Irish Dawn Morris
Kasalukuyan kaming nasa garden nila Lei. After kami kausapin nila Tita Elizabeth at after namin makuha yung blessing nila sa relationship namin na talaga namang kinatuwa ko ay dito na kami pumunta. Inaalok ako ni Lei kung gusto ko muna daw kumain pero sinabi kong mamaya na lang. Gusto kong makilala yung ibang pinsan nya eh.
"So, Irish right? Sigurado ka bang hindi ka nagayuma ni Leighton? Napaka imposible kasi talaga eh. Ang ganda ganda mo oh. Tapos dito ka bumagsak sa pinsan naming timang." nagtawanan sila sa sinabi ni Kevin.
Kanina pa nila inaasar si Lei. Hindi tuloy maalis yung pagkakabusangot ng pagmumukha nya.
"Ano ba Kevin! Ako na naman nakita mo. Kaya ayaw kitang kasama eh. Umuwi ka na sainyo." nagtawanan ulit sila.
Pinagmasdan ko si Lei. Mukha talaga syang kawawa. Nakanguso sya habang may sinusulat na kung ano sa table na nasa garden gamit yung hintuturo nya.
Dahil kawawa na yung girlfriend ko sa kanina pang pang aasar. Kumapit ako sa braso nya saka ngumiti sa mga kasama namin.
"Hmm. There's no need for her to use love potion on me cause im genuinely inlove with her." nakita ko na unti unting nag smile si Lei sa sinabi ko. Kapansin pansin din yung pamumula ng mukha.
Her flustered face might became one of my favorite view.
"Yak. Kadiri." nagtawanan ulit ng si Illy naman yung nagsalita.
Forever bitter.
We spent our time laughing with each other. Maya't maya pa din yung pang aasar nila kay Lei na laging pinangungunahan ni Kevin at Illy. Partners in crime daw yung dalawang yon.
All in all. The night went so smooth. No problems occured. Ang pinaka gusto ko sa lahat ng nangyari ngayong gabi ay yung acceptance na natanggap namin from them.
Ang saya lang. I hope this happiness will last forever.
.
.
.
.
.
.
"Where's your sister, Illy. Napapansin kong madalas yung pag absent nya. San nagpupunta yon?" kakatapos lang ng practice namin sa pep squad. Nagliligpit na kami ng gamit namin para umuwi.It's been already one month since Lei introduced me to her family. So far so good. Walang away na nagaganap samin. Our relationship is going strong. Hindi pa rin tanggap ni dad yung saming dalawa ni Lei. Pero hindi ko muna masyadong iniisip yon. As long na he's not doing any dirty tricks to separate the two of us ay ayos na sakin yon.
Nilingon ko si Illy na hindi sumagot sa tanong ko. Lately, napapansin ko na madalas syang tulala. Madalas wala sa sarili. Parang may malalim na iniisip.
"Illy?" tawag ko sa kanya.
I see her blink her eyes saka humarap sakin.
"K-kinakausap mo ako?" lutang na tanong nya.
Binigyan ko sya ng nagdududang tingin.
May nangyayari talaga sa isang to. Hindi naman sya ganito eh. Yung usual na Illy is yung manyak. Tas laging nang aasar. Pero these past few days. Tahimik lang sya. Kahit nga may dumaang maganda sa harap nya ay parang wala syang nakikita. Nakatulala lang talaga sya.
It's starting to bother me. Well. Illy is my friend. Natural ng mag aalala ako sa kanya kung ganito yung kinikilos nya.
"Sabihin mo nga samin. May problema ka ba? Napapapansin kong ilang araw ka ng wala sa sarili."
"Oo nga. Napapansin ko rin yan. Ikaw Illyana ah. Naglilihim ka na samin. May problema ka talaga noh" sabi ni Sophie na biglang sumulpot sa pagitan namin ni Illy.