SHI

300 19 2
                                    

Irish Dawn Morris

Mula nung araw na sabihin sakin ni Illy na gusto ko si Lei. Halos lagi na akong lutang.

Kahit ayoko isipin si Lei ay hindi ko magawang kontrolin yung utak ko na lipad ng lipad patungo sa kanya.

Kung dati parang hangin lang sya sa mata ko.

Ngayon halos lahat na lang napapansin ko.

Lahat ng mannerism nya.

Kada galaw. Kada ngiti. Kada tawa.

Halos wala akong napapalampas.

Pati nga yung mga estudyanteng parang tanga kakapapansin sa kanya napansin ko na rin.

Nababadtrip ako pag nagtratrying hard sila to get Leighton attention.

Buti na lang isang taong walang pake madalas si Lei. Kaya hindi nya na rin sila napapansin.

Dalawang araw na lang, intrams. Ilang araw lang umabsent si Lei gawa ng nangyari sa kanya. Pumasok sya agad ng school dahil moral support daw sya ng mga kaibigan nya.

Ayaw pa sana sya papasukin nila Illy pero matigas yung ulo. Kaya hinayaan na lang nila.

About Davis. Nakick out sa school yung gagong yon. Kasama ng mga kaibigan nya. Black listed din sila sa ibang school kaya hindi sila makalipat don.

If they really want to continue studying. Kelangan pa muna nilang mag abroad dahil walang paaralan sa Pilipinas ang tatanggap sa kanila.

Buti nga yon.

"Sige na kaseee Henry. Pasali na sa banda nyooo. Gusto ko kumantaaaa. Maganda naman boses ko ehhhh." mula sa pwesto ko ay narinig ko yung boses ni Lei.

Hindi niya ako napansin kasi tahimik lang din naman ako sa pwesto ko. Nakaharap pa sya kay Henry na mukhang malapit ng mabadtrip sa kanya.

Magkakasama na naman ulit silang anim.

Lagi kong napapansin na halos hindi sila maghiwalay. Kung nasan yung isa. Asahan mong nasa paligid lang yung lima. Ganon sila kaclose.

Naglalakad sila sa may hallway. Halos malapit na sila sa pwesto ko. Tinitigan ko yung mukha ni Lei. Malapit na gumaling yung mga pasa nya. Pero may mga band aid pa din sya sa mukha.

"Manahimik ka Lei. Kahit maglupasay ka. Hindi kita isasali. Tama na yung pangangarap mo na maganda boses mo. Dinaig mo pa yung hinampas na yero pag bumirit. Masakit ka sa tenga. Kung pumapayag ka na sa drums ka na lang. Pwede kita isali. Pero hindi kita pagbibigyan sa kagustuhan mong kumanta." sobrang close nga sila. Grabe kung magbarahan eh.

Nakita kong bumusangot si Lei na lalong nagpacute sa kanya. May binubulong bulong pa sya na hindi ko narinig. Nakalampas na rin sila sa pwesto ko. Halos lahat kaming andito ay nakasunod yung mata sa kanila.

Grabe. Ang lakas talaga ng hatak ng grupo nila.

Tumayo na din ako para pumunta sa practice. Halos hindi ako makadaan kasi kumpulan pa rin yung mga estudyante. Nakatanaw pa din kila Lei. Nag init na naman tuloy yung ulo ko. Pinagbabangga ko lahat ng harang. May ibang magrereklamo pa sana kaso ng tinaasan ko ng kilay ay nanahimik na.

Ganyan nga. Matakot kayo. Hampasin ko kayo eh.

Dire diretso na akong pumunta sa gym kasi don kami magprapractice.

Tyra Leighton Cuevas

Lunch time.

Mag isa lang ako sa room dahil halos lahat sila nagsisikain na. Sila veron. Wala. Hindi pa daw tapos sa practice nila eh.

How It Begins(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon