheral vision na sunusundan ako ng tingin ni Nathan, pero hindi ko siya pinansin, ayoko na siyang pansinin. Wala na akong paki sa kaniya.

I became cruel and rude, especially sa mga nanliligaw sa akin. I know na naging masama na ang ugali ko. May yelo na sa puso ko sa sobrang lamig nang pakikitungo ko sa mga lalaki. Betrayal can change someone, it will make you hard to trust someone again, men in particular.

Laging sinasabi nila Joyce na hindi lahat ng lalaki ay kagaya ni Nathan, pero sarado na ang isip ko sa kung anumang rason. Some called me a bitch but the hell I care. Galit ako, galit na galit ako.

Hindi nila alam ang nararamdaman ko, hindi nila alam kung gaano kasakit ang pakiramdam na nagtiwala ka ng lubos sa isang tao pero hindi mo inaasahan na sisirain lang din naman pala.

Tama nga sila na trust is hard to earn, but easy to lost, and promises are made to be broken. Hindi naman mag-e exist ang mga kasabihan na ito kung hindi ito naranasan ng mga taong nag imbento nito. Lahat ng kasabihan sa mundo ay na experience din ng mga tao. Mga taong katulad ko na pinaasa at iniwan.

I was back from my deep thought when Kate tap my shoulder, napatingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid. She's staring at me like I'm a different person, she's looking at me like I was possessed or something.

"What?" Sabi ko sa kaniya na medyo natatawa. "Are you sure you're okay?" Balik tanong niya sa akin. Kinunutan ko lang ito ng noo at umupo na sa bakanteng upuan dito sa cafeteria.

"Why do we feel like you are a different person?" Dagdag na tanong naman ni Kate. "What are you two talking about? I'm fine, okay? Naka move on na ako and I just realize that I don't need a man to be happy. That I can be happy even when I don't have a boyfriend. As of now, lie low muna ako sa love life. Okay na ba? Nasagot ko na ba ang mga tanong niyo?" Natatawa kong sagot sa kanila.

"Umupo na nga kayo dito, kung ano ano na pinag iisip niyo sa akin" dagdag ko pa sabay tawa sa itsura nilang dalawa. "Seriously, I'm okay. You don't have to worry about me" bumuntong hininga ako pagkasabi ko niyon.

Hindi na sila nagsalita at tumayo na kami para kumuha ng makakain.

MS. BROKENHEARTED MEETS MR. TORPE ***ON-HOLD***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon