JYUU

198 8 0
                                    

Tyra Leighton Cuevas

Gusto ko pa matulog.

Gustoooong gusto ko pa matulog.

Pero paano ako makakatulog ng matiwasay kung naririnig ko yung pagkalakas lakas na tawa ng ate ko na akala mo nasa kabilang bundok yung kakwentuhan.

Nakasimangot na dinilat ko yung mga mata ko.

Nakakagulat kasi ang dami nilang andito. Parang buong populasyon ng school yung dumagsa sa kwarto ko sa hospital. Nakita kong kumpleto yung tropa ko na andon lang sa sulok at parang mga maamong bata na tahimik lang.

Kumpleto din tropa ni ate. Pati si Yirin nakita ko. At hindi lang yon. Pati sila Myrtle andito din.

Teka. Buhay pa naman ako diba? Bakit andito silang lahat?

"Hala hala. Gising na sya!" napangiwi ako sa biglaang sigaw ni Lime. Lahat sila sabay sabay na tumingin sakin. Bigla akong nahiya.

Ilang segundo din ata silang tahimik. As in . nakatingin lang talaga. At dahil masyado na akong naiilang ay isang mahiyaing HI yung pinakawalan ko.

Yun lang at namatay na ako ng tuluyan.

Pfftt joke lang.

Sumugod lang naman sakin si ate na akala mo nasa taping kung makangawa.

Parang nakita ko pa ngang nag hello sakin yung uhog nya. Kadiri lang.

"Waaaahhh. Kaaappreee. Akalaaa ko di ka na magigising. Akala ko mawawalan na ako ng kapatid. Waaaahh. Sino na lang aalilain ko pag nawala ka? Sini na lang yung lalait laitin ko pag namatay ka talaga?" parang ako yung nahiya para sa kanya. At dahil nakayakap sya sakin ay agad kong nilayo yung pagmumukha nya.

"Lumayo ka. Hindi kita kilala." opo. Hindi ko na sya kilala. Hindi man lang nahiya eh. Ang dami dami namin dito kung makaiyak wagas.

At dahil may pagka oa nga sya ngayon. Ay naiyak na naman sya ng walang dahilan. Hindi ko na din napigilan yung kamay nyang nakita kong pinangpunas nya ng sipon na ngayon ay pahawak hawak na sa pisngi ko.

Ipaalala nyo sakin na pag malakas na ako na kailangan ko siyang bigyan ng isang sipang malakas.

"Hindi mo ko kilala? Hindi mo ko matandaan. Nagka amnesia ka? Waaahh. Kapre ako to!! Yung pinakamaganda mong kapatid. Yung lagi mong pinupuri at sinasamba dahil sa kagandahan. Yung lagi mong binibigyan ng napakaraming chocolates. Yung binibigyan mo ng limang libo araw araw. Yung inutangan mo ng 50, 000 tapos hindi mo pa nababayaran. "

Lord. May nagawa po ba akong kasalanan? Bakit nyo po ako binigyan ng ganitong kapatid? Pwede pa ho ba syang palitan?

"Tantanan mo nga, kakagising pa lang nya. Wag mong guluhin." bumuntong hininga ako at nagpasalamat kay Ms. Smith dahil sya yung naglayo sakin sa taong di ko na kilala mula ngayon.

Nagpupumiglas pa nga sya kaso pinagbantaan ko lang na nanakawin ko lahat ng chocolates nya sa fridge kaya ayon. Nanahimik at sya na ang kusang lumayo.

Kinamusta nila akong lahat. Sinabi ko naman na ayos na ako kaya nagsingitian din sila.

Kwinento din ni Ms. Smith yung nangyari after kong himatayin at pati na din yung nangyaring pag uusap between my family and sir Lacson. Habang nagkwekwento si Ms. Smith ay kapansin pansin yung pagpapapansin ng ate ko sa gilid. Paano panay flex nung braso nyang puro buto naman. Hinahalik halikan pa nga saka nya hinihimas. Apaka yabang.

Babarahin ko sana kaso wag na pala. Kahit paano ay thankful ako sa ginawa nya.

Nagstay pa silang lahat ng isang oras bago sila nagpaalam umalis. Nagpaiwan saglit sila Veron para guluhin yung buhok ko saka din sila nagsilayas.

How It Begins(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon