Illyana Johanne Cuevas
It's her fourth day in the hospital. Patuloy pa rin yung mangilan ngilang test sa kanya. So far her conditipn is stable pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang sya. Alam kong nahihirapan si Leighton pero gaya ng madalas nyang ginagawa. Pinipili nyang sarilinin iyon
"Wala ka ba talagang plano na ipaalam to sa girlfriend mo? Alalang alala na sayo si Irish. Sagad na talaga yung ipapalusot ko. Kahit sila Veron kinukulit na ako." tanong ko sa kanya.
Hindi na talaga ako tatangapin sa heaven sa dami na ng naimbento kong kwento para mapagtakpan sya. Sa ilang araw na pagstay nya dito sa hospital ay pinili nyang wag magparamdam kahit kanino. Ayan tuloy. Halos mabaliw baliw na sila lalo na si Irish kakatanong sakin pero wala naman akong magawa. Gusto ko man sabihin sa kanila yung lagay ni Leighton pero kung ayaw ng kapatid ko. No choice din ako.
Pero naaaahhh. Pag ako hindi nakatiis ewan ko na lang din. Naawa na din ako sa mga taong nag aalala sa kanya eh.
Lunch time na kaya naman nakasaglit ako sa hospital.
Wala sila mommy at daddy dahil saglit silang umalis. Naipaalam na rin ni Kevin sa kanila yung sitwasyon ni Lei. Nung una napagalitan pa nga kami. Bakit daw di namin sinabi agad. Pero nung nagsorry naman ay agad naman silang kumalma.
"Meron. Kaso. Ewan. Natatakot talaga ako." haayyss. Eto na naman po tayo.
"Alam mo Lei. Walang mangyayari kung paiiralin mo yung takot mo. San ka ba natatakot? Na ideyang mag aalala sila sayo? Come on. Natural na yon no."
Sumimangot sya. Saka nagkamot.
"Kasi naman eh. Ewan."
"Bahala ka sa buhay mo. Kung ayaw mo magkusang magsabi. Pwes. Dadalhin ko sila dito." tumayo na ako sa kinauupuan ko. Narinig ko na tinatawag nya ako pero hindi ko sya pinansin at saka tuloy tuloy na lumayas.
Bahala sya don. Walang mangyayari kung patuloy syang maglilihim. Kung ayaw nya sabihin. Pwes ako magsasabi. Napapagod na din ako na magsinungaling aba.
Irish Dawn Morris
"Hey. What are you guys doing here?" tumigil kami sa paglalakad ng lumabas mula sa isang Pinto si Kevin.
Mukha syang gulat ng una pero unti unti ring ngumiti. Ibinaba nya yung clipboard na binabasa nya kanina saka tuluyang humarap samin.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Hindi ko aakalain na makikita namin sya dito.
"Wait? Doctor ka?" tanong ni Sophie.
Nag smile ulit sya samin bago tumango.
"Yeah. Im a cardiologist. Hindi ko ba nabanggit sa inyo?"
Umiling kami sa kanya
"Oh. Akala ko nasabi ko. Hmm by the way. What brings you here? May bibisitahin ba kayo?" tanong nya ulit.
Hindi umimik sila Sophie at Mich kaya ako na yung nagsalita.
"Pinapapunta kami ni Illy dito. She never mentioned kung bakit. Basta pinapunta nya lang kami."
Nagpatango tango siya. Tinignan nya kami bago nilingon yung iba pa naming kasama.
"Who are they? Friends nyo?" he asked once again.
Nilingon ko sila Veron sandali saka muling humarap sa kanya.
"Yeah. Actually. Bestfriends sila nila Lei."
Nagpakilala sila Veron kay kevin. Nag shake hands silang lahat.
Nagsimula ulit kaming maglakad sa pangunguna ni Kevin.