SAN

369 18 1
                                    

Tyra Leighton Cuevas

Alam nyo yung himala? Yung mga bagay o pagkakataon na imposibleng mangyari pero nangyayari talaga.

Eto. Isang malaking himala.

Umuwi kasi sila Mom and Dad galing France. Na napakahimalang mangyari. Halos kasi don na sila tumirang dalawa. Kakaasikaso ng bussiness nila na don nakabase.

Busy ako kakasilip kay Mommy na nagluluto mula kusina. Pasilip silip lang ako mula pinto. Pano ba naman kasi. Makikitikim lang naman ako nung prinito nyang lumpia nung pinalo nya ako sa kamay saka pinalayas. Pinagbantaan pa ako na wag akong makatapak tapak sa loob ng kusina kung ayaw kong itapon nya lahat ng gaming consoles ko.

Napaka. Tikim lang eh.

"Namboboso ka?" nagulat ako sa biglang sulpot ni dad sa likod ko.

Pangiti ngiti pa si daddy habang nakatingin sakin. Alam kong may idea si dad kung bat di ako makapasok ng kusina. Ganito kasi lagi yung eksena namin ni Mom pag narito sila. Lagi akong banned na pumasok pag nagluluto sya. Ang bad nyang nanay.

Nakasimangot na nilingon ko si daddy na nakangisi sakin ngayon. Gusto ko magtampo tas magsumbong sa kanya kaso naalala kong under din pala sya ni mommy. Kaya gaya ko wala din syang magagawa. Sa totoo nyan. Kaming tatlo kasama ni Ate Illy yung laging di nakakapasok sa kusina pag andon si Mommy sa loob. Sabi kasi ni mommy pag hinayaan nya daw kaming tatlo. Oanigurado na wala syang matatapos dahil panay yung nakaw tikim namin sa mga niluluto nya na nauuwi sa lamon.

Wala eh. Namana namin ni Ate yung katakawan ni Dad.

Kasalanan talaga lahat to ni Daddy.

"Hindi ako namboboso dad. Hmmp. Kaw kasi daddy eh. Ang takaw mo kasi. Yan tuloy. Sa dami ng mamamana ko sayo. Yung katakawan mo pa talaga. Kasalanan mo talaga to dad." wag kayong magtaka kung bat ganito ako magsalita.

Tropa kami neto ni Pareng Arturo kaya ayos lang na ganito ko sya kausapin.

Kahit naman ganito ako makipag usap sa kanya. Malaki pa rin yung respeto ko sa kanya. Daddy ko sya eh. Tyaka hello. Wala akong pera pag binastos ko sya. Charr. Lab ko to si dad.

"Kasalanan ko na naman? Lagi na lang ako. Hindi ko naman kasalanan kung pagiging matakaw ko yung namana mo. Ahh. Siguro nagsisisi ka kasi hindi yung gandang lalake ko yung nakuha mo. Ang pangit mo kasi nak tas ang gwapo ng tatay mo. Ampon ka ata namin eh" mas lalo akong bumusangot sa sinabi ni dad. Yabang yabang eh.

"Luh. Buti nga si Mommy kamukha ko eh. Pati si ate si mommy din kamukha. Alam ko dad na nagtatampo ka kasi hindi ka namin kamukha. Baka ikaw yung ampon satin dad?" nag asaran lang kami ni dad ng nag asaran hanggang sa parehas kaming mapunta sa sala.

Naabutan namin don sila ate Illy na biglang tinago yung kinakain nyang chocolate ng makita si dad. Na napaka non sense din dahil ang daming bakas ng ebidensya na nagkalat sa pisngi nya.

Kasama nya ulit yung mga tropa nya na balak na atang dito sa bahay tumira. Lagi silang nandito eh. Hindi na ako magugulat kung isang araw nagsipag migrate na sila sa bahay namin.

Narinig kong binati nila si daddy. Ngumiti lang naman si dad saka umakbay sakin. Hila hila ako ni dad bago umupo sa sala. So bale. Andito kaming lahat ngayon.

Tinignan ko isa isa yung mga tropa ni ate Illy.

Si ate Mich na daig pa kambal ng ate ko kasi lagi silang magkadikit. Gaya ngayon. Tabi na naman sila. Kulang na lang magpalit sila ng mukha sa sobrang tabi nila. Minsan naawa ako kay ate Mich kasi feeling ko inaalila sya ng ate ko. Lagi ko kasing nakikita na tagapunas ng amos ng balahura kong ate si ate Mich. Kausapin ko kaya minsan si ate mich. Tatanong ko kung totoong inaalipin sya ng ate ko.

How It Begins(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon