Clint's POV
Andito kami ngayon sa canteen kasama sila Dave Suarez at James Valencia, sila ang mga best friends ko. ngayon ko lang sila nakasabay kumain dahil fine arts yung kinukuha ng dalawang to.
Walang ginagawa yung dalawang to kundi asarin ako kay chloe, hindi ko maintindihan pero kinikilig ako, wag kayong ano jan. babae lang ba ang may karapatan kiligin? hindi nu ? syempre kahit kaming mga boys kinikilig din. pero di lang namin pinapahalata sa inyo.
"uy, si Chloe oh ?" biglang sambit ni dave na nagpalingon sa akin. pero na disappoint ako na wala akong chloe na nakita. naku etong mga to talaga inaasar na naman ako. "ehem! sabe na eh, mahal nya na si chloe" sabe naman ni james. sabe ko sa kanila "napalingon lang mahal na agad? etong mga to talaga, gumagawa ng issue. ka baklaan nyo talaga mga pare" "asus! wag kami Clint, iba na lang. kilala kana namin nu? we're friends since birth right?" sabe ni dave sakin, "uo nga pre, kaya nga sumunod kami sayo dito sa Manila eh? simula nong nalaman mo na may bf na pala yung si Angela, nawala kana lang bigla" dugtong naman ni James sa sinabe ni Dave.
"Alam nyo kayo kotongan ko kayo jan eh? magkaibigan lang kami ni chloe, nilalagyan nyo ng malisya yung mga nakikita nyo samin, tsaka kaka break lang nung tao sa ex nya eh ? siguro nga mahal pa din nya yung ex nya eh?" sabe ko sa kanila, di ko maintindihan sarili ko bakit nakakaramdam ako ng kirot sa isiping mahal pa nga ni chloe yung ex nya. "asus, nasasaktan ka naman? alam mo Clint wala ka nang maitatago samin nu?" sabe ni dave sakin. "ewan ko sa inyo, bahala na nga kayo mag isip ng kung ano ano, aalis na ako at may exam pa kami" sabay tayo ko para makaiwas na sa kanila.
Kung napapansin nyo hindi ko sila kasama ngayon dahil nahihiya ako kase nasigawan ko nung isang araw si kate dahil sa kaka batok sakin, tsaka umiiwas din ako kase parang lumalalim na yung nararamdaman ko kay Chloe, after Angela sa kanya ko pa lang naramdaman yung ganitong klaseng damdamin.
pagdating ko ng classroom ay andun na silang 3, iiwas pa sana ako ng tawagin ako ni Chloe, "uyy, Clint di ka namamansin jan" "oo nga, sorry nga pala sa pag batok ko sayo nung isang araw ah?" sabe sakin ni Kate, "wala yun Kate :-) tsaka sorry din dahil nasigawan kita, nasa canteen lang ako kanina kasama ko mga kaibigan ko" "ahh ganun ba ? o sya sige, andyan na pala si sir oh?" sabe naman ni Joyce.
haaaays. nakakapagod naman ang pagtatapos ng araw na to, nakaka stress yung exams ngayong araw.
----
a/n: medyo mahaba yung update ko ngayon :-D pag pasensyahan na lang ang update na to .
BINABASA MO ANG
MS. BROKENHEARTED MEETS MR. TORPE ***ON-HOLD***
Novela JuvenilChloe Martinez doesn't believe in love anymore, she was cheated on by her ex-boyfriend. Masyado siyang nagmahal sa isang lalaki na dito na umikot ang mundo niya. She put him on a pedestal. Masyado siyang nagtiwala na hindi siya nito sasaktan at iiwa...