Tyra Leighton CuevasAndito ulit kaming lima sa aming kuta. Tapos na yung panghapon na klase pero ayaw pa namin magsiuwi. Nakakatamad kasi eh.
Kung tutuusin pwede naming gapangin yung daan mula dito hanggang bahay. Kaso tinamaan talaga kami ng napakalalang sakit kaya hindi kami makagalaw.
Nakakatamad talaga.
"Kamusta exam. Pasado ba?" narinig kong tanong ni Zandro. Nakakagulat naman tong taong to. Napaka tahimik pero pag nagsalita mashoshock ka talaga. Ang lalim kasi ng boses eh.
Nagsibugahan sila ng hangin na kinabaho ng paligid. Deh joke lang hahaha. Mukha silang malulungkot. Para akong naawa bigla. Kasi pursigido sila kanina tapos mukhang mga hindi pa pumasa.
Iba talaga pag mga bobo.
"Pasado. Kaso 5 pa rin mali ko." si Veron
"I passed. Pero hindi pa sapat."Harold
"Pasado din kami. Kaso ang gusto ko sana ma ace ko yung exam. Teka. May nakaperfect daw ah. Sino yon?" hindi ko na lang pinansin yung mga pinagsasabi nila.
Mga pasado naman pala kung magsipag arte akala mo bagsak. Tsk tsk.
Kinain ko na lang yung mansanas na binili ko kanina sa canteen. Dumaan pa muna kasi ako don bago pumunta dito.
Pinunas ko iyon sa damit ko at ng sa tingin ko ay malinis na. Saka ako kumagat ng malaki.
Hmmmm. Saraaaappp.
Nagpakabusy ako kakakain at hindi ko namalayang nanahimik sila. Saglit ko silang tinapunan ng tingin.
Nag isip pa ako saglit kung masyado na ba talaga akong cute kasi lahat sila ay nakatingin sakin. I just shrugged my shoulder.
Mga baliw. Alam kong cute ako. Sige lang. Tignan nyo lang. Libre naman tumingin eh.
"Napaka daya talaga. Halos hindi nga nagbukas ng libro yan tas naperfect pa yung exam." reklamo ni Veron.
Nagligpit na sila ng gamit nila. Sa itsura nila. Mga mukha silang luging lugi.
"Ano pa ba aasahan? Eh sa matalino yan eh. Mas mataas pa iq nyan kay Einstein." si harold.
Natapos na sila kaliligpit. Nagsitayo na sila saka ako tinignan na nakasalampak pa din sa sahig.
"Oi genius. Di ka pa ba uuwi? Iiwan ka na namin." tanong sakin ni Veron.
Nangamot na lang ako saka inubos yung kinakain ko. Tumayo na rin ako pagtapos. Nakaayos na din naman kasi yung gamit ko. Hindi ko na nga rin hinubad yung bag ko eh.
"Buhatin nyo nga ako. Tinatamad ako maglakad." tinignan lang nila akong lima. Tapos parang wala silang narinig na nagsilayasan na.
Aww. Di talaga nila ako lab. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang. Sana talaga anak na lang ako ni Goku. Para marunong ako lumipad o di kaya magteleport.
Sad layp.
Matutulog na lang ako pag uwi.
Irish Dawn Morris
Galit na pinagbubura ko lahat ng messages ni Davis sakin.
Ang kapal kapal talaga ng mukha non. Matapos ng ginawa nyang pagtulak sakin ng dalawang beses sa canteen. May lakas pa sya ng loob na kausapin ako.
The nerve of that guy. Nakakainis talaga.
"Chill Irish. Halos mawasak mo na yang phone mo. Kinukulit ka pa rin ba ni boyfriend mo?" sinamaan ko ng tingin si Mich na prenteng nakaupo sa tabi ni Illy na walang humpay kakakain ng chocolate.