2

138 9 0
                                    

Irish Dawn Morris

"Nagugutom ka na?" narinig kong tanong sakin ni Lei ng mapadaan kami sa mga stall ng street foods dito sa park

Today is Sunday at kakatapos lang namin magsimba. Nag aya siya bigla kaninang umaga. Buti na lang wala akong nakaplanong gawin ngayong araw kundi ang tumunganga sa room ko.

Mag gagabi na ng matapos yung mass. Diretso na kami dito after mag church. Sabi nya kasi. Date daw kami. Pambawi nya daw nung araw na nakulong sya sa Deans Office.

Naexplain nya na sakin yung nangyari that day. Sabi nya ay pinatawag daw sya ni Dean. Pagpunta nya daw don ay yon nga. Nalock sya. Nakatulog sya sa loob kaya hapon na nung makita namin sya.

About sa sinabi ni Zach na nakita nya daw si Lei na paalis ng school. Ang paliwanag ng lalaking iyon ay baka nagkamali lang daw sya ng tingin. Inakala nya lang na si Lei kasi halos parehas yung structure ng taong nakita nya at netong girlfriend ko. Dahil sa kabalbalan nya. Mas lalo ko syang hindi kinausap.

Nagalit pa ako kay Lei eh wala naman palang kasalanan ang isang to. Kaya yan. Hindi lang sya yung bumabawi ngayon. Ako din.

"Salamat po." ako na yung kumuha dun kay manong tindero ng pinaluto naming kwek kwek. May hawak na kasing palamig si Lei sa magkabila nyang kamay.

"Lei. Ano sauce mo? Matamis or maanghang?" tanong ko sa kanya.

Tinignan nya muna yung sawsawan bago sumagot.

"Yung maanghang ate. Lagyan mo muna sya ng konting konti na suka saka mo yung maanghang na sauce." sinunod ko yung gusto nya. Naglagay na din ako ng matamis na sauce sa pagkain ko bago kami sabay na naglakad at naupo sa isa sa mga benches na andito sa park.

Nilagay namin sa pagitan naming dalawa yung binili naming pagkain bago nagsimulang kumain.

"Ate Dawn." narinig kong tawag nya.

Huminto ako sa pagkain saka sya hinarap. Nakasmile sya ng malaki habang nakatingin sakin.

"Bukas after school. Sama ka sakin sa bahay. Andon sila mommy ngayon. Papakilala kita sa kanila as my girlfriend." andon pa din yung kilig pag sinasabi nyang girlfriend nya ko. Pero mas nangibabaw yung kaba ko ng sinabi nyang ipapakilala nya ako.

Gosh. Im not prepared.

"Su-sure ka na ipapakilala mo ko?" i ask her.

Agad na kumunot yung noo nya sa tanong ko.

"Syempre naman."

Bumuntong hininga ako.

Sa totoo lang natatakot ako. Baka kasi gaya ni dad ay hindi rin nila matanggap yung relasyon namin ni Lei.

Nasabi ko na kasi kila mom yung tungkol samin. Naiinis na din kasi ako dahil patuloy na pinapares ni dad si zach sakin.

Kay mommy ayos lang. Sabi nya nga ay gusto nyang makita ulit si Lei. Kaso si dad. Ayon. Galit na galit. He told me na kasalanan daw yung ginagawa namin. Na dapat kong hiwalayan si Lei. Sorry to say pero namana ko ang katigasan ng ulo nya so no. Hindi ako makikipag hiwalay sa taong mahal ko. Bahala sya mag alburuto sa galit don. Kung gusto nya talaga si Zach eh di sila nalang dalawa. Dinadamay pa ako.

"Ate Dawn." naputol yung pag iisip ko ng marinig ko si Lei. Nakaupo na sya sa tapat ko. Tinanggal nya yung hawak kong pagkain sa kamay ko at saka ako hinawakan ng ng mahigpit.

"If iniisip mo na baka hindi nila tayo matanggap. Wag ka ng mag alala. Understanding sila mommy. Sabi nila. Hindi nila kami pipigilan sa mga bagay na alam nilang ikakasaya namin as long na wala kaming sinasagasaang tao. Don't worry too much ate. Trust me. Tanggap nila tayo." naramdaman ko ang paghawak nya sa pisngi ko.

How It Begins(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon