Tyra Leighton CuevasHalos magkanda hulog hulog na yung napakalaki kong salamin kada headbang ko. Mukha na rin akong tanga. Feeling ko pa may imaginary guitar ako kasi feel na feel ko yung pagstrum kuno.
Kung makikita nyo ko baka bigla nyo ko dalhin sa mental. Mukha talaga akong nababaliw na eh. Pero wapakels. Panic at the disco is now playing. Woooaaahhhhh
Walang makakapigil sakenn!! Lodi Brendonnn. Sarangghaee.
Ay mali. Di pala koryano si Lodi
"Ayyy raayyttt siiinnss. Haveeenttt youuuu pipolll ebeerr hearrrrddd ooffff. Clooosing theee goddaaamnnn dooorrr yeeaahhh. " pakiramdam ko talaga maganda boses ko ehhh. Pakiramdam ko talaga. Matindi ang paniniwala kong napakaganda ng tunog na nilalabas ng bunganga ko. Lalo na pag sapaw na sapaw ng boses ni Lodi Brendon yung pandinig ko. To the point na kahit maghuhumiyaw ako dito. Hindi ko pa din maririnig yung sarili ko.
Ilang minuto pa akong nakulong sa pantasya ko hanggang matapos yung kanta.
Hingal na hingal ako. Yung paghinga ko dinaig pa yung mga athlete na kasali sa marathon.
Inabot ko yung tubig ko na nasa di kalayuan.
Kasalukuyan akong umiinom ng tubig ng marinig kong mag play yung acoustic version ng This is Gospel.
At dahil nga baliw ako. Naupo ako sa may piano na nasa sulok ng bakanteng music room na ginawa kong kuta.
Papikit pikit pa ako tas napindot sa keys. Eh wala namang tunog na nalabas.
Damang dama ko yung moment. Feeling ko ako si Brendon.
"This is Gospel. For the fallen ones." sabay ko ulit sa kanta.
Nagtuloy tuloy yung kanta ko hanggang sa magchorus. Papikit pikit pa ako non. Feeling Brendon talaga.
Nung nasa chorus na. Binabalak kong bumirit. Minsanan lang naman tyaka maganda(?) naman yung boses ko eh.
"Iiffff youu loveee mee lettt meee gooooooooooooo."yan na. Shemmss. Kuha ko. Isa pa. Isa pa.
" iffff youuuu loveee meee letttt meee gooooo----" naputol yung pagbirit ko ng may talipandas na humablot ng earpods mula sa tenga ko. Pagmulat ko eh yung umuusok na mukha ni Pareng Veron yung sumalubong sakin.
Mukhang badtrip na badtrip sya sa buhay nya. Ganon din yung itsura ng iba ko pang prends.
Ay oo nga pala. May kasama ako. Nakalimutan ko. Hihi
"Putaanggg inaaaa Leightooonn!! If you love us. Manahimik ka!! Ang sakit sakit mo sa tenga!" napanguso ako sa pang aalipusta ni Veron. Walang puso. Ang sarap kaya sa ears ng boses ko.
"Grabe sya. Makamura parang di ako lab. Ang ganda ganda nga ng boses ko eh. Heavenly." totoo yan. Promise.
"Maganda? Yung boses mo parang tutang inipit. Daig mo pa babaeng di naanak. Maaga akong mamatay sayo eh." pangungunsumi nya pa.
Tumalikod na sya bitbit yung earpods ko saka lumapit sa iba pa naming tropa.
Lumapit na lang din ako sa kanila kasi pinutol na nila yung kaligayahan ko.
Nakasalampak lahat sila sa sahig tas busy sa mga pinagbabasa nila.
Kung titignan yung itsura nila marerealize mong mga pangit sila.
Deh joke. Gwapo naman tong mga kumag na to. Mga hart throb kuno to dito sa school eh. Lima kaming magtrotropa. Puro sila boys tas ako prinsesa nila.
Ayiieee. Deh joke ulit. Basta gwapo sila. Tas ako, na nag iisang babae saming lima. Ay mukhang saling pusa lang.
Pag magkakasama kasi kaming naglalakad. Nagmumukha akong katulong nila. Pano mga mukha silang God na bumaba mula Mt. Olympus.