NANA

271 14 1
                                    

Tyra Leighton Cuevas

"May tatlong bibe akong nakita" sinilip ko sila Veron na kasabay kong naglalakad habang pabulong na kumakanta.

Nakita kong busy sila sa sarili nilang mga topic kaya tinuloy ko yung pagkanta ko ng pabulong habang pinagmamasdan yung sapatos kong suot.

"Mataba, mapayat mga bibe."

"Zachary invited us. May welcome party daw for his cousin this coming weekends. I didnt respond on his invitation yet. Sabi ko tatanungin ko muna kayo. So ano? Pupunta ba tayo?" narinig kong tanong ni Henry. Walang umimik samin. Siguro pinag iisipan pa nila.

"Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa. Syang lider na nagsabi ng quack quack. Quack quack quack."

"Sige im in. Wala naman akong gagawin sa weekends eh."

"Sige punta na rin ako.

" ako rin."

"Kung sasama kayo. Sasama na rin ako. "

"Syang lider na nagsabi ng quack quack."

"Ikaw leighton? Pupunta ka ba?"

"Maliliit na gagamba umakyat sa sanga."

"Hoyy. Leighton."

"Dumating ang ulan at tinaboy sila"

"Walang hiya. May sariling mundo na naman."

"Sumikat ang araw at natuyo ang sanga. "

"Bahala ka nga dyan"

"Kaya maliliit na gag-"

"Diba sila ate Irish yon?"

Namilog yung mata ko ng marinig ko yung pangalan ni ate Dawn.

Ang happy pill ko.

Mabilis pa kay the flash na nag angat ako ng ulo. Hawak yung salamin ay nagpalinga linga yung ulo ko.

"Asan? Asan si ate Dawn?"
Kita ko yung pag iling ng ulo nila pero di ko na lang pinansin. Pinaliit ko pa lalo yung mata para mabilis ko mahanap yung babaeng may long blond wavy hair na syang laging tumatakbo sa isip ko.

And there she is. Nasa dulo ng hallway. Kasama nya sila ate Illy at si Zach.

Hmmm.

Wait. Kasama si Zach?

Naningkit yung mata ko at alam kong humaba yung nguso ko habang nakatingin sa kanila. Mukhang nag uusap sila.

I tilt my head sidewards tapos sinuksok sa bulsa yung dalawang kamay ko.

Ang laki naman ng ngiti ng lalaking yon. Hindi naman halatang tuwang tuwa habang kausap yung future ko.

"Si zach yung kausap nila diba?"

"Baka iniinvite din sila Ate Irish."

"Baka nga."

Nag usap pa sila Veron sa tabi ko habang ako ay nakanguso lang na pinagmamasdan sila Ate Dawn. Daig ko pa nagbabantay.

Casual lang sila na nag uusap hanggang sa mag alarm yung mga warning signals sa utak ko ng makitang hinawakan ni Zach yung braso ni Ate Dawn habang nakangiti ng malaki.

Nakanganga at nanlulumo kong tinapik tapik yung katabi ko.

"Araaayy. Ano ba leighton." ay si robert pala yon.

Itinuro ko sila Ate Dawn. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng inalis nya yung kamay ni Zach pero etong si panget. Binalik din naman.

Aba!!

How It Begins(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon